Chapter 26

540 16 0
                                    

Nasa opisina kami ngayon ng isang Christian counseling center upang magpanggap bilang magpartner na marriage counselor. Naka schedule kasi ngayon ang asawa ni director Miller, upang komonsulta patungkol sa pagsasama nilang mag-asawa.

Si Jones, naman ay kasalukuyang nagtuturo ngayon bilang isang substitute teacher, sa isang private Christian school, upang makadaupang palad ang anak ni director Miller.

Si zero naman ay nagpapanggap na lineman, at kasalukuyang nagkakabit ng wire tapping device sa linya ng telepono nila director miller, at ang dalawa namang aid ni zero ay nakikipag laro ng billiards sa mga barkada ng naturang direktor.

Naka set na ang lahat, at sana ma execute namin ito ng maayos. Sana hindi kami matunugan ni Miller. May tiwala naman ako sa aking mga kasamahan, ngunit mayroon pa din akong nararamdaman na hindi maganda. Hindi ko alam kung bakit, pero sana wala naman mangyaring masama.

"Ilsa, dadating kaya si mrs. Miller?" Tanong ko kay Ilsa sa naiinip na tono ng pananalita.

"Oo naman, wag ka mainip, dadating din iyon. Kung hindi naman, edi ok lang, magtrabaho muna tayo ng iba. Ayaw mo bang subukan ang ibang klase ng trabaho?" Sagot ni Ilsa sa akin habang binabasa niya ang libro tungkol sa pagbibigay ng payo sa mga taong gustong maghiwalay.

"Gusto din naman, yun nga lang para kasing nakakaboring..." Sagot ko sa kaniya. Napatingin ako sa kaniyang binabasa at naintriga ako kung totoo nga bang pinag-aaralan niya ito. "Seryoso ka ba sa binabasa mo?" Tanong ko kay Ilsa.

"Oo, bakit naman?" Sagot niya sa akin, habang patuloy na nagbabasa ng libro na kaniyang hawak. "Syempre dapat kapani-paniwala tayo. Hindi ko alam ang mga bagay tungkol sa pagbibigay ng payo, kaya pinag-aaralan ko... Hindi mo naman ako katulad na, Psychology ang tinapos."

"May point..." Sabi ko sa kaniya habang inip na inip na naghihintay. "Teka, text ko lang si Jones, kakamustahin ko lakad niya."

Hindi ako makapaniwala sa reply ni Jones sa akin. "Wow! Ang lupit naman nito ni Jones, nakakuha na daw siya ng sapat na impormasyon sa bata. Isesend niya daw agad sa email yung mga nakuha niya para naka safe keeping na." Sabi ko kay Ilsa sa nagtatakang tono ng pananalita.

"Galing naman... Pero bakit parang nagtataka ka? Para namang hindi mo kilala si Jones." Sabi ni Ilsa.

"Well... Minsan kasi tamad tong tao na to eh..." Sabi ko kay Ilsa. Kinuha kong muli ang aking cellphone na nakalapag sa isang coffee table at dinial ko ang numero ni zero. Nag-ring ang kaniyang cellphone at agad niya itong sinagot.

"Hello! Wilson bakit?" Tanong ni zero sa kabilang linya.

"Wala lang, kakamustahin ko lang yung trabaho mo diyan." Sabi ko kay zero.

"Ok na! Tapos nako mag-install, inaayos ko na lang yung linya ng kapit bahay nila, nakita kasi ako na may ginagawa na linya, tapos nag request sila, kaya ginawa ko na din. Yung dalawa kong aid, tapos na din daw, na record na nila yung mga usapan nila. Nilasing daw nila yung mga kaibigan ni Miller." Sabi ni zero.

"Buti pa kayo... Kami kasi wala pa yung asawa eh..." Sabi ko naman kay zero sa malungkot na boses.

