Chapter 2

17 0 0
                                    


I woke with balloons, hanging pictures, red roses and a man with a cake in his hands.

"Good Morning" he greeted.

"Good Morning, Lance" I replied

"Happy Birthday Captain!" he said with a smile in hands.

He walked closer to me. He kissed me on my right cheek. I gave him a smile and he sat on my bed beside me.

"17 years of existence, Cap. Congrats! You're still alive" he said sarcastically.

"Go to Hell" I replied.

Nagpaawa effect naman ang lalaki.

"Joke lang. Thank you, Mate." I said with a smile.

He just smiled back at me.

"Make a wish" abot niya ng cake

I closed my eyes and wished for one thing.

And the I opened my eyes and blew the candle.

"Anong wish mo?" tanong ni Lance.

"Secret." matipid kong sagot.

"Damot!" natawa nalang ako sa itsura ni Lance nung sinabi niya yan. Para siyang bata na nagtatampo pag di nakuha ang gusto niya. So Kawaii! Hahahahaha.

"Pag sinabi ko yun, baka di na magkatotoo." I said.

"Maligo ka na nga lang. Maaga pa pasok natin." utos ni Lance

I just nodded and got out of my bed.

Pumasok na ako sa banyo and opened the shower.

"Hey, Mate. Palit lang ak--" di ko na naituloy yung sasabihin ko kasi nakita ko si Lance na nakatulog sa kama ko. Mukha siyang anghel. Anghel na bumagsak sa kama ko.

"You are all I wish for, Lance. You are everything I want. I know I already have you. But hanggang friends lang naman. Iba parin pag sakin ka at sayo ako. I Love You, Lance" ito ang mga salitang nabitawan ko ng wala sa oras.

Dumeretso na ako sa dressing room ko at nagpalit agad.

Pagkalabas ko, nagulat ako nang nakaupo si Lance sa sofa at nagbabasa ng isa sa mga libro na nasa bookshelf ko.

Di niya ako tinignan. Naalala ko tuloy yung mga sinabi ko kanina. Narinig niya kaya?

Haynako! Ikaw kasi Raniella e. Ang daldal mo. Ang landi landi mo pa. Bakit sa dami daming lalaki sa mundo yung best friend mo pa! Aba matinde ka. Pwede ba? Tama na ang pantasya. Gumising ka. Nasa reality ka, kung saan walang happily ever after, walang magic, walang forever.

Naks naman, Raniella. Bitter today?

Hoy, ikaw conscience! Tigilan mo nga ako. Manahimik ka, please?

"Cap, ano? Nganganga ka lang diyan? Late na tayo oh!" Nakatayo si Lance sa harap ko nang sinabi niya iyan.

"Oh? Ah? Osige. Tara na nga!" Tumalikod na ako sa kanya at binuksan yung pintong nasa likod ko.

"Cap, magpapalit ka pa?" tanong ni Lance? Ha? Bakit pa ako magpapalit kung nakapalit na ako? Nababaliw na ba 'to?

"Ha? Di a." sagot ko.

"E dressing room door mo yan e. Ayun yung pinto palabas." sabi niya habang turo-turo yung pinto.

Mayghhaaaaad! Wth. Hoy, Babae! Ano ha? Tanga lang?

"Ay. Sarreh." sabi ko with matching kamot kamot ng ulo.

-

"Happy Birthday, Bessy" bati ni Maikee

"Kee, one year kayo di nagkita?" pangasar ni Lance kay Maikee.

Best Friend Number 1.2 ko si Maikee. Mabait, kikay at mahilig sa mga lalaking may shape ang katawan.

"Hey, you, ikaw, Lance! Wala kang pakialam, okay?" may nalalaman pang snob snob tong babaeng to.

"Ayan, mag-aaway na naman kayo." sabi ko.

"Asan na naman ba yang boyfriend mo, Maimai?" Tanong ko.

"Nasa gym. Nagpapractice ng basketball. Malapit na kasi ang laban e. School natin vs. Saint Andrew's. Sana manalo tayo. Balita ko kasi magagaling ang mga taga-Saint Andrew's e. Jusko. Pero, alam mo bessy madami daw ang hot fafa dun." sabi ni Maikee habang nagpipigil ng kilig.

"Kee, dahan dahan ha? Easy lang. Isa-isa." pang-asar na naman ni Lance.

"Niella, pigilan mo ako. Babalatan ko yan ng buhay." nanggigigil na sabi ni Maikee.

"Mamaya na kayo magbalatan, please? I have a class pa oh. Kung di niyo kayang pigilan yan, maghanap nalang muna kayo ng sub ko na referee." sabi ko habang tumatakbo papunta sa building namin. Ito ang hirap sa college e. Iba iba ang course ng mga kaibigan mo. Si Maikee, Psychology. Bagay sa kanya. Baliw yun e. Si Lance, Engineering. Gusto niya sumunod sa yugto ng tatay niya e. Tinanong ko nga minsan yan e. Paano siya magiging engineer kung ang pangarap niya ay maging singer? Sabi niya, kaya niya naman daw yung dalawa. Kaya niya naman daw e. Edi di ko siya pipigilan.

Pumasok na ako sa room namin at umupo sa assigned seat ko at binuklat na agad ang libro ko.

Yung first period teacher kasi namin laging may surprise. Surprise recitation, quiz or performance task. Magpapaquiz yan kahit yung ipapa-quiz niya di pa niya tinuturo niya. Gusto kong maging proud si daddy at makapagtapos na ng college kaya whether I like it or not kailangan kong mag-aral or mag advance reading sa mga lessons ko kahit minsan wala na akong maintindihan kasi itong subject na to ay isa sa factor para makapasa at makaakyat ako ng stage sa graduation.

"Hey, Raniella. Don't be so studious, you know. Baka sumabog yang utak mo" Mandy said. Classmate ko. Di ko naman siya gaanong close. Sa totoo lang, wala pa akong masyadong close friends dito magmula noong first day hanggang ngayon last semester na. Puro study study study lang kasi e.

I just smiled at her back and turned my head back on my book.

8:29 na. In one minute, andyan na ang demonyo kong guro.

Tick Tock Tick Tock Tick...

"Surprise Recitation, Class." pangbungat niya sa klase.

Good Morning Ma'am ha? Good Morning po.

"You all look excited for the recitation." she said with a smirk on her face.

Pwede bang manampal ng guro?

"Pineda" Jusko. Kahit di ako 'to, aatakehin na ako sa puso. "The first Woman judge of International Court of Justice is blank" unang tanong ni Ms. Sarmiento.

Tumayo lang si Patricia at parang naninigas pa.

"What a shame! 70!" pasigaw na sabi ni Ms. Sarmiento.

"Cordova" Ghaaaad. Ako na. Wag niyo po muna ako kukunin,Lord please? "Doctrine of Colourable Legislation is applied where?"

"Legislature acts apparently within its jurisdiction but actually acts beyond its Jurisdiction"

"Hmmm... Very Good, Ms. Cordova." Yan, ganyan lang Ms. Sarmiento. Magkakasundo tayo kung lagi kang ganyan. Easy lang.

Nagpaltuloy ang recitation hanggang sa matapos ang oras niya at nagdiscuss ng nagdiscuss ang mga subject teachers namin para sa araw na 'to.

Hanggang sa wakas, natapos na ang klase.

Nakakapagod 'tong araw na 'toooooo!


You Are The Risk I'll Always TakeWhere stories live. Discover now