Chapter 10

4 0 0
                                    

Sa awa ng Diyos, nakarating naman kami sa tamang oras. Kaka-start lang ng audition at nasa backseat kami ni Mcchaine.

Gusto din niya daw makita si Lance mag-audition kaya ayun sumama naman siya.

Nagsimula nang kumanta yung unang nag-oaudition. And at the same time, may babaeng lumapit sa seat namin ni Mcchaine. Si Mandy pala. Nandito din pala siya.

"Heyy. Nandito ka din pala." Sabi nito.

"Ay. Oo. Best Friend kasi ako e." 'Di ko napigilan ang inis ko. Paano naman kasi?! Alam niya naman na best friend ako e. So automatically, andito ako! Susuportahan ko si Lance.

Naramdaman kong hinawakan ni Mcchaine ang kamay ko at tinignan ko naman siya. Nakatingin siya sa akin na para bang may sinasabi sa akin yung mga tingin niya. Yung "Chill lang. ikaw ang best friend okay?" look.

Di na umiimik si Mandy at pinagpatuloy ko naman ang panonood.

"Next, please" Sabi noong isang nagja-judge na lalaki.

Si Lance na. Turn na ni Lance.

Go Besssyyy Lanceeeeyy! Kaya mo yan!

"Hi." Binati ni Lance yung mga judges.

"What's your name?" Tanong noong isang judge na girl.

"Lance Enrico Javier is the name." Sagot ni Lance.

Napatingin naman si Lance ng konti sa audience na para bang may hinahanap.

"So, what are you going to sing?" Tanong noong pangatlong judge.

"A Rocksteddy song po." Sagot naman ni Lance.

Ngumiti siya sa parte namin. Kumaway ako at ganun din naman siya.

Woah. O_O Pinansin ako ni Lance?!

Siguradong ako yung kinawayan niya kasi ako lang naman yung kumaway e! Di naman kumaway 'tong Mandy na 'to na feeling niya siya ang best friend!

Matagal ko ng gustong malaman mo
Matagal ko ng itinatago-tago 'to
Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
P'wede bang bukas na
Ipagpaliban muna natin 'to
Dahil kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo

Sa totoo lang, gustong gusto kong marinig ang boses ni Lance sa tuwing kakanta siya. Sobrang relaxing, sobrang ganda.

Mahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita pero 'di mo lang alam

Sa puntong ito, nakatingin si Lance sa parte namin. Naka-ngiti siya habang binabanggit ang bawat lyric ng kanta. May kinakantahan ba 'to? Kung meron, sino? Wow ha. Gumaganyan ka na pala ngayon, Mate.

Matagal ko ng gustong sabihin 'to
Matagal ko ng gustong aminin sa'yo
Sandali, 'eto na, at sasabihin ko na nga
Ngayon na, mamaya, o baka p'wedeng bukas na
Dahil kumukuha lang ng bwelo upang sabihin sa iyo

Nakangiti parin siya habang kumakanta. I'm taking pictures of him right now. Tuwing may audition siya, kailangan kong gawin 'to kasi lagi niyang hinihingi para may evidence na nandoon nga ako at sinuportahan siya. Kahit alam kong alam niya na nandito nga ako, I'll take pictures of him parin. Proud ako diyan e. Akalain mo, nareject siya ng ilang beses pero tumatayo parin siya.

Mahal kita pero 'di mo lang alam
Mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan
Mahal kita pero 'di mo lang alam

Natapos na siyang kumanta at nagsimula na ding magbigay ng feedback yung mga judges.

Positive naman ang mga feedbacks. Alam ko naman na positive yun e. Ang galing kaya ng best friend ko.

Nagpunta naman kami agad sa backstage pagkatapos magsalita ng mga judges.

"Hey!" Bati ko sa kanya.

Ngumiti naman ito sa akin at lumapit para yakapin ako. Ramdam ko ang sayang nararamdaman niya.