"Nako, ok na yung data natin, kasi yung nakuha ni Jones sa anak ni Miller sapat na... Feeling ko din naman hindi tayo makakakuha ng maayos na impormasyon sa asawa niya dahil magkagalit sila. Tsaka baka hindi lahat sinasabi niya sa asawa niya." Sabi ni zero.

"Aba, kung ganon pala ok na ok yan... Edi pwede na kami umalis dito?" Tanong ko kay zero.

"Oo pwede na! Kita na lang tayo lahat sa hq para sa decrypting ng password." Sagot ni zero.

Tinapos ko na ang usapan namin ni Ilsa at inilagay ko na ang aking cellphone sa aking bulsa. Tumungo ako agad sa tabi ni Ilsa at ibinalita sa kaniya ang magandang sinabi ni zero. "Ilsa, sabi ni zero, hindi na daw natin kailangan ang datus ng asawa ni Miller. Sapat na daw yung kay Jones. Pwede na daw tayo umalis."

"Wow, magandang balita yan, pero sayang... pak na pak pa naman ako magcounseling..." Sabi ni Ilsa sa akin.

"Hayaan mo, kapag natapos ang trabaho na to, magtayo ng lang tayo ng counseling center." Sabi ko kay Ilsa habang inaayos ang aking mga gamit.

"Aba! Magandag idea yan..." Sabi ni Ilsa habang nililigpit ang mga gamit niya na nakapatong sa coffee table.

Nang matapos kami ni Ilsa magligpit; agad kaming lumabas ng kwarto at nagpaalam na sa namamahala ng lugar. "Ma'am, mauna na po kami... Wala yung client namin, baka babalik na lang kami sa ibang araw." Sabi ko sa tagapamahala ng lugar.

Ayaw ko sana magsinungaling dahil nasa loob pa kami ng banal na lugar, ngunit ano ang gagawin ko, wala na kaming kailangan pa sa lugar na ito.

Sumakay kami ni Ilsa sa isang itim na lexus na sedan at pagkatapos ay inistart ko na ang makina nito para kami ay makaalis na. Ngunit hindi pa man din kami nakakaalis, ay biglang nag-ring ang aking cellphone. Nang kuhain ko ito sa aking bulsa, nakita ko ang pangalan ni zero dito. Agad ko itong sinagot dahil baka may ibibilin pa siya sa amin bago kami tuluyang bumalik sa hq.

"Hello?" Pagsagot ko sa cellphone.

Nanlamig ang aking buong katawan, sumakit ang aking dibdib, at hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin man lang sa balita na aking natanggap.

"Pero? Paano nangyari? Ano? Sino?!" Galit na galit kong tanong kay zero habang unti-unting nangingilid ang aking mga luha.

"Wilson? Ano nangyari?" Tanong sakin ni Ilsa.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang aking sasabihin kay Ilsa, paano ito sisimulan at paano ko ipapaliwanag. Hindi ko muna sinagot ang kaniyang tanong, sa halip ay inusad ko sa drive ang kambyo ng automatic na sasakyan, binaba ang hand break at todo kong inapakan ang silinyador at dali-dali akong nagmaneho. Sa tindi ng aking apak, wala pang sampung segundo 220kph na ang aming andar. Kitang kita ko ito sa dashboard ng sasakyan, ngunit wala na akong pakealam. Ang nasa isip ko lang ngayon ay makarating agad sa aking pupuntahan.

"Isuot mo seatbelth mo!" Sabi ko kay Ilsa, habang unti-unting umaangat ang speedometer, at tinutumbok na nito halos ang sagad nitong speed.

"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ni Ilsa sa malakas na boses, na may pangamba at pagkalito sa tono ng kaniyang pagsasalita.

"Tsaka ko na lang papaliwanag sayo, kapag andun na tayo! Ang importante, makarating muna tayo doon agad." Sabi ko kay Ilsa sa nagmamadaling at naghihinagpis na tono ng pananalita...





I, AnonymousWhere stories live. Discover now