Chapter 27

6 0 0
                                    

"You value your parents so much. I'm sure they're very proud of what you are now." I said.

Nakita kong teary eyes na siya pero di ko na siya pinakialaman dahil alam kong kailangan niyang ilabas iyon.

He's a family oriented guy. Napapahalagahan niya ang mga bagay na mahahalaga sa kanya kahit pa wala na ito sa piling niya.

"Damn. I missed them so much." he whispered.

Hindi niya hinayaang makita ko siyang umiyak. Kinuha niya agad ang panyo niya sa bulsa niya at pinunasan niya ang kanyang luha.

He looked at me and smiled.

Nagagawa niyang ngumiti kahit may nararamdaman siyang sakit.

Alam ko na di niya deserve itong kalagayang ito. He's too nice to suffer for this.

Kinuha ko ang isang kamay niya na nakapatong sa lap niya. Hinawakan ko iyon ng mahigpit.

"I'll always be here for you, Mcchaine. I'll try to heal the wound." I comforted him.

"Thank you." He said.

He continued driving until we reached the SM.

Papasok na kami sa loob ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Di ko na iyon pinansin pa. Siguro dahil nasanay akong ginagawa niya iyon.

We went to a clothing store.

Kasama ko siya hanggang sa Men's section. Wala akong pake kahit anong sabihin nila.

E sa ang daming tao sa Lady's Section e. Ayoko dun.

Pumipili siya ng mga gagamitin niyang damit ngayon. Mga swimwear ang bibilhin siguro nitong taong ito dahil sa hawak niyang shorts and rash guards plus plain shirts.

"Harcind, the Lady's there." turo niya sa section ng mga pambabaeng damit.

"Madaming tao." sagot ko sabay pout.

He smiled and replied, "Okay. Okay. Sasamahan nalang kita doon mamaya. Fit ko lang saglit sa fitting room ito. Wait me here. Oh yea, uhm... Ikaw nalang muna humawak ng phone ko. Baka mahulog sa fitting room e. Baka masira. Mawala pa yung mga pictures natin."

Matagal siya sa fitting room, seryoso. Mas matagal pa sa babae. Metikuloso siguro iyon sa mga damit niya.

While waiting I decided to open his phone. I saw his Lock screen wallpaper and to my surprise it was my picture he putted. I swiped the screen and saw his Home screen wallpaper. It was our picture. Ganun ba ako ka-special sa kanya?

Napunta ako sa gallery niya at nakita ko yung mga pictures namin dito. Karamihan pictures ko. Balak ko sanang i-delete pero sayang ang ganda ko pa naman din dun. Wag nalang.

I saw my pictures while I'm walking, Eating, Sitting even Sleeping.

Pagkatapos kong pakialaman ang gallery niya, napunta ako sa messages niya. Chismosa na kung chismosa. Pinahawak sa akin e. Edi pag nagalit siya, Shut up nalang ako.

Puro threads nila ng family nila ang nakita ko. Wala masyadong friends. Nabasa ko yung thread nila ng tita niya.

To: Tita Mommy

Hey tita mommeeey! Kumain ka na ha? Di kasi ako uuwi ngayon kasi may gagawin pa ako. I Love You, mom.

To: Tita Mommy

Good Morning tita. We just arrived here in Baguio. Ingat ka diyan. Nag-iwan ako ng pang-grocery mo, okay? Wag mong pababayaan ang sarili mo. I love you.

To: Tita Mommy

Tita, I'm with the second most beautiful woman on earth. Siyempre, ikaw yung first e. Hahahaha. Harcind is fine. I'm taking care of her like a pro. Pinapainom ko naman po siya ng mga gamot niya. Tell her father that para di siya nag-aalala. Ikaw din tita, don't forget to take care of yourself, k? I love you.

To: Tita Mommy

Harcind just slept mom. She's so like an angel when she's asleep. Diyosa kasi siya pag nagising. Good Night, my love.

Wow. Just wow. Walang word na mag-fifit kung gaano niya kamahal ang tita niya. Kung ganito niya kamahal ang tita niya, paano nalang kaya pag nanay niya na?

Sobrang swerte ng mapapangasaw ni Mcchaine.

Ito ang dream boy ng bawat babaeng nilalang sa mundong ito.

He compliments his tita so fine. Kahit ako nakukwento niya pala sa tita niya.

On that moment, I realized that I'm not just special to him but appreciated.

Appreciated pati ang pagka-Diyosa sa umaga, Anghel sa gabi ko.

I continued browsing his message threads then I saw this thread that stole all my attention.

May communication sila ni Lance.

Chineck ko pati ang phone ko sa number niya dahil baka ibang Lance ang nakita kong kausap niya.

Ikinagulat ko ng sobra noong malaman kong si Lance nga. Si Lance na best friend ko nga ang nakakausap niya. Nag-match ang number ni Lance sa Lance na nakita ko sa threads ni Mcchaine.

Di ako nag-dalawang isip na i-open ang thread na iyon.

Pakiramdam ko may mali. May tinatago si Lance pati si Mcchaine sa akin.

I pressed the screen with the name of Lance.

Alam kong mali ang ginagawa kong mangialam ng buhay ng may buhay pero may pakiramdam akong may mali.

I scrolled the screen downwards to see the beginning of the conversation.

Then finally, I reached the top.

Halos mamatay ako sa mga nabasa ko.

Di ko kilala ang Lance na nakakausap ni Mcchaine.

It's like I don't know my best friend enough.

Di ko inakalang magagawa niya ang ganitong bagay.

Pagkatapos kong basahin ang conversation nilang dalawa, di ko namalayan ang mga luha umaagos na pala galing sa mga mata ko.

Nanginginig ako. I need someone who can hug me tight.

Napatakip ako ng mukha hanggang sa nakaramdam ako ng mainit na yakap.

A familiar voice talked, "Di mo bagay umiyak. Everything's gonna be alright. I love you"

Somehow, that familiar voice comforted me. Parang magic. Kanina, mabigat ang pakiramdam ko pero ngayon sobrang gaan.

Nang idilat ko ang mga mata ko, di ko na nakita yung taong yumakap sa akin.

Nawala siya agad.

Pinunasan ko ang pisngi ko na basa dahil sa mga luha ko.

Tinignan ko ang buong paligid ko.

Wala siya sa likod, tabi o harap ko.

Sino siya? Bakit niya ako yinakap? Is it Mcchaine? No. Wala pa si Mcchaine hanggang ngayon. Imposibleng si Mcchaine din yun kasi nasa Cashier siya.

Bakit niya ako nilapitan? Bakit--- bakit mahal niya ako?

Ilang minuto din ang nagdaan nang dumating na si Mcchaine.






You Are The Risk I'll Always TakeWhere stories live. Discover now