10

2.5K 128 21

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

10

"Masarap na ba?" Ipinatikim ni Kim kay Lowai ang ginawa nilang cocktail drink.

"Parang may kulang, pero hindi ko alam ano. Tikman mo nga." Ibinigay nito kay Kim ang goblet.

"Kulang ng lemon. Sandali, konti na lang at mape-perfect na natin ang  LoKim." May kinuha si Kim at ilang sandali pa ay naging abala sa ginagawa. Pagkatapos ng ilang tikim ay ibinigay kay Lowai ang ginawa.

"Okay na ba?"

"Perfect! Galing mo talaga, Kim!"

"Naman! Ang galing natin! Ipapatikim natin sa mga bosses, kapag okay, baka pwede nating i-serve, para sa mga magkakaibigan, LoKim's drink."

Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ni Carlos sina Kim at Lowai. Iisang baso lang ang pinag-iinuman nila? At kung makatingin at makangiti akala mo naglalambingan? Hindi pa nga nakabukas ang bar nila pero ayaw niyang nakikitang masyadong malambing ang mga empleyado niya sa isa't isa.

"Pare, baka biglang matumba si Lowai sa mga tingin mo." Biglang sulpot ni Ruel sa likod niya.

"Hindi ko gusto ang ginagawa nila." Nakakunot ang noong sagot ni Carlos.

"Wala namang masama ah. Nag-uusap lang naman sila. Masyado ka namang mahigpit sa mga empleyado natin. Senyales na yan ng pagiging matandang binata mo."

"Gag*! Tigilan mo ako, Ruel. Masyado kayong mga kunsintidor sa mga ginagawa ng tauhan natin. Kung ayaw nyo silang sitahin, ako ang sisita."

"Chillax, Pare!" Baka kasi biglang masuntok nito si Lowai. "Masyado ka namang seloso sa manliligaw mo. Don't worry, ako na ang lalapit kay Kim, tapos sasabihin ko na isang metro dapat ang layo ni Lowai sa kanya at ng hindi ka magselos, okay na bay un."

"Sira ulo! Bakit ako magseselos? Si Lowai, pagseselosan ko?"

Nagkibit-balikat si Ruel. "Sige, hindi ka na nagseselos. Tignan mo, Pare, ang lapit ni Lowai, hindi kaya may gusto siya kay Kim? Naku! Hinawakan pa ang manliligaw mo." Asar ni Ruel.

Nakita ni Carlos na parang may tinanggal na dumi si Lowai sa mukha ni Kim. Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Babastedin mo na ba, Pare?" Si Marcus na hindi napansin nina Ruel at Carlos na nakalapit na sa kanila.

"Kayo nga muna ang bahala sa bar ngayon, may tatapusin pa pala ako sa opinina." Sabay alis ni Carlos, hindi na niya hinintay pa na makapagsalita sina Ruel at Marcus. Nagkatinginan naman ang dalawa, sabay ngisi, sabay pa na nag high five.

Samantala, kandahaba na ang leeg ni Kim pero hindi pa niya nakikita si Carlos ngayong gabi. Absent kaya ang binata? Sayang naman, ipapatikim sana niya ang nagawa nila ni Lowai na LoKim. Gusto niyang ito ang unang makakatikim ng gawa nila.

"Ruel, nakita mo ba si Sir Carlos?" Hindi masyado matao ang bar ngayon dahil weekdays.

"Umuwi."

"You mean, he was here? Bakit umuwi? May sakit ba?"

"Oo yata. May masakit sa kanya, puso."

"Puso? May sakit sa puso si Sir Carlos?" Nag-aalalang tanong ni Kim.

"Joke lang. May aasikasuhin raw sa opisina niya kaya ako muna ngayon. May problema ba?" Sumeryoso si Ruel.

"Wala naman. Ipapatikim ko sana yung bago naming cocktail drink ni Lowai, kung iaapprove nyo, isasama namin sa ise-serve."

