Chapter 12

5 0 0
                                    

Nagulat din si Lance sa text message ni Mandy. Siya din di makapaniwala. May part sa kanya na nakikita kong masaya at may part na nagsasabing "parang may mali". Kilala ko ang best friend ko. Mas Kilala ko siya kesa sa sarili siya.

"She likes me." sabi nito habang nakangiti.

Sa puntong yun nasaktan ako. Nasaktan ako ng sobra.

"No." napatingin siya sa akin noong sinabi ko 'to. Pero ngumiti parin ako at sinabing "Mahal ka niya". Hindi ko inakalang lalabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Habang binibigkas ko ang bawat salita ng MAHAL KA NIYA unti-unti akong namamatay.

Why does it hurt so much?

"You want to call her?" tanong ko habang suot ko parin ang realistic fake smile.

"D-di ko alam." nauutal na sagot niya.

On this part, unti-unting nawawala yung part niya na nagsasabing "parang may mali". All I can see is the happiness in his eyes that slowly breaks my heart.

"Call her. Gusto ka ng gusto mo. Mahal ka ng mahal mo. Lucky you." pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko. Di pwede e. Di niya pwedeng makitang nasasaktan ako dahil lang sa nararamdaman ko. Di ko sisirain ang kaligayahan ni Lance dahil lang sa nararamdaman ko. Martyr na kung martyr pero ito kasi yung tama.

"Cap, I don't love her. Gusto ko lang siya." sagot nito habang hawak hawak ang mga kamay ko.

"Dun din naman mapupunta iyon diba? Hahahahaha. Matututunan mo din na mahalin si Mandy. Di naman siguro siya mahirap mahalin diba?" sabi ko sa kanya.

I am slowly killing myself dahil sa mga salitang nabibitawan ko.

Niyakap niya ako. Mahigpit yun.

"L-La-Lance... D-di na a-ako ma-maka-makahinga." sabi ko.

Eto seryoso na 'to. Di na talaga ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya.

"Bakit mo ako pinamimigay sa iba?" bulong nito.

Nagulat ako sa narinig ko kay Lance.

Di ko alam. Di ko sigurado kung yun talaga yung sinabi niya. Medyo mahina kasi iyon.

Pero kung ano man iyon, ayoko na malaman. Baka kasi mas gumulo pa ang utak ko. Magulo na nga... Mas gugulo pa?

Kumalas siya sa yakapan namin.

Nakita kong umiiyak siya.

Umiiyak siya na may mapait na ngiti sa mukha niya.

"Ba-bakit ka umiiyak?" tanong ko.

"W-wala." sagot nito habang humihikbi

"Go!" sabi ko habang suot ang pinaka-mapait na ngiti ko.

Hindi ko inakalang ako pa mismo ang magpu-push sa taong gusto ko sa gusto niya.

Ang sakit.

Best Friend ko lang siya pero bakit nasasaktan at natatakot akong makita siyang masaya sa ibang tao? Sa taong gusto niya.

"What?" nagtatakang sagot niya.

"Call Mandy!" sagot ko.

Napayuko siya sabay tingin sa phone niya.

Nakita ko sa screen ng phone niya yung contact ni Mandy.

Bakit di niya pa pindutin yung call button? Pindutin mo na!

Habang kaya ko pang tiisin yung sakit.

Pag di ko to natiis baka magbago pa isip ko aagawin kita kay Mandy. Char! Parang kaya ko naman. Di naman yun pwede. Ha ha ha ha ha.

Di naman mafa-fall sa akin ang taong kahit kailan di naman ako magugustuhan.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Tumayo si Lance at pinanood ko siyang lumakad papalayo sa akin.

Lumabas siya ng kwarto ko.

The only thought that was left on my mind is he's calling her, they're going to be happy.

E ako?

Okay lang. Meron pa naman akong Mcchaine.

Landi ko. Hahahahahaha.

Kinuha ko ang phone ko sa loob ng drawer na malapit sa kama ko at dinaial ang number ni Mcchaine.

Di naman nagtagal ang pag-ring ng phone niya. Sinagot niya naman agad ito. Nakss naman.

"Hey Raniella." pagbati nito.

"Hey" sagot ko

"Why'd you call?" tanong nito.

Ramdam ko ang saya sa boses niya habng kausap ko siya.

"I just needed someone to talk to." sagot ko.

Sa totoo lang, feeling ko mawawalan na ako ng best friend; mawawala na sa akin si Lance. Siyempre, the feeling is mutual between Mandy and him. Automatically, magiging sila. Tapos magiging masaya sila. Magiging sweet sila. Magiging mas compatible. They will fall in love harder with each other. They'll be faithful. They'll get married. Abay ako. Panonoorin ko yung lalaking gusto kong pakasalan ang babaeng gusto niya. Magkakaroon sila ng sariling pamilya tapos ako... Ako... E ano... Forever alone.

A-ano ba tong pinagsasasabi ng utak ko. Tss. Jusko. Madami pang ibang lalaki dyan. Hanap ka nalang. All I need is Acceptance.

"Why? What's the problem? What can I do to help?" nag-aalalang sagot ni Mcchaine.

"Can we meet tomorrow?" sabi ko.

"Sure, Raniella. I'll pick you up at your house tomorrow anytime you want" sagot ni Mcchaine.

Na-relieved ako dahil may matatakbuhan pa akong tao

I know meron naman akong tatay para pag sabihan ng mga problema ko pero ayaw niya kasing nakikita akong mahina. He always gets mad whenever I get weak. Ayokong magalit na naman siya sa akin.

"Okay." sagot ko habang may ngiti na nakasuot sa aking mala-dyosang mukha. Charrot!

"Thank you, Mcchaine. This really means so much to me." habol ko.

"You are always welcome. Good Night, Raniella." ang huling mga salitang narinig ko sa kanya sa phone call namin.

"Good Night" sagot ko. Pagkatapos ay binabaan ko na siya ng phone.

Lumingon ako sa likod ko at laking gulat ko nang makita ko si Lance na parang kanina pa nandoon.

Di ko mai-explain ang itsura niya.

Parang galita ATA siya. Pero di ko alam. Nakangisi lang siya tapos di siya nagsasalita.

Sa pagkaka-alam ko, wala naman nagpaparamdam na mumu dito sa kwarto ko. E bakit parang n-exorcist na itong kasama ko?

"Mcchaine." tapos mas sumama ang tingin niya nang sinambit niya ang pangalan ni Mcchaine.

Damn. Why is he so mad to Mcchaine?

Wala naman akong alam na dapat niyang ikagalit kay Mcchaine---

OMAYGAAAD! Ayaw niya pala akong nakakausap siya! -_-

Tss. Stupid Raniella.

Asan utak mo, girl?

"Uhm... Ka-kani-kanina ka pa ba d-diyan?" nauutal kong sabi.

"Obviously, YES!" diin na diin ang 'Yes' sa pagkakasabi niya.

"I'm staying here tomorrow until the day after tomorrow. Hindi ka aalis bukas." sasabat pa sana ako pero... "and that's final" sagot nito sa galit na tono.

LAGOT KA RANIELLA! GOOD LUCK SAYO!


You Are The Risk I'll Always TakeWhere stories live. Discover now