Chapter 42

2 0 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari kahapon, hindi na kami nag-usap ni Lance. I blocked him on facebook, twitter and instagram.

Lahat communication sa kaniya inalis ko na.

Kung kailan okay na ako, guguluhin niya ulit ako?

"Baby, aalis na si daddy." Sabi ni daddy pagpasok sa kwarto ko. Tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya.

"I'll miss you." I replied.

"I'll miss you too. Tatawag-tawagan kita ha?" Sagot niya.

Hinatid ko si Daddy sa baba hanggang sa kotse niya.

"You'll be okay?" Tanong niya.

"Daddy ang kulit ha?" Sagot ko.

"Okay, okay. Bye, baby." Paalam ni Daddy.

Ngumiti ako pabalik sa kaniya.

Pumasok na ako sa loob pagkatapos umalis ng sasakyan ni daddy.

Saktong aakyat na sana ako nang biglang dumating si Mcchaine.

"Hi babe." Bati niya.

Yinakap ko agad siya. Siguro ito na yung epekto ng nangyari kahapon. Natakot na akong mawala si Mcchaine.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Nalaman kong mag-isa ang girlfriend ko dito." Sagot niya.

"Kaya ka nagmadaling pumunta dito kasi mag-isa ako?" Tanong ko pa.

"Hahahahahaha. Baby, ang dumi ng utak ha?" Sagot nito.

"What's the reason?" Tanong ko ulit.

"Baka kasi ma-bored ka dito. Ayoko naman na mabored ang girlfriend ko." Sabi nito.

"May idea ka ba kung anong gagawin ko para di ako mabored?" Huwaaw, Raniella. Nabilang mo na ba kung ilan na ang mga tanong mo? Boy Abunda?

"Painit tayo?" Sagot nito sabay hawak sa bewang ko.

"Sa sauna?" I replied.

"Sa kama." Sabi nito sabay halik sa leeg ko.

Pinalo ko ito sa braso na ikinatawa niya.

"Nood nalang tayo ng movies." Suggest niya.

Tumango ako at sabay naman kaming nagpunta ng kwarto ko.

Binuksan ko yung T.V tapos namili na kaming papanoorin.

"I was going through the internet kahapon and I found this amazing film "Love, Rosie" but I haven't watched it yet." Sabi nito.

"Edi yun nalang." Sagot ko.

Nagsimula na ang movie. And I'm like "Woah!". Si Lily Collins ay isa pala sa mga casts ng movie. Ang ganda niyaaa!

Nakasandal ako sa balikat ni Mcchaine while watching the movies.

Umiyak at natawa ako sa mga pangyayari sa movie. Pero habang pinapanood ang bawat scene ng plot twist, nagfaflashback yung nangyari kahapon. Ugh. Kaasar naman. I was just having a great time tapos sasagi sa utak ko yan?

Pagkatapos ng film, I found Mcchaine looking at me. Nanood ba ito o nakatitig lang siya sa akin?

"That was amazing!" Sigaw ko.

Sobrang ganda naman talaga ng movie.

"You want something to eat, babe?" Tanong niya.

"Di naman ako nagugutom. Ikaw nalang." Sagot ko.

"Ayoko din." He replied.

Humiga nalang kami sa kama.

"Babe, let's take a picture." Yaya nito.

I kissed his cheeks and he clicked the camera button.

"Isa paaa!" Yaya ko.

"We both smiled at the camera and then there! It saved na!

Ginawa naming wallpaper yung pictures. Sa akin kung nakasmile kaming dalawa tapos sa kaniya naman yung hinalikan ko yung cheeks niya.

"Are you going to sleep here?" Tanong ko.

"I don't think so kasi walang kasama si Tita sa bahay mamaya. Wala si Cholo." Sagot niya.

"Bawi nalang ako next time." Habol pa niya sabay halik sa noo.

Yinakap ko siya ng mahigpit. Now, this is my kind of relationship.

Then, nabored din kaming pareho pero may naisip naman akong idea agad.

"Let's do make-up." Sabi ko.

"Wait, what?!" Gulat na sabi ni Mcchaine.

Nakakatuwa yung reaction niya kasi parang gusto na niyang umalis.

"Sigeee naaa. Ikaw ang gagawa ng make-up ko tapos ako ang gagawa ng make-up mo. Deal?" I replied.

"Would that make you happy and satisfied?" Tanong niya.

Tumango ako tapos pumayag din naman siya.

Inuna ko siyang inayusan. I applied the foundation first tapos powder.

Di ko na kailangan pang ayusin yung kilay niya kasi naturally eyebrows on fleek na siya. Hahahahahaha.

Lipstick ang next na in-apply ko. Dark shade ang inilagay ko para pak na pak. Tapos yung eye shadows naman light lang. Di ko na linagyan ng contour kasi okay naman yung shape ng mukha niya atsaka ang ganda kaya ng panga niya.

And then, doneee!

Halos ma-badtrip siya sa akin sa ginawa ko pero bumawi namna siya sa akin noong ginawa niya yung akin.

Halos abutin siya ng 1 decade sa pagmemake-up sa akin. Hahahahahaha.

Pero natapos din naman siya. I opened my eyes and wth?! Di pantay na blush-on. Mas makapal yung kilay. Tapos di bagay yung lip shade sa look. Ugh. I look damn ugly.

We took pictures again and laughed at ourselves.

But when 2:35PM fell, kinailangan niya nang umalis kasi may gagawin pa siya. He just wanted to visit me talaga.

Sweet boyfriend though.

You Are The Risk I'll Always TakeWhere stories live. Discover now