"You're here, Cap." Natutuwang sabi niya.

"Oo naman. Di pwedeng di ko makita at masuportahan ang best friend ko no! At nagpromise ata akong makakapunta ako." Sabi ko.

Niyakap niya ako muli at paulit-ulit na nag-thank you.

"Uhm... Nandito din ako." Singit ni Mandy.

"Oh.. Yeah. Thanks Mandy." Pasasalamat ni Mate.

Nagulat ako dahil di man lang niyakap ni Lance o kinamayan man lang si Mandy.

"Pare, congrats." Sabi ni Mcchaine at inabot nito ang kanyang kamay para makipag-handshake.

"Salamat." Sagot ni Lance na medyo umiba ang aura ng mukha niya. Medyo badtrip. Like that.

Pero nakipag-handshake din naman itong best friend ko.

"Kasama mo siya pumunta dito?" Tanong ni Lance sabay akbay sa akin.

"Yeah. Nagkita kami sa cafe kanina. Pero coincident lang naman na nandoon din siya. Tinawagan kita 'di ba? Kaso nga lang binabaan mo ako." Sagot ko.

Medyo nanghinayang ang naging reaction ni Lance pero pilit naman nitong ngumiti sa akin.

Nag-antay muna kami ng announcement kung kailan malalaman yung results ng mga pasok at makakapunta sa music camp.

After 35 Minutes...

"The results will be posted on June 20. Ia-analyze pa kasi ang mga performances. Salamat." Sabi nung isang staff.

"Okay. Let's go?" Yaya ni Lance.

"Uhm... Lance, ihahatid mo pa ba ako?" Tanong ni Mandy na halatang kinukuha ang atensiyon ng best friend ko.

"No. Babawi muna ako kay Captain." Sagot ni Lance.

Ha-ha-ha. Nice try, Mandy. Akin na si Lance ngayon.

Huuuwaaaaw naman! Girlfriend ako? Hahahahahaha.

"O-okay." Pilit na ngumingiti si Mandy.

"By the way, thank you Mcchaine." Pasasalamat ko.

Kung hindi naman dahil sa kanya, di naman ako makakarating on time dito e.

"No problem" Sagot naman ni Mcchaine.

"So, di na kita maihahatid. Hahahaha. I'll go ahead then."
Pahabol nito. "Lance, congrats ulit." Sabi ni Mcchaine sabay tap sa balikat ni Lance.

Ngumiti naman si Lance pabalik pero halatang pilit.

"Bye!" Paalam ni Mcchaine.

~*~*~*~*~

Inihatid naman ako ni Lance dito sa bahay.

If you are wondering kung nasan kami ngayon, nandito kami sa kwarto ko.

"You're with your crush." Pagbukas ng topic ni Lance.

"You're with your crush" Sagot ko.

"Will you stop repeating me?" Naaasar niyang sabi.

"Di kita rinerepeat. Totoo naman diba?" I replied.

"Oo. Pero iba yung kayo ni Mcchaine. I can see in his eyes that he likes you too." Halatang malolose na ang temper niya.

"Ano namang masama diba?" Sabi ko.

Bakit ba siya nagagalit? Wala naman ginagawang masama si Mcchaine sa akin a. Wala din naman akong ginagawang masama.

"Meron. Lalaki yun e. Baka kung anong gawin sayo nun." Sabi ni Lance.

"Lalaki ka rin. Lam na." Sabi ko habang ina-up and down yung kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"May respeto ako sa babae." Sagot niya.

"E si Mcchaine? Wala?" Sagot ko din.

"Di mo siya masyadong kilala." Aba. Di nauubusan ng sagot? Pwede baaa?! Wag na tayo mag-away? Kababati lang natin.

"Pati naman si Mandy a. Di mo din siya masyadong kilala." Sagot ko.

"EWAN KO SAYO!" Sabay naming sabi.

You Are The Risk I'll Always TakeWhere stories live. Discover now