"I'm sorry, Lia."

"Ha? Bakit?"

"Five years from now, sasaktan kita."

"Anong pinagsasabi mo dyan?" Nagtataka kong tanong.

Tumingin siya sa malaking balde kung saan hirap na hirap na nanganak si Caitlin, bago niya ibinalik ang tingin niya sa akin. "I want 5 kids."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "Tumigil ka nga." Natatawang sabi ko sa kanya, sabay kurot sa braso niya.

Pero hindi pa rin siya nagpaawat, "But I think Mama Tori wants more grandchildren than just 5- aw! Aw! Okay, okay! I'll stop!" 

***



3 years later


"Tom-Tom! Yung ID mo!" Sigaw ko sa kapatid kong nakalabas na ng pinto.

Narinig kong muli ang mabilis na mga yabag ng paa niya, sumilip siya sa kusina. "Ate, Thomas. Hindi Tom-Tom." Reklamo niya ng nakapamewang pa. Pinigilan kong tumawa dahil sa sinabi ng kapatid ko. Ayaw ko namang isipin niyang minamasama ko ang pagbibinata niya.

Binata, ibig kong sabihin grade 4. Ewan ko ba sa kanya, basta pag gising niya ng isang araw, inanunsyo niya sa bahay na Thomas na ang gusto niyang itawag sa kanya.

"Pa, una na po ako." Paalam ko kay Papa habang inaayos yung mga libro ko.

"Sige, anak. Ingat ka ha?" Bilin ni Papa mula sa binabasa niyang dyaryo at iniinom na kape. "Wag papagabi."

"Wednesday ngayon, Pa. Hanggang 8 yung klase ko." Sabi ko sa kanya, habang tinitignan sa schedule ko kung tama ang pagkakaalala ko.

Binaba ni Papa yung dyaryo niya. "Ay ganoon ba? Papasundo ba kita sa Tiyo Julio mo?"

Umiling ako, "Hindi na po. May sundo po ako." Nakangiting sabi ko.

"Ay sos." Pang-iinis ni Papa, na tinawanan ko lang.

Nagpaalam na ulit ako sa kanya, pagkatapos siyang halikan. Habang palabas ako ng bahay, dinig ko pa ang pang-aasar niya sa akin. Napakamalisyoso at kunsintidor din kasi talaga minsan nitong si Papa. Nakangiti akong lumabas ng bahay dahil ubod ako ng saya dahil nasimulan ko ang araw ng nakikipag biruan kay Papa, na naroroon siya sa kusina, nakakaupong mag-isa, nagbabasa pa ng dyaryo, at umiinom ng kape.

Napakalaki ng naitulong ni Mama Tori sa pamilya ko, hindi niya kami binigyan ng pera. Sinubukan niya, syempre, pero hindi ko tinanggap. Iyong inalok niyang foundation na tumutulong sa mga katulad naming kapos pero kanser ang nilalabanan, ang tinutulungan noon at US based pa siya. Nakalibre kami sa mga gastusin, kaya naman nakapag-ipon pa ako ng pang-college ko.

Pumasok na ako sa university kasabay ng iba kong mga kamag-aral. Huminga ako ng malalim bago ako nagpatuloy sa paglalakad papasok sa unang klase ko; ang sarap kasing ulit-uliting sariwain itong bagong lugar na ito. Lugar kung saan pantay-pantay, walang nangmamata; siguro dahil wala na ring oras ang mga tao dito na mag ganun pa, ang hirap na kaya ng college. Hindi na biro.

Taliwas sa iniisip ng iba, hindi ako kumuha ng culinary. Kumuha ako ng accountancy. Mahal ko lang talaga ang pagluluto, subalit hindi iyon ang gusto kong kuhanin bilang kurso. Hindi ko naman nakakalimutan yung habilin ni Big Ben, dahil hanggang ngayon, nasa pagluluto pa rin talaga ang puso ko.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now