"Sure, yan na ba? Akin na. Sigurado namang masarap yan."

"Ah, I hope you don't mind, Ruel. Gusto ko sanang si Sir Carlos yung unang makakatikim."

"Ganun ba? Sure, walang problema sa akin. Bukas, baka nandito na yun."

"Salamat, you're the best talaga, napaka understanding mo."

"Naman! Gwapo pa. Kumustang panliligaw kay Carlos?"

" Nagsusuplado pa rin. Pasasaan ba't mahuhulog rin sa akin ang supladong yun." Napangiti si Kim. Kapag si Ruel ang kausap niya, hindi talaga siya nag-aalangan.

"That's the spirit, Kim!"

"Sige, balik na ako. Salamat ha."

Kinabukasan ay matiyagang hinintay ni kim na makakuha ng tiyempo para makausap si Carlos. Maaga siyang dumating kanina pero hapon nan g pumasok si Carlos.

Nung makita ito sa paborito nitong pwesto at nagkataong nag-iisa at wala masyadong customers ay inihanda niya ang LoKim. Napailing na lamang si Lowai. Kahit anong pilit niya kay Kim ay sige pa rin ito sa pagpapansin sa kanilang boss.

"Hi Sir Carlos." Masayang bati ni Kim. Umangat naman ng tingin si Carlos.

"Hi."

Gustong tumili ni Kim sa kilig. Nag 'hi' si Carlos sa kanya.

"Ah, Sir, may I disturb you for a while? May ipo-propose sana akong bagong inumin. If...hindi kayo busy."

"Have a seat."

Napakagat labi si Kim, sabay tingin sa gawi ni Lowai na hindi nakatingin sa kanya. Hindi nagsuplado si Carlos? Bihira ito.

"Here, Sir." Iniabot nito ang wine glass. "That's our new cocktail, if okay sa inyong apat ang lasa, we will serve it."

Tinikman ni Carlos ang ibinigay ni Kim. Napatingin ito sa kanya. Hindi naman napigilan ni Kim na bumilis ang tibok ng puso niya. Ganito talaga ang epekto ng mga tingin ni Carlos sa kanya.

"Tastes good. Approve sa akin." Ngumiti ito ng tipid sa kanya bago inilapag ang kopita.

Nahigit naman ni Kim ang paghinga. Kinikilig kasi siya. Kinikilig siya dahil nagustuhan nito ang lasa at na-approve pa, at kinikilig siya dahil sa simpleng ngiti na iyon.

"We will call that, LoKim."

"LoKIm?" Kunot noong tanong ni Carlos. "Why LoKim?" Although he has already the idea why.

Kim enthusiastically explained to Carlos why. "It's a combination of my name and Lowai's name, since both of us brainstormed to make that drink."

"Change the name." Utos nito.

"What?"

"I said change the name. If you want me to approve this drink, then change the name."

Napailing si Kim. Hindi pwedeng palitan niya ang pangalan. Dalawa sila ni Lowai na gumawa nun. Siya nga ay may Kim's Sin sa bar nay un, pagkatapos hindi papayag si Carlos sa LoKim?

"No, I don't think that's possible."

"Pangalan lamang ang pinapapalitan ko, Miss Mendoza."

"Yah, but it would be unfair to Lowai. It was me and his idea. We should give credit to him." Naiinis na siya.

"Then, I don't approve it."

"Fine. Salamat na lang." Akma siyang tatayo na ng para bumalik sa pwesto niya ng biglang hawakan ni Carlos ang braso niya.

"May relasyon ba kayo ni Lowai?"

Siya naman ang napakunot – noo. "Sira ulo ka pala eh, nanliligaw ako sa iyo, pagkatapos tatanungin mo kung may relasyon kami? Excuse me, I have to go back to my post. Never mind that you tasted something." Tuluyan na siyang tumayo. Inis na inis siya sa kaharap, at sa sobrang inis, hindi niya napigilang pagsalitaan ito ng ganun.

SPARKSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!