Chapter 18

6 0 0
                                    

"Bakit mo... Bakit mo bibili 'to?" tanong ko.

I was surprised. Ito yung mga books na nasa book list ko. Ito yung mga libro na gusto kong bilhin at basahin. Inilista ko lahat ito.

"I want you happy." he simply replied.

"Thank You Mcchaine." I smiled.

I hugged him to show him my appreciation then he hugged me back.

"You're always welcome, Harcind. Always." he said in a soft voice.

-

Uminom na ako ng gamot ko at nagpunta na sa kwarto ko upang ayusin ang mga gamit ka kakailanganin ko para sa alis namin ni Mcchaine bukas.

Umalis na din si Mcchaine after we talked in the garden. Aayusin na din daw niya ang mga gamit niya para wala na kaming problema bukas.

Nakalapag na sa kama ko yung mga damit na gagamitin ko. Ilalagay ko nalang lahat ito sa maleta ko mamaya. Yung toothbrush, toothpaste, lotion, face powder, wipes etc. nalang ang kulang. Siyempre di ko naman kukunin yung mga gamit ko sa C.R ko no.

So Kailangan ko pang pumunta sa grocery store for the things I need.

Nagpahatid nalang ako sa driver namin so that I can relax.

"Manong, hinatayin niyo nalang po ako. Sandali lang naman po ako dito." bilin ko sa driver namin.

"Sige Ma'am. Sa parking area lang po ako. Tawagan niyo nalang po ako pag natapos na ho kayo." sagot nito.

Bumaba at isinara ko ang pinto at agad naman umalis si Manong para i-park ang sasakyan.

Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng grocey and started buying what I need.

Patungo na ako sa moisturizing section para sa lotion.

"I think mas maganda itong pang-sun block" pamilyar na boses ang narinig ko. Pambabae ang boses.

"You think so? Pero parang mas maganda 'to." Boses ni... Boses iyon ni Lance. Di ako pwedeng magkamali. Si Lance yun. Kay Lance yung boses na iyon.

Dali-dali akong naglakad papunta doon at di ako nagkamali sa hinala ko.

Si Lance nga... Kasama si Mandy.

Ang unfair! Kanina konti nalang hihilom na itong sugat sa puso ko. Natatanggap ko na nga na masaya na si Lance kay Mandy e. Tapos ngayong nakita ko sila... Wala na. Back to zero. Masakit na naman.

Iniba ko nalang ang tingin ko at hinanap ang gamit kong moisturizing lotion.

"Raniella?" -Mandy.

Lumingon nalang ako. Baka pa kasi lumapit sila e. Baka mas... masaktan ako.

"Hey. How are you?" Tanong ni Mandy habang papalapit sa akin... Kasama si Lance

Sht. Kung alam ko lang na lalapit parin sila kahit lumingon ako sana di ko nalang ginawa.

"I'm fine" sagot ko habang pinipilit na ngumiti.

Nakatingin si Lance sa akin. Walang emotion sa mukha niya. Galit parin ba siya hanggang ngayon?

"We heard about your uh..."

"Dilated Cardiomyopathy" pagpapatuloy ko.

"How are you feeling?" tanong ni Mandy. Di umiimik si Lance obviously. He's like a statue in front of me.

"Okay lang ako. I'm living fine. Actually, Im going to an adventure tomorrow in Baguio. Para maiba naman ang environment ko." sagot ko.

"I'll pray for your good health, Ella." she said as she tap my shoulders.

"Babe, we have to go. Mag-aayos pa tayo mamaya e." singit ni Lance.

Babe? Okay. That hurts. So they're obviously and clearly happy. I'm happy for both of them. Okay. Okay.

"Okay babe." Mandy replied to Lance.

"Uhm... I see he all have to go. Mauna na ako. It was nice seeing you both. Thank You for the talk, Mandy. Bye." pagpapaalam ko habang suot ang pilit kong ngiti.

Di ko na hinintay na sumagot si Mandy sa sinabi ko. Umalis nalang ako at grinab ang kung ao mang lotion na nasa tabi ko at inilagay sa basket ko saka umalis.

I have everything I need now. Babayaran ko nalang lahat ito sa cashier and I good to go.

Pagkatapos kong bayaran ang mga pinamili ko ay lumabas na ako ng store at tinawagan ang driver namin upang maka-uwi na kami.

"Hello, Manong. Tapos na po ako mamili ng mga kailangan ko. Pakisundo nalang po ako dito sa harap ng store." sabi ko.

"Sige Maam." sagot nito at pinatayan ko na siya ng phone.

Habang naghihintay ay napatingin ako sa sasakyan na naka-park mula sa di kalayuan.

I saw Lance with Mandy again. Bakit ba tuloy-tuloy ang kita ko sa kanila ngayong araw na ito? Sht. They look so happy together. Makikita mo talagang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Having Lance as my best friend was one of the best experience in my life. Masaya ako na nakilala ko siya. Di ko inakalang masasaktan ako ng ganito dahil sa kanya pero di ko rine-regret na nakilala ko siya dahil lang sa nasaktan ako.

If there is one thing na natutunan ko sa kanya, yun ay ang "Don't fall in love with your best friend he might not love you back. Fall off a building, it hurts less."

Dumating naman yung driver namin ng hidni nangalay ang mga paa ko sa kakatayo at kahihintay.

Nakauwi din naman kami ng buo at buhay.

Tumungo ako sa kwarto ko upang ayusin ang mga gamit ko at alright! I'm good to go tomorrow!

I was just about to charge my phone when Maikee texted me.

From: Maikee

Hey Bessy! Balita ko aalis daw kayo ni Mcchaine bukas. Ingatan mo puso mo ha? Don't leave me yet. Ay. Wait. Di ka pa naman mamamatay e. Masamang damo ka kasi.

Di ko alam kung pinapatatag niya pa ako o inaasar lang ako. Hagisan ko 'to ng knife e. Hahahaha

To: Maikee

Tang*na mo. Hahahahaha. Oo naman. Iingatan ko 'to no. Life is worth a living.

Justin Biebs mode. ^_^

From: Maikee

Ingatan mo baka mahulog.

To: Maikee

Sa pagkakaalam ko, di ko naman sakit ang mahulog ang puso.

From: Maikee

Gaga! Hindi literal! Tanga mo. I mean, baka mahulog kay Mcchaine.

To: Maikee

Di mahuhulog 'to. Ninakaw na niya e.

From: Maikee

Landi mo. Sarap mong sabunutan.

To: Maikee

Di lang ikaw ang may karapatan mag-love life.

From: Maikee

Confirmed? Kayo na?

To: Maikee

Hindi pa naman.

From: Maikee

Take care! Hahahahaha. Joke. Be sure that you're sure about what you feel bago mo pasukin ang ganyan. I love you bes. Vyeee!

She got me with this. Am I really sure about giving Mcchaine a chance to win my heart? Am I really ready for this?

You Are The Risk I'll Always TakeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora