Chapter XVI: Twin's Date

Začít od začátku
                                    

"Oo kaya bumili kana, bilisan mo." Sagot niya at binugaw ako para bumili ng pagkain.

Tumingin ako sa relo at nakitang alas dose na pala kaya naman pala gutom na na kami. Nagmadali ako bumili ng pagkain, dalawang burger, softdrinks at bottled water lang ang binili ko.

Naglakad ako ng mabilis at umupo ako agad pagkarating ko.

"Ito oh," Sabi ko sabay abot ng pagkain

"Thanks," Pasasalamat niya at nagsimula ng kumain.

Nagsimula na rin akong kumain.

"Alam mo hime, gusto ko pag nalutas na natin ang lahat ng mga problema natin eh mamuhay na tayo ng normal." Sabi ko sa kanya at kumagat ulit sa burger ko.

"Alam mo naman Kiefer na impossible iyang mangyari. Pero sa buhay na meron tayo, hindi ko makakaila na nangarap rin ako nun na sana maging normal ang ating pamumuhay pero napaka imposibling abotin." Seryosong lintaya niya.

"Alam ko pero wala naman imposible kung gusto mo eh. Kapag gusto ko maraming paraan pero pag di mo gusto maraming dahilan." Seryosong wika ko.

Isang buntong hininga lang ang ginanti sakin ni Hime tila may na realize siya sa sinabi ko.

"Sige na, tapusin mo na ang pagkain mo hime para masakyan na natin yung natitirang rides." Masaya kong sabi.

"Okay," Aniya.

Pagkatapos niyang kumain ay tinuloy na namin ang pagsakay sa mga rides hanggang sa napagod kami. Malapit na rin mag gabi at magandang sumakay ngayon sa ferris wheel.

"Hime?" Tawag ko sa kanya.

"What?" Tanong niya.

"Pagod ka na ba?" Tanong ko kaya tumingin siya sakin at umiling. "May gusto pa sana akong sakyan natin, ika nga nila save the best for last." Dagdag ko.

"Ka-alaman mo talaga Kiefer." Sambit niya at tumawa ng mahina.

"Yaan mo na, ngayon lang to." Pang gatol ko at tumawa.

"Tara?" Aya niya kaya tumayo na kami at naglakad papunta sa pila.

Tumigil bigla si Hime kaya nakiramdam ako. Parang may sumusunod at nagmamatyag samin.

"Nararamdaman mo ba hime? Kaya ka ba tumigil?" Seryosong tanong ko.

"Yeah" Sagot niya. "Tara makipaglaro muna tayo." Aya niya

"Tara," Masayang sagot ko at nagsimula na kami.

Lakad lang kami ng lakad hanggang sa napadpad kami sa isang banda na wala masyadong tao kaya nagsimula na kaming tumakbo. Naramdaman naman namin na sumusunod siya hanggang sa lumiko kami at hinintay namin dumating yung mga humahabol.

Hindi rin nag tagal ay dumating na yung mga humahabol samin sa tantya ko nasa bente lang sila. Hay nako, kami na ngalang ang kakalabanin ang kokonti pa ng dinalang kasama. Naka civilian lang sila kaya naman pala hindi sila agaw pansin. Umabante yung leader nila at nagsalita.

"Pinahirapan niyo kami ah." Singhal niya samin.

"Ano bang kailangan niyo?" Tanong ko.

"Kayo, kailangan namin kayong madala sa Master namin." Sagot niya. "Pero, pwede natin itong mapag-usapan basta matikman ko yang babae."

"Asa ka boy." Maangas kong sambit, "Kung hindi ka lang kalahating bobo at kalahating panget. HINDI KA TYPE NG KAPATID KO." Dagdag ko sabay diin sa huling sinabi ko.

"Bastos kang bata at ang angas mo pa." Galit niyang sabi.

