Chapter 1

34 0 0
                                    

Hi. Ako si Raniella. College Student sa Saint Matthew University. Law ang course ko. Di ko gusto ang course ko sa totoo lang. Yun kasi ang gusto ng daddy ko. Gusto ko kasing maging proud sakin yun. He's all I have. Gagawa pa ba ako ng bagay na di niya magugustuhan? Wala na akong nanay. She died after she gave birth to me. Ang malas ko no? Di ko man lang nakita, nayakap o nahalikan ang mommy ko. Di ko man lang siya nakausap o nakasama man lang. Hanggang picture ko lang talaga siya nakikita. Maganda siya. Sobra. Di lang ang tatay ko ang dahilan kung bakit pa ako buhay ngayon. May pangarap pa ako, yung ang maging Photographer at may best friend ako. Lalaki siya. Mabait, determinado sa pangarap niyang maging popular and successful singer, may direction ang buhay, matalino, talented. Siya Si Lance Enrico Javier. Ang best friend ko na lihim kong minamahal.

-

"Hey Cap, you still awake?" si Lance yan. Ewan ko diyan. 2AM na, mangbubulabog pa ng natutulog.

"Mate." matipid kong sagot.

"Captain, gising ka pa?" tanong niya muli.

"Sasagutin ko pa ba 'tong tawag mo kung tulog ako? Magsasalita pa ba ako kung tulog ako? Utak mo, asan?" pangbara ko.

"Sungit mo!" sagot niya

"Ano na naman ba kasing kailangan mo?" tanong ko.

"Kasi may audition next week. Samahan mo naman ako Cap."

"Osige. Try ko. May mga activities kasi sa school e. Pero try ko parin. Try ko. Di ko sinabing Oo. Assuming ka kasi minsan e."

"Hahahaha. Sige na,Cap. Basta try mo parin, ha? Ikaw kasi Lucky Charm ko e" asar. kilig naman ako. Enricoooo! Wag masyadong ano. "Matulog ka na nga. Lalaki na naman yang eyes bags mo e. Good Night Captain of my ship" at pinatayan niya na ako ng phone.

"Captain of my ship" yan ang naiwang mga salita sa utak ko.

Bumangon ako, inopen ang ilaw sa kwarto ko at humarap sa salamin ko.

Raniella Harcind Cordova, best friend mo siya. Di mo hahayaang sinarin ng feelings mo ang friendship niyo ni Lance Enrico Javier. Gising! Hay nako. Kinikilig ka sa sinabi niyang Captain of my Ship? Parang di ka nasanay! Endearment niya yun sayo. First Mate of my Ship ang tawag mo dun. Friendship goals yun! Di ho yun Relationship goals! Assuming ka, bruha! Ginulo gulo ko ang buhok ko.

Hoy Lance! Kasalanan mo 'to e. Di na tuloy ako makatulog. Salamat ha?

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba para uminom ng tubig. Pagkatapos nun, umakyat na ako muli at papasok na dapat ng kwarto ko nang may narinig akog hikbi mula sa terrace. Pinuntahan ko yun at nakita ko si daddy. Nakatayo lang siya. Hawak niya ang litrato ng mommy. I immediately took my phone in my pocket para tignan ang date. It's March 10. Birthday ko. Death Anniversary ng mama ko. Sa totoo lang, di ko na inaalala ang birthday ko. Masakit kasi. Masakit parin kasi.

"Dad?" sambit ko.

"Happy Birthday, my love" pagbati niya. Di ko napigilan ang luha ko na tumulo.

"Dad, don't." matipid kong sagot.

"I miss your mom" at nakita ko na naman for 17th time umiyak ang daddy ko

Niyakap ko si daddy agad. Ramdam ko lahat. Ramdam ko ang sakit, kirot at sugat na di pa humihilom. Nasasaktan ako.

"Matulog na tayo, daddy. Matulog na tayo, please?" bulong ko.

"We'll visit your mom tomorrow." sabi ni Daddy sabay ng pagbitiw ng pagyayakapan namin.

I just nodded my head as an answer.

"Wag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari sa mommy mo. Wag mong parurusahan ang sarili mo anak dahil pag ikaw nawala pa sa akin hindi ko na kakayanin. I Love You, Raniella my world." sabay hawak sa pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"I Love You too daddy." sagot ko.

Hinalikan ako ni dad sa noo ko at ngumiti.

"Sige na. Pasok na sa loob at ipagpatuloy mo na ang matulog. May pasok ka pa bukas." sabi ni dad.

"Opo. Matulog ka na din dad okay? Wag kang magpupuyat. Masama yun." sabi ko. At ngumiti nalang siya pabalik.

Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga nang biglang nag ring yung phone ko.

Agad agad kong kinuha yun at binasa ang text message na galing kay Lance.

"Hey. If you're awake. 11 today, okay? Be happy. I know yun din ang gusto ni Tita. Don't ever do something that'll hurt you, Cap. Sleep tight. Everything's gonna be alright when you wake up. I'll see you at school. Papasok ka. Understood?"

"I'm tired" reply ko.

"Of what?" sagot niya

"Of my life. I wanna die" sagot ko. To be honest, I'm still crying right now

"Bakit gusto mong mamatay? Dahil ba sa sakit na nararamdaman mo ngayon? Dahil ba sa di mo na kayang i-handle ang sugat sa puso mo na naiwan ng mommy mo? Dahil ba sa mga mabilis na pangyayari? Raniella, di ba sapat na dahilan ang daddy mo para ipagptuloy mo ang buhay mo? Di ba ako sapat na dahilan? Di ba sapat na dahilaan ang mga pangarap mo? Di ba worth it lahat ng nasimulan mo? You are everything your dad have. Hahayaan mo bang madagdagan ang depression ng daddy mo? Cap, you have to be strong. For you, for everything. I love you and you know that. Itulog mo nalang lahat. Be positive. Ikaw laging nagsasabi sa akin na maging positive tapos ikaw itong negative ngayon? Sige na itulog mo na lahat yan" sagot niya.

Di ko na rineplyan pa yun. Gusto ko narin naman kasing matulog. Ayoko na. Ayoko na maging nega. I'll live a life. Sana nga magawa ko...

I'll be strong for dad. I'll be strong for Lance. I'll be strong for my dreams. I'm doing this for mom. Gusto kong makita niya akong masaya at successful.

"I Love You Mommy. I miss you so much."

Yan ang huling mga salitang nabitawan ko bago ako nakatulog.

---

Dedicating this chapter to my friend here on watty.

You Are The Risk I'll Always TakeWhere stories live. Discover now