Chapter 28

526 14 0
                                    

Napakasakit mawalan ng katrabaho, lalo na kung kaibigan mo pa. Tao na matagal ko ng kasama sa lahat ng bagay at problema. Taong kasama ko sa kahit anong mission na naglalagay samin sa bingit ng kamatayan.

"Wilson, lakasan mo lang ang loob mo..." Sabi sakin ni Ilsa, habang nag-aayos ng gamit sa aming kwarto.

Hindi ako umiimik, sa halip ay patuloy lamang ako sa pagliligpit ng iba pa naming mga gamit. Kailangan ko kasing ipakita sa kanila na hindi ako pinanghihinaan ng loob. Sa ganitong trabaho kasi, kasama ang mawalan ng kaibigan o kami mismo ang mawala. Napakarami na naming naransan na ganito ni Jones, pero kaming dalawa lang ang tumagal. At ngayon, ako na lang ang natira sa original naming team.

Lumapit ako sa isang aparador kung saan nakalagay ang aming mga baril at bala. Binuksan ko ang pinto ng aparador, kinuha ang mga armas at inilagay ko ito sa isang itim na bag.

Tumingin ako as direksyon kung saan nakatayo si Ilsa at tinawag ko ang kaniyang atensyon. "Ilsa..." Sabi ko sa kaniya habang isinasara ko ang pinto ng aparador. Nang siya ay lumingon, tinanong ko siya kung ayos na ba ang kaniyang mga gamit. "Ok na ba lahat ng gamit mo? Naka-ready ka na ba?"

"Oo, ayos na lahat." Sagot niya sa akin.

Binuhat ko ang itim na bag na pinaglalagyan ng mga baril at bala, at pagkatapos ay nagtungo ako sa may pinto ng kwarto. "Ilsa, pupunta lang ako sa kwarto ni Jones." Sabi ko kay Ilsa bago pa ako tuluyang lumabas.

"Ok sige, pupuntahan ko lang din sila zero at ang iba pa" kinuha niya ang kaniyang bag at tumungo din sa may pinto. "Titingnan ko kung ready na din sila." Sabi ni Ilsa sa nagmamadaling tono ng pananalita.

Pagdating ko sa loob ng kwarto ni Jones, inilapag ko ang aking dala-dalang gamit sa ibabaw ng kaniyang kama. Tumungo ako sa direksyon kung saan nakalagay ang kaniyang mga gadget at ako ay naupo sa harap nito.

Kinuha ko ang picture ng aming original team na nakalagay sa isang maliit na picture frame. Tinitigan ko ito at huminga ako ng malalim. Matapos ang ilang segundo ay inilagay ko na ito sa aking bag. Ito na lang kasi ang nagsisilbing ala-ala ng isang magaling na grupo na tumapos sa kasamaan ng pinakamalakung terrorist network sa buong mundo.

Kinalkal ko ang mga gamit ni Jones sa mesa at kinuha ko ang mga kable, timer, explosive caps, at c4 na nakasalansan dito. Inilagay ko ito sa isang malaking karton na nasa ilalim ng kama ni Jones at binuhat ko ito. Kinuha ko din ang aking bag na nakapatong sa kaniyang kama, at pagkatapos ay tumungo ako sa living room.

Pagbaba ko sa hagdan, nakita ko si Ilsa, zero at ang iba pang agents na naghihintay sa akin. Ipinahawak ko kay zero ang aking bag at sinabihan ko silang mauna na sa sasakyan na naghihintay sa likod na alley. "Mauna na kayo, tatapusin ko lang tong trabaho ko dito. Wala dapat tayong ebidensyang maiwan."

Kinuha ni zero ang aking bag "Sige, basta bilisan mo" Sabi niya, at pagkatapos ay nagsilabasan na sila sa likod ng hq.

Nagpaiwan si Ilsa sa loob para ako ay tulungan, "Hindi kita iiwan dito, gagawin nating dalawa to, at lalabas tayong dalawa ng buhay." Sabi niya sa akin.