"Ugok, naka hubad ba ako? Paano ako naging bastos? Hindi naman ako naka hubad. Nagbobohan ka ba o sadyang pinanganak ka talagang bobo?" Pang-aasar ko, habang naka sandal lang sa pader si Hime.

"Inuubos mo talaga pasensya ko, hala sugurin niyo silang dalawa." Utos niya sa mga tauhan niya.

Sampu silang sabay-sabay lumapit sakin, unang umatake ang tatlong nasa harapan ko. Wala silang hawak na mga armas kaya mano-mano lang ang labanan. Balak sana akong suntukin ng nasa gitna ngunit na nasalo ko yung kamao niya at binaliktad ko siya at tumama ang likod niya sa kalsada. Sumugod naman yung nasa kaliwa, akmang susuntokin niya ako pero nahuli ko yung kamao at umikot ako sa likod niya at may pinindot ako sa batok niya para makatulog. 

Sisipain naman sana ako ng nasa kanan pero naka-iwas ako at sinipa siya sa vital parts para tulog agad. Pagkatapos ko sa tatlo, sabay-sabay umatake yung pitong natitira. Suntok doon, sipa dito, suntok dito, sipa doon ganun lang hanggang sa yung leader nalang nila yung natira. Para siyang naiihi na natatae HAHAHAHA. Lumapit kami sa kanya, siya naman atras ng atras. Hanggang sa na corner namin siya kaya napa daos-dos siya paupo.

"Sino ang Master niyo?" Malamig na tanong ni Hime.

"H-hindi ko sasabihin kahit patayin niyo pa ako." Nauutal na sagot nung leader.

"Tsk! Matagal ka ng patay simula nung sumali ka sa mundong ito." Paalala ko. "Mamili ka sasabihin mo o papatayin namin ang pamilya mo?" Tanong ko sa kanya habang naka ngiti ng malademonyo.

"Maawa po kayo, wag niyo po idamay pamilya ko." Pagmamakaawa niya.

"Awa? Tsk! Wala yan sa bokabularyo namin." Sabi ko.

"Speak or Die?" Tanong ni Hime.

"Magsasalita na po ako basta wag niyo lang po papatayin ang pamilya ko." Umiiyak na wika niya.

"Time is running." Malamig na sambit ni Hime.

🌸🌸🌸

"Hays ang gandang excercise nun." Masayang wika ko. "Tara pila na tayo sa Ferris Wheel." Aya ko at pumila na kami.

Habang pumipila kami, parang may napansin si Hime.

"Hime? Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong.

"Matt?" Mahinang usal ni Hime ngunit sapat lang para marinig ko kaya napatingin ako sa gawi kung saan naka tingin si Hime.

Nandito nga yung President nang sinasabi nilang SC. Naramdaman ata iyang may nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa gawi namin at kumunot ang kanyang noo. Alam kong nakita niya kami. Binalik ko na ang tingin ko sa unahan at ganun rin si Hime. Mabilis na umusad ang pila kaya di nagtagal ay sumakay na kami.

Nang na puno ang ferris wheel ay nagsimula na itong umandar at saktong tumigil sa pinakatuktok kaya kitang-kita ang magandang view. Tumingin naman ako kay Hime na seryosong nakatingin sa tanawin.

"Hime, I love you." Sambit ko sa kanya at ngumiti.

"Ti amo troppo fratello." Mahinang ganti niya at ngumiti.

Hindi rin nagtagal ay bumaba na kami at napagdesisyonan na namin' umuwi. Pagdating namin sa condo ay hinalikan ko siya sa noo bago kami pumasok sa aming mga unit. Naligo at nagbihis muna ako bago ako humilata sa kama. Napatingin ako sa side table ko at nakita ko ang picture namin' apat ako, si Hime, si grandpa, at si mom.

"I miss you mom, ti amo." Sambit ko bago ako pumikit at tuluyan na akong nilamon ng antok.

The Mafia: The Real HeirsKde žijí příběhy. Začni objevovat