Chapter 4

1.1K 28 0
                                    

Nakalabas nako nang apartment, at muli nakong naglalakad sa central. Sa aking paglalakad, may lalake na sa akin ay lumapit, "ikaw ba si agent Wilson?" Tanong niya sakin, habang nakahawak sa aking balikat at may nakatutok na baril.

Hindi ako sumagot, sa halip ay humarap lamang ako sa kaniya at ngumiti. Yumuko ako at tuloy lamang ako sa palihim na pagtawa habang kami ay naglalakad sa direksyon kung saan may itim na sasakyang nakaparada na tila ba may hinihintay.

"Alam mo, mali ka ata ng tao na dudukutin?" sabi ko sa kaniya habang kami ay naglalakad sa kalagitnaan ng Central. "Hindi ko kilala yung sinasabi mo." Bigla akong huminto, habang siya naman ay pilit akong pinapalakad.

"Ano ba? Bakit ka tumatawa?!" Pagalit na tanong niya sakin. Pangalawang beses na niyang tanong, ngunit hindi pa din ako sumagot, bagkos tuloy lamang ako sa pagtawa. "Aba sira ulo ka ah?! Niloloko mo ba ako?"

Hinawakan ko ang kaniyang kaliwang kamay kung saan nakalagay ang baril at pinilipit ko ito patungo sa direksyon ng kaniyang katawan. Siniko ko ang kaniyang dibdib, at kinarate chop ko ang kaniyang lalamunan para mahirapan siyang makahinga. Pagkatapos ay inagaw ko na ng tuluyan ang baril, at ipinutok ito sa kaniya. Buti na lang, may silencer, dahil kung wala, magkakagulo ang mga tao.

Bumagsak ng lalake at sa kaniyang paglagapak sa lupa ay nakita kong nagbukasan ang mga pinto ng itim na sasakyan at may nagbabaan na limang armadong lalake. Pamilyar ang muka ng isa sa kanila, at sa aking pagkakatanda, siya yung lalakeng naka MIB sa ospital.

Dali kong kinalas ang silencer ng baril, tinutok ko ito sa itaas at pinaputok ito ng tatlong beses. Nagtakbuhan ang mga tao sa iba't-ibang direksyon, at ang mga pulis naman na nasa lugar tumakbo papunta sa aking kinalalagyan.

Nagpaputok ang isa nilang kasama, at ganon din naman ang mga pulis na nakaduty. Habang nagkakapalitan ng putok ay tumakbo naman ako sa direksyon kung saan, maraming nakaparadang sasakyan.

Nakita ako ng isa sa mga lalake, at sinubukan niya akong habulin, ngunit pinaputukan ko siya at tinamaan ko siya sa ulo. Habang abala ang iba, ay humalo ako sa mga tao, at nagpatuloy sa pagpunta sa paradahan ng sasakyan ng isang casino.

Pagdating sa paradahan ay napahinto ako sa isang kotse na talaga namang umagaw sa aking atensyon. "Shit!" Sabi ko sa aking isipan habang ako ay napatalon sa tuwa dahil sa aking nakita. "Tamang-tama toh, hindi sila aabot sakin dito."

Ayaw ko man gawin, ay wala nakong iba pang choice kung hindi ang basagin at salamin ng lamborgini na aking nakita. pagkabasag ko sa salamin nito, ay agad akong pumasok at sinaksak ko ng kutsilyo ang susian at pinilit kong paandarin ang makina nito. Sa kabutihang palad ay bigla kong narinig ang isang napakagandang tunog ng sasakyan na sa panaginip ko lamang nahahawakan.

Kinambyo ko ang sasakyan mula neutral papuntang first gear at inapakan ko ng madiin ang silinyador, buti na lang walang nakaharang sa harapan ng kotse at agad akong nakaalis ng walang kahirap-hirap. Sa loob lamang ng tatlong segundo ay nasa 100kph na ang takbo ng sasakyan.

