Chapter 34

1 0 0
                                    

After the long sweet sleep, bumangon na ako at nagshower.

Tinignan ko ang baggage namin ni Mcchaine. And there laid a note on top of a summer dress.


Hey Harcind my one and only Love, wear this okay? Magtatampo ang boyfriend mo sa'yo pag di mo ito isinuot. I Love You, Girlfriend :)) xoxo

Yours only,

Mcchaine


Pagkatapos kong mabasa yung note na iyon, di ko alam pero bahagya ng mukha ko ay iginuhit niya ang ngiting kakaiba. I don't know why. I just feel loved.

Dali-dali kong isinuot ang damit na sinabi ni Mcchaine na susuotin ko. Actually, maganda siya. Fitted and wow, di ko nakilala ang sarili ko.

Di naman sa nagmamayabang pero naninibago kasi ako sa sarili ko. Di pa kasi ako nakakasuot ng ganitong damit. Yung Strappy Back Summer Dress.

I look so mature. Hahahahaha.

Pagkatapos kong magmaganda sa harap ng salamin, kinuha ko na ang phone ko sa bed.

Nagulat ako nang biglang nag-ring ito.

Binuksan ko iyon. Bumungad ang di ko inaasahang notification.


Lance just posted a photo with Mandy


Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba iyon o hindi. Pero sa huli, napagdesisyonan ko ng buksan iyon.

Nakita ko ang litratong inaasahan ko talagang makita. Nasa coffee shop sila at masayang nagkukwentuhan. Candid ata itong photo na ito. Masaya sila. Masayang masaya. Di ko pa nakita na ganito ngumiti si Lance. Yung tingin niya kay Mandy, kakaiba. He never looked at me that way. And somehow, it hurts me.

Instead of thinking of this stupid photo, bakit hindi ko nalang i-enjoy ang Boracay with my accidental boyfriend? From now on, I will consider Mcchaine as my boyfriend. Mukhang Rebound man pero kailangan ko siya. Kailangan kong gawin ito para matapos na lahat ng sakit. Selfish na kung selfish pero ugh! Basta!

I won't let my feelings make my decision.

I turned my phone off and went out of the room. When I arrived at the lobby, I daw a man standing beside the door of the hotel.

I went to his direction.

"May hinihintay?" pang-asar ko sabay tulak sa kanya.

Tinignan niya muna ako ng di gaanong matagal bago siya nagsalita. Aaminin ko, na-wierdohan ako sa oras na iyon.

Ngumiti siya at sinabing, "You look so much like the lady I'm waiting for."

Ano daw? Nagka-amnesia ba itong taong ito habang natutulog ako?

"Anong sinasabi mo?" sagot ko habang nakataas ang isang kilay.

"I mean, maganda din kasi siya pero she's more unique than you. No offense though. She has this unique smile, laugh and eyes. The smile at makes me smile whenever she wears it. The laugh that turns into music whenever I hear it. And the eyes that gives me shiver whenever she looks at me. Damn. I'm so into that lady. I'm so in love with her." he said while looking outside.

Tinignan ko siya habang sinasabi ang mga salitang lumalabas mula sa kaniyang mga labi. He looks so sincere and damn in love with the girl he's talking about. That girl must be lucky.

"She's lucky to have someone like you." I replied with a smile.

"No, actually I'm the one who's lucky to have her." then, he looked at me.

"Who is she?" I asked.

He just looked at me then smiled.

"She's Harcind." he replied.

Nagulat ako sa isinagot niya. Para akong statue sa lagay na ito. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at mahighpit na hinawakan. Hinila niya ako sa harap niya. Sobrang lapit namin sa isa't isa. He slowly moves his head towards my face. I closed my eyes and waited for what will happen. Naramdaman ko lang ang halik sa noo ko saka ko idinilat ang mga mata ko.

Nakita kong nakangiti lang si Mcchaine.

"Let's go for a walk." sabi nito sabay hila sa akin.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. Actually, wala naman talaga akong choice e. Sobrang bilis ng pangyayari at gulat pa ako.

Sobrang ganda ng beach. I took my phone in my pocket and took a picture of it.

"I wanna watch sunset." di ko napigilang sabihin ito.

Naiimagine ko na ang sunset sa view na ito. Wala pa kaming isang araw pero I'm already in love with this place.

Gusto kong dalhin dito si Daddy. I bet, he will also love this place.

"We'll watch it." sabi ni Mcchaine.

"Huh? Wag na." sagot ko.

"No, it's okay. Para sayo naman e. If it makes you happy, bakit di ko ibibigay ang gusto mo?" ani Mcchaine.

"Gusto kong kumain, you want to eat din?" pagpapatuloy niya.

Tumango nalang ako at pumunta kami sa isang restaurant called Vintana Cafe.

Umorder si Mcchaine ng pagkain habang ako nakatanaw sa paligid.

At biglang may bumangga sa isip ko.

Before I die, I want to stay here. I mean, the second time na punta ko dito gusto kong kasama ko na ang taong mahal ko.

Sana mapunta ko muna siya dito bago tumigil tumibok itong puso ko.

"Harcind baby, are you okay?" nagulat ako nang bigla akong tinawag at kinausap ni Mcchaine.

"Y-Yes, of coarse." sagot ko.

"Are you sure? Do you have a problem?" hinawakan niya ang kamay ko.

"Babe, I'm okay." sagot ko.

Ngumiti siya ng nakakaloko. Tuwang-tuwa ang g*go.

"Babe huh? So, it's official then. I'm only yours and you're only mine." sabi nito habang nakangiti. Ugh. Nakakaloko pero in fairness, kenekeleg akooooo.

Raniella, masyado kang malandi.

Eto na naman itong utak ko, ano bang problema mo? Pwede ba? Moment 'to ng kalandian ko. So, please?!

Kumain kami hanggang sa mabusog kami. Halos di na nga kami makatayo e. Hahahahaha.

"I was thinking about something, babe. What about let's have dinner tonight?" tanong nito.

Ngumiti lang ako at ganoon din siya.

"We have to talk about something kasi e." sabi nito.

Seryosong seryoso siya. Hindi ko nga alam kung nagjojoke ba ito o hindi e. I'm so confused. Masaya lang kami kanina e.

"Bakit di ba pwedeng ngayon nalang?" sagot ko.

"No. We have to talk tonight. Madami kasing tao dito. Gusto ko tayo lang. Don't think dirty, please? Just talk, no lust." ani niya.

You Are The Risk I'll Always TakeWhere stories live. Discover now