Chapter 31

488 14 0
                                    

Nag-ring ang aking cellphone na nakatago sa ilalim ng aking unan. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag sakin. Laking gulat ko ng makita ko ang pangalan ni Chenkov sa screen. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag, pero kalaunan ay sinagot ko na din ito.

"Hello?" Una kong pagbati.

"Agent Wilson, kamusta ang mission mo? Balita ko ay nakapasok na daw kayo ni Ilsa sa kampo ng ating target, ano na ang lagay niyo diyan?" Mga tanong ni Chenkov sa akin, na tila kay hirap sagutin. Pero yung moment na nagtatanong siya ng ganitong bagay, ibig sabihin, wala pa siyang idea na kami ay bumaligtad na sa kaniya.

"Ok naman kami, pinag-aaralan namin bawat galaw nila. Sa ngayon, hindi pa namin alam kung saan nila tinatago ang mga documents na kailangan natin." Sagot ko kay Chenkov.

"Ganoon ba? Sige, pagbutihin niyo ang inyong ginagawa, kapag nagkaproblema, tawagan mo lamang ako sa numerong ito. At i-eextract namin kayo agad." Sabi ni Chenkov.

"Ok sige! Salamat po director." Sabi ko naman sa kaniya.

Tinapos na namin ang aming pag-uusap sa cellphone at agad akong pumunta sa kwarto ni Ilsa. Kumatok ako sa kaniyang pinto at agad naman niya akong pinagbuksa.

"Ilsa, tumawag si Chenkov." Sabi ko kay Ilsa.

"Huh?! Kinausap mo ba? Ano ang kaniyang sabi?" Tanong sakin ni Ilsa. Pero bago ko pa man sagutin ang kaniyang tawag, pumasok ako sa loob at sinara ko ang pinto ng kaniyang kwarto.

"Kinakamusta niya yung mission natin, may balita na daw siya na nakapasok na tayo at hinihintay na lang niya ang tawag natin, kung sakaling nagawa na natin ang mission." Sabi ko kay Ilsa.

"Hmmm... Magandang indikasyon yan... Ibig sabihin, hindi niya alam kung kanino tayo panig?" Sabi ni Ilsa.

"Oo, tama ka, at kailangan natin siyang mapaniwala pa, para hindi tayo mahirapan pumasok sa main HQ ng CIA." Sabi ko kay Ilsa.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at pinakita ko kay Ilsa ang number ni Chenkov. "Ito ang number na ginamit niya, isulat mo ito sa isang papel." Sabi ko kay Ilsa.

Kumuha si Ilsa ng isang maliit na notebook at ballpen. Pagkatapos ay sinulat niya ang number ni Chenkov dito. Sa ganung paraan, mawala man ang cellphone ko, makokontak pa din namin si Chenkov.

Napaka importante ng number na ito ngayon, dahil kailangan namin siyang kontakin oras-oras at magreport sa kaniya, para maniwala siya na ginagawa namin ng tama ang aming trabaho.

"Sa tingin mo ba, kailangan natin ito sabihin kay zero?" Tanong ni Ilsa.

"Hindi, huwag natin sabihin." Sabi ko naman kay Ilsa.

"Ok sige, tama nga siguro na huwag na natin sabihin kay zero, baka mamaya niyan, pag-isipan pa niya tayo na double agent tayo. Tsaka isa pa, baka mamaya may inside job dito, mapahamak pa tayo." Sabi naman ni Ilsa.

"Basta, tayong dalawa lang ang nakaka-alam nito." Sabi ko kay Ilsa.

"Tama... Tayong dalawa lang..." Sabi niya sa akin.

Tumayo ako para lumabas na ng kwarto ni Ilsa at bumalik na sa aking kwarto, pero bago pa man ako tuluyang umalis, tinanong ko pa ulit si Ilsa sa isa pang pagkakataon.

"Gaano mo na katagal nakasama si zero? At gaano ka na katagal na agent?" Tanong ko kay Ilsa.

"Pinaghihinalaan mo ba ako?" Sagot niya sa akin, habang nakakunot ang kaniyang noo at nakatingin sa aking mga mata.

"Hi-hindi... Gusto ko lang malaman. Marami ka pa kasing hindi kinukwento sa akin." Sabi ko kay Ilsa.

Huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang aking mga kamay, hinatak niya ako sa kama at sinara niya ang pinto ng kwarto. Umupo siya sa aking tabi at nagkwento.

"Alam mo, matagal ko ng kasama si Chenkov, bago ko pa makasama si Zero, pero una pa lang, hinala na ako sa kaniya. Kaya naman nung mapunta ako sa MI6 noon at nalaman ang lahat ng katotohanan. Pumayag ako na sumapi sa kanila at pag-aralan kung pano pipigilin ang mga CIA director na ito." Sabi ni Ilsa.

Hindi na ako nagsalita pa, pagaktapos niyang magkwento sa akin. Sa halip ay hinalikan ko na lamang siya at dinama ko ang pagkakataon na nasolo ko nanaman ang aking kasintahan.

"Oh, paano? Babalik nako sa kwarto at matutulog nako ulit..." Sabi ko kay Ilsa.

"Bakit doon ka pa sa kwarto mo matutulog kung pwede naman dito?" Tanong sakin ni Ilsa habang nakatitig sa aking katawan at nakakagat labi.

Napalunok ako ng laway at napahinga ng malalim na malalim. "Ah... Si-sige! Sabi mo eh..." Natatarantang sagot ko kay Ilsa.

Hinila niya akong muli sa kama at inalis niya ang aking pang-itaas. Pagkatapos ay inalis din niya ang aking pang-ibaba. Sumampa siya sa akin at ako ay kaniyang hinalikan, at pagkatapos ay itinakip niya ang kumot sa aming dalawa.

Isa nanamang masarap na tulog ang naghihintay sa akin, pagkatapos nito. Hay, Ilsa, ang nag-iisang taong nagpapagaan at nagpapasaya sa aking kalooban.


I, AnonymousWhere stories live. Discover now