Nang ako ay makalayo na ng halos limang kilometro, ihininto ko na ang sasakyan sa gilid ng daan at ako ay bumaba na. "Paalam dream car!" Sabi ko sa sasakyan habang ako ay unti-unting lumalayo dito. Tumawid ako sa kalsada at tumayo ako sa tabi ng isang lumang poste na wala ng ilaw. Yung tipong pag sinipa ito ng medyo malakas ay tutumba na ito at haharang sa daan.

"Taxi!" Sigaw ko ng malakas, habang pinapara ang padating na dilaw na taxi. Huminto ito sa aking harapan at ako ay lumapit sa side kung nasan ang driver. "Manong, sa airport po."

Tumango ang taxi driver, na ang ibig sabihin ay payag siya sa kung saan man ako magpapahatid. Binuksan ko ang pinto ng taxi at sumakay ako sa likuran.

Sa aking pagsakay ay bununot ko ang baril na nasa aking likuran at nilapag ko ito sa tabi ng aking upuan.

"Sir, wala akong maibibigay sayo." Sabi ng driver, sa nagmamakaawang boses.

"Wag po kayong mag-alala, pulis po ako, hindi po ko kayo sasaktan."

"Ah, ganon ba?"

"Opo, pasensya na po kung pinag-alala ko kayo. Kailangan ko lang to bilang proteksyon natin."

"Proteksyon saan?"

"May mga humahabol po kasi saking, masamang loob, baka abutan tayo."

"Diyos ko po Sta. Maria." Sabi ng driver habang nagsa-sign of the cross, at patuloy lamang sa pagmamaneho.

Makalipas ang isang oras ay nakarating naman kami ng ligtas sa airport kung saan ako ay sasakay patungo sa Switzerland. Sa awa ko sa matandang driver ay inabutan ko siya ng sobrang bayad. Kinuha niya naman ito at nagpasalamat. "Salamat sayo sir, mag-ingat po kayo sa kung saan man kayo mapunta, at nawa po ay matapos na ang inyong problema." Sabi niya sa akin.

Kinuha ko ng muli ang baril na inilagay ko sa aking tabi at itinago na itong muli sa aking likod. Kinuha ko ang aking ID na pang international agent, at sinuot ko ito. Gagamitin ko yung ID para hindi ako sitahin makita man ang mga baril sa na aking dala-dala. Binuksan ko ang pinto ng taxi at tuluyan na akong bumaba.

Pagpasok ko sa airport ay hinarang ako ng mga security, at tulad nga ng aking inaasahan, pahihintuin nila ako dahil may dala akong mga baril at magasin. "Sir, maari po ba naming mahiram ang baril ninyo? Pati na din ang iyong ticket." Sabi sakin ng isang airport police.

"Sige, at eto nga din pala ang aking ID." Sagot ko sa airport police habang inaabot ang baril at iba pang mga bagay na hinihingi.

Nang makita nila na may selyo ng CIA ang aking ID ay agad naman nila akong pinapasok ngunit pinaiwan nila ang aking baril at kinalas ito. Pagkatapos ay inilagay nila ito sa isang kahon.

"Sir, pag paumanhin po ninyo, ngunit kailangan lamang tayong sumunod sa protocol. Ilalagay namin yung baril ninyo na nakakalas sa kahon na ito ilalagay namin ito sa taguan ng baril ng air marshall ng eroplano. Makukuha po ninyo ang baril na ito paglapag ninyo sa inyong destinasyon." Sabi sakin ng marshall, habang inaayos ang aking gamit.

"Naiintindihan ko." Agad kong pag-ayon sa kanila, dahil ginagampanan lamang nila ang kanilang mga tungkulin at para na din ito sa seguridad ng mga sibilyan.

"Sir, pwede na po kayong tumuloy." Sabi sakin ng isa pang airport police, habang itinuturo sa akin ang direksyon kung saan ako dapat tumungo.

"Salamat po." Sabi ko naman na may buong pag-galang.

Lumakad na ako sa direksyon kung saan naghihintay ang eroplano na aking sasakyan. "Sa wakas, makakaalis na din ako dito." Sabi ko sa aking sarili, ngunit nag-iisip pa din ng malalim kung ano na ba ang nangyayari at mangyayari pa sa akin.


I, AnonymousWhere stories live. Discover now