Chapter 21

8 0 0
                                    

"I can manage" tanggi ko sa alok niya.

Puso lang ang may diperensya sa akin. Hindi kasama ang mga kamay ko. Jusko.

"Baka mapagod ka. Bawal sayo yun." He insisted.

"Huh? E susubo, ngunguya at lulunok lang naman gagawin ko. Wag na. Kaya ko." Pilit ko.

"Harcind, I promised you that I'll take care of you. Huwag ka nang makulit. Susubuan kita." Pilit din nito.

"E paano ka?" Sagot ko.

Ewan ko kung si Mcchaine ba itong kasama ko o yaya ko. Aba, daig ko na ata ang sanggol na sinusubuan ng pagkain.

"Okay lang ako. Mas gusto kong unahin ang prinsesa ko kesa sa akin." Sabi nito.

Di ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis kasi prini-prinsesa niya ako e dyosa ako.

Sige umangal kayo. Lahat ng aangal mababaog. Char! Hahaha.

"Aaaaaaaah" sabi nito habang hawak yung kutsara na may pagkain.

Alam niyo yung style ng pagpapakain ng baby? Ganun ang ginagawa niya.

"Baby, ubusin mo 'tong pagkain mo ha? Para di ka magutom mamaya sa adventure natin" he said with a gentle voice.

Okay. Kanina prinsesa, ngayon sanggol na? Anong sunod?

"Tss. Baby? Ako? Seryoso ka? Mukha ba akong sanggol?" Inis kong sabi

Y treat me like a baby kasi? Ugh.

"Di ka mukhang sanggol." Natatawang sagot niya pagkatapos ay sinubuan niya ako muli.

"Then why call me baby?" I pouted

"Because you are my baby..." nagulat ako sa naging sagot nito. Ngumiti lang siya at sinubuan ako muli. "Soon." Habol niya.

He smirked, I smiled.

"Determined on winning my heart, huh?" Sabi ko sabay subo ng pagkain sa kutsarang inaabot niya.

"Yes." Diin nitong isinagot.

He smiled at isinubo at huling kutsara ng pagkain sa akin.

Kumain na din siya after pagkatapos ay nauna na akong naligo.

~

After I took a bath, nakita kong pinapa-ayos ni Mcchaine yung pinagkainan namin sa isang room service assistant.

Napatingin ang lalaki sa akin. Mukha naman pala itong manyakis e. Parang hinubarahan niya na ako sa mga tingin tingin niya. Pero, naka- bathrobe naman ako. Don't worry.

Nakapansin naman si Mcchaine.

"Pare, may problema ba sa girlfriend ko?" pag-agaw ni Mcchaine ng attention ni kuyang Manyakis

"Wa-wala ho sir." sagot ng lalaki.

Pinunasan niya for the last time yung table saka umalis.

"I'm sorry about that guy and what I called you" pag-hingi ng paumanhin ni Mcchaine.

"Okay lang. Hahahaha" sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya sa sagot ko agad naman itong sumabat "Okay lang na tignan ka ng lalaking yun ng ganun?"

"Tanga mo. Hahahahaha. Siyempre hindi no!" sagot ko.

"E ano? Yung itinawag ko sayo?" sabi nito sabay smirk.

Oh no... May ibig sabihin yang tingin-tingin na ganyan. It's not what you think, Mcchaine.

Pero its kinda cute na tawagin kang 'girlfriend' pero di naman ibig sabihin nun gusto ko yun no. Duh.

"Di a. Asa ka." sagot ko.

"Hindi yung tingin nung lalaki. Hindi din naman yung itinawag ko sayo. E ano?" he said on his sarcasm tone.

"Wa-wala." Raniella, y r u nauutal? Tell me!

"Wala. Pero namumula ka." asar pa nito.

Huh? Namumula ba talaga ako o inaasar niya lang ako?

"Maligo ka nalang please." pag-iba ko ng usapan.

"Okay." sabi nito habang dahan-dahan lumalapit sa akin tapos ako naman palakad palikod palayo sa kanya.

"I'm just going to take a shower, girlfriend."

Patuloy parin ang paglakad ko palikod habang siya naman ay paharap papunta sa akin.

And the worst part came... Dead end na ako.

My legs touched the wall and I have no way to go.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. I felt his nose touched mine.

Napapikit ako at nagpapanic na deep inside.

No... Wag... Not my first kiss!

"Kunin ko lang yung towel ko." Sabi nito.

Idinilat ko ang aking mga mata at nakita kong kinuha niya yung isang towel sa katabi namin na drawer.

"Di mo na kailangan ng blush. Sobra sobra na yang pagka-mula ng mukha mo." Natatawang sabi nito.

Napahawak ako sa pisngi ko at kinuha agad yung phone ko. Omg. This can't be happening. Mulang-mula nga.
"Magpalit ka na. Wala ka naman sigurong balak na bathrobe ang gagawin mong OOTD di ba?" Pang-asar nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. Grabe. Ito na ba ang karma ko sa pagcocompliment ng tae niya which he finds offensive.

"You know what, even when you're mad you're still beautiful." Banat ni Manong Mcchaine.

Pumasok na siya sa loob ng bathroom pagkatapos niya itong sinabi.

Ewan ko kung anong pinindot nila Joy, Sadness, Fear, Anger at Disgust sa utak ko na bigla nalang akong napa-walling at napa-takip ng unan sa mukha ko habang kinikilig.

Mcchaine is just so... Ugh. Sweet guy. He knows how to make me feel loved.

-

I just finished combing my hair then Mcchaine got out the bathroom.

And... Oooooh... O_O

Napatalikod nalang ako nang makita ko siya. Duh. Ang awkward kaya. I'm sharing a room with a guy who just got out the bathroom half naked.

Pero in fairness, I'm impress with his six pack abs. Maskulado ang katawan. Bongga siya.

"Hey. You okay?" panimula ni Mcchaine.

Take note that I'm still nakatalikod.

"Ah. O-oo naman. Mag-pa-magpalit ka nalang." sagot ko.

Nakatalikod ako sa kaniya pero ramdam ko ang ngiti sa bibig niya.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng abs at ganyan ka magsalita?" and I was right. He's laughing at my back.

Kinaasar ko iyon. Anong tingin niya? Di ko pinaglalawayan ang abs ni Zach Efron? Hoy! For your infromation, ilang lalaki na ang nakitaan ko ng abs. Sa laptop ko nga lang pero at least nakakita na ako.

"Aba, feeling ka a! There is so called respect kasi e. Pasensya na ha? Di kasi ako bastos! Pwe!" asar na asar na sagot ko.

Wala naman akong naaalalang joke na sinabi ko pero pinagtatawanan niya parin ako.

"Sobra sobra na yang pagmumula ng pisngi mo, Harcind. NAgmumukha kang kamatis." he provoked AGAIN.

Ini-snoban ko nalang siya saka lumabas ng kwarto.

Nagpunta nalang ako ng lobby para hintayin siya.

Kung isasama ko ang body shape sa standards ko, siguro pasok na pasok siya.

Gwapo, Gentleman, Caring, He keeps his promises plus a perfect body. Ugh.

You Are The Risk I'll Always TakeWhere stories live. Discover now