"Ok, sige, ikabit mo ting ibang c4 sa west wing, at ako naman ang bahala sa main office at right wing." Sabi ko kay Ilsa sa nagmamadaling tono ng pananalita.

Kinuha ni Ilsa ang ilang c4 explosive at tumungo na siya sa west wing upang ikabit ang mga ito sa mga pundasyon ng nasabing gusali.

Una ko munang pinuntahan ang main office at nagkabit ako ng dalawang c4 sa loob. Isa sa server at isa sa book shelves.

Pagkatapos ko sa main office ay agad akong tumungo sa right wing at pagkatapos ay inilagay ko ang c4 sa mga pundasyon ng gusali na nakalagay dito.

Nakita ko si Ilsa na papalapit sa akin. "Wilson, tapos na ako sa kabila, ano na susunod nating gagawin?" Tanong niya sa akin.

"Hawakan mo itong remote detonator at lumabas ka na, isesetup ko lang yung mga kable tapos susunod nako." Sabi ko kay Ilsa.

"Sabi ko sayo, sabay tayong lalabas eh..." Sabi niya sa akin, sa papilit na tono.

"Huwag ng matigas ang ulo mo, ikakabit ko lang to..." Sabi ko kay Ilsa.

"Hindi! Sasamahan kita! Hahawakan ko yang detonator, pero sasamahan kita." Sabi ni Ilsa sakin.

"Ok, sige... Ang kulit mo talaga!" Sabi ko sa kaniya.

Kinuha ko ang apat na rolyo ng wire na nakalagay sa loob ng kahon at pagkatapos ay una ko munang kinabit ito sa mga c4 explosives na nasa right wing. Nang makumpleto ko ang assembly sa right wing, agad naman kaming tumungo ni Ilsa sa main office at kinabitan din ito ng wire na nakakonekta sa right wing.

Nang kami ay patungo na sa left wing, bigla kaming niradyuhan ni zero. "Wilson, Ilsa, bakit ba ang tagal niyo, may mga CIA agent sa main gate." Sabi ni zero sa nag-aalala at nagmamadaling tono ng pananalita.

Hindi na namin sinagot pa si zero, sa halip ay nagmadali na kami patungo sa left wing ng gusali. Pagdating namin doon, kinabit na din namin yung mga wires na nagkokonekta sa lahat ng pasabog at pagkatapos ay agad kaming tumakbo papunta sa backdoor.

Bago pa man din kami tuluyan makalabas, narinig namin ni Ilsa, may mga tao ng pumasok sa loob ng aming mini hq. Agad na kaming lumabas at kinando ko ang backdoor sa labas upang hindi nila kami agad masundan.

Agad kaming sumakay sa van at mabilis na minaneho ni zero ang sasakyan papalabas ng alley.

Nang kami ay makalayo na ng halos limang kilometro, huminto si zero sa isang tabi at binigay sa akin ang isang tablet na may kontrol sa cctv ng mini hq. Nakita ko muna dito na may halos 30 CIA agents ang pumasok sa lugar.

Masakit mang isipin at gawin, pero pinindot ko pa din ang detonator na pinahawak ko kay Ilsa. Rinig na rinig namin ang sunod-sunod na pagsabog na galing sa dating hq. Kitang kita ko din sa monitor ng ipad kung pano sumabog yung ibang c4 bago pa man ito mawalan ng visuals sa loob ng hq.

Masakit sa akin ang pumatay ng mga kapwa agent, pero kung iisipin, itong mga agent na ito ang dahilan kung bakit namatay si Jones, at kung bakit nagkakaron ng gulo ngayon. Pakiramdam ko, may responsibilidad akong linisin ang aming hanay.

Hindi pa tapos ang laban hanggat nag-ooperate pa din ang mga direktor at hanggat nasa kamay pa din nila ang software. Kaya kailangan namin magplano ng panibo para mapigilan namin ang kanilang mga masamang adhikain.

Nang matapos ang sunod sunod na tunog ng pagsabog na aming narinig. Pinaandar nang muli ni zero ang van at tumungo na sa isa pa naming hq.


I, AnonymousWhere stories live. Discover now