Chapter 44

2 0 0
                                    

Mcchaine's POV

Tatlong araw na din kami dito sa hospital. Tatlong araw ko na din hindi naririnig ang boses ng girlfriend ko.

Si tito naman busy sa paghahanap ng donor ng heart. Yes, she needs a transplant immediately kasi may mga naka-stuck na din na blood clot sa puso niya.

Magang-maga na din ang mata ko sa kaiiyak gabi-gabi. I can't afford to see her like this. Hindi nga ako makatulog dahil sa umaasa ako na baka mamaya gigising na siya.

"Mcchaine, kain ka na muna ng lunch. Ako na muna ang magbabantay kay Raniella. Mamaya pa daw kasi darating si tito e." Sabi ni Maikee na kasama ko din magbantay kay Raniella.

Tumango nalang ako tapos tumayo at hinalikan ang noo ni Raniella.

"Tawagan mo ako kung sakaling magising na siya." Bilin ko kay Maikee. Tumango naman siya tapos umupo siya sa tabi ni Raniella.

Maikee's POV

Sobrang sakit na makita mo na hindi okay ang best friend mo. Nakakaasar naman kasi itong babaeng ito. Hindi man lang ako ininform na kakailanganin ko pala ng limang sakong tissue.

Sabi ko sayo ingatan mo puso mo e. Matagal ka pa mamamatay okay? Masama kang damo. Sabi ko kasi sayo wag mong bine-best friend si kamatayan e. Ayan tuloy. Piahihirapan ka na.

Pero bes, kung nahihirapan ka na wag ka parin susuko ha? Wag mo akong iiwan ha? Kasi di ko kaya ng wala ka. Di na ako makakahanap ng best friend pa na katulad mo kasi ikaw lang naman ang best.

Ano bang sinasabi mo diyan, Maikee? Bakit mo pinapatay ang best friend mo? Alam mo, kig gising yan ngayon kanina ka pa niyan sinakal.

Mayamaya'y may kumatok sa pinto.

"Umalis na ba si Mcchaine?" Tanong ni Lance.

Oo, si Lance iyon. Ayaw niya kasing bisitahin si Raniella kung nandito si Mcchaine. Ewan ko ba diyan. Ang daming echos.

"Oo." Sagot ko. "She can't move kasi nags-swell yung legs niya. She not yet awake but she can hear you." Balita ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko upang siya naman ang umupo. Labas na din ako para mag-bantay kung saka-sakaling bumalik na si Mcchaine.

Lance's POV

Looking at her like this causes so much pain. I never thought that the next I'll be seeing her is she's laying on a hospital bed.

Galit na galit ako sa sarili ko dahil sa mga nangyari. Lalong lalo na noong umamin ako sa kaniya na mahal ko siya. Oo, totoo lahat iyon. Pero alam mo Raniella, kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan sa buhay mo hindi ako magsasawang bumalik sayo. Ganoon kita kamahal.

Sobrang panghihinayang ko noong umalis ka na pwede ka pa tapos bumalik ka na meron ka ng iba. Pumunta ako dito para aminin lahat sayo; hindi para guluhin ka tulad ng sabi mo. Ayokong mabuhay ng meron akong tinatago sa taong minahal, minamahal at mamahalin ko.

"I'm sorry dahil sa nangyari few days ago. I didn't mean to disturb your peaceful life with Mcchaine. Pero Raniella, hindi ko intensyon na saktan ka." Panimula ko.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya. Halos mapaiyak ako dahil lang sa nahawakan ko siya; dahil baka iyon na ang huling beses na mahahawakan ko siya.

"The day na sinabi sa akin ni Maikee sa akin na you and Mcchaine are going on a trip hindi ako nagdalawang isip na sundan kayong dalawa. Aaminin kong wala akong tiwala sa lalaking iyon. I'm speaking as a best friend. Maniwala ka man o hindi, ako yung taong yumakap sayo sa mall, sa Camp and the same person who gave you the note sa Boracay." Pag-amin ko.

Bumuhos ng malakas ang mga luha ko. Pinaghandaan ko na ito e. Akala ko ubos na e meron pa pala.

"Noong nakita kong masaya ka nga talaga sa kaniya, hinayaan na kita. Nagpatalo na naman ako. Nagpatalo ako sa kaniya at sa ka-duwagan ko. Naduwag ako na baka pag masaya ka na sa kaniya wala na tayong pag-asa. I'm so sorry. I love you and it will never change. Je t'aime. Il ne changera jamais." Pagkasabi ko nito, tumayo na ako pagkatapos ay umalis na.

Pagkalabas ko naman ay nakita ko si Maikee na nakatulog sa upuan. Ginising ito at pinapasok na siya.

You Are The Risk I'll Always TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon