Chapter 41

1 0 0
                                    

Maagang umalis si Mcchaine kasi may aasikasuhin daw. Kasama ko ngayon si Daddy. Actually, kumakain na kami ng breakfast that Mccahine prepared before he left.

"Anak, kaya mo bang i-manage ang sarili mo?" Biglaang tanong ni Daddy.

"Why Dad?" I asked.

"I'm going to US tomorrow. Biglaan kasi. It's about business. I can't bring you with me kasi baka ma-bored ka lang naman doon at baka matagalan tayo doon." He explains.

"It's okay dad. I mean, I can manage myself atsaka meron naman sila Maikee and Mcchaine in case I need something." I responded.

"Are you sure?" Paninigurado niya.

I smiled and replied, " Yes daddy. I'm going to be okay."

Mayamaya ay umalis na din siya upang magpunta sa opisina.

Now I'm alone. Wala sila yaya kasi nagpaalam kanina. May problema daw sa probinsiya kaya kinakailangan niya na din muna umalis.

Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga sa kama ko.

Ang bored. Wala man lang maingay dito sa bahay.

Napag-isipan kong linisin nalang itong bahay kaya bumaba ulit ako.

As I wipe the tables, may nakita akong pamilyar na bagay sa ilalim nito.

Kinuha ko iyon. Phone ito ni Lance a! Bakit nandito ito? Siguro naiwan niya kahapon. Ipapabigay ko nalang may Maikee mamaya.

Matatapos na sana ako nang may taong kumatok sa door. Binuksan ko iyon.

"Hey." Bati ni Lance.

"Uhm... Hey." sagot ko.

"May nakalimutan ka/ako." Sabay naming sabi.

"Yes." Maikli niyang sagot.

Pinapasok ko muna siya saka inabot yung phone niya.

"Don't worry. Di ko naman binuksan o hinalungkat." Sabi ko.

Bahagyang ngumiti ito sabay sabi, "Okay lang."

"Uhm... Juice? Coffee? Water? Anything?" Tanong ko.

Medyo Awkward :3

"No, thanks. I'm fine." sagot niya.

"Raniella, di lang kasi ito ang pinunta ko dito." Habol nito.

"Ha? May nakalimutan ka pa?" Agad kong sagot.

"No. I want to talk to you." Nagulat ako sa sinabi ni Lance.

He wants to talk to me. After ng nangyari, gusto niya pa akong kausapin?

"Sure. About saan ba?" Sagot ko.

"Can we talk sa kitchen?" He politely asked.

Tumango ako at pumunta sa kitchen. Sumunod naman siya. Ano naman kaya ang pauusapan namin? Bakit dito ba sa kitchen?

"Spill the beans." I said.

"Look, I'm happy that your relationship with Mcchaine is doing fine. Nakikita kong masaya ka sa kaniya. I can see in your eyes that he's really special. Hindi ibig sabihin na ayaw mo na ako sa buhay mo, titigil na ako sa kakatanong kung okay ka lang. Hindi din ibig sabihin noon, wala na akong pake sayo." Panimula niya.

Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin. Naguguluhan ako. Di na talaga nagbago itong taong ito, magulo pa rin kausap.

"I promised a person that I will never let her suffer the pain again. I promised that person that I will never go. But, parang hindi ko na kayang panghawakan pa ang mga pangakong iyon. Kasi may tao ng pumangako sa kaniya ng pangakong iyon ulit. Sayang kasi mahal ko yun e. Sayang kasi kahit ang lapit lapit ko sa kaniya hindi ko masabi kung ano yung tunay na nararamadaman ko para sa kaniya. Sinayang ko lahat ng pagkakataon para makuha siya. Sinayang ko yung mga chances to keep her." He said in a calm voice pero alam ko sa loob niya gusto na niyang umiyak.

"S-sino siya Lance? Si Mandy ba? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.

"No." Matipid niyang sagot.

"Who?" I asked once again.

"You." He responded.

Napatigil ako. Pati ang oras nang marinig ko iyon. Gusto ko siyang yakapin pero may bagay na pumupigil sa akin upang gawin iyon - Yung pagmamahal ko kay Mcchaine.

"B-bakit mo yan sinasabi?! Ano Lance? Guguluhin mo na naman ako? Ano bang kasalanan ko sayo? Tama na! Umalis ka na. Ayaw ko nang makita ka pa." Nanaig ang galit ko dahil sa wrong timing niyang pag-amin.

Para saan pa ang pag-amin niya kung masaya na ako sa piling ng iba? Sayang. Sayang na sayang, Lance.

Minahal mo ako sa oras na meron na akong mahal na iba.

"Raniella, I'm sorry." Sabi nito. Lumapit siya sa akin pero tinulak ko siya. Tinulak ko siya for the second time.

"Get out!" sigaw ko sa kaniya.

"Sorry." Muli niyang sabi.

"Ayoko na, Lance. Masakit pa, wag mo naman dagdagan pa." Sagot ko.

"Napaka-wrong timing mo!" Sigaw ko pa.

Ilang suntok at tulak ang ginawa ko kay Lance pero hindi parin siya umaalis. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I love you." Sabi nito.

Tatlong salita na nagpatigil sa akin sa pananakita sa kaniya.

Tatlong salita na ibinalik ang lahat ng nararamdaman ko.

Tinulak ko siya. Sa di inaasahang pagkakataon, tumulo ang luha ko.

"Umalis ka na." Sagot ko.

"Ranie---"

"Get out! Get out of my life!" Sigaw ko na nagpaalis sa kaniya sa harap ko.

You Are The Risk I'll Always TakeWhere stories live. Discover now