Chapter 8

945 21 0
                                    

Nandito na ako sa loob ng hotel, kung saan sinasabi na magkikita ang mga taong may hawak ng mga hinahanap namin. Napakaganda ng hotel na ito, malapalasyo ang ayos at moderno ang mga kagamitan na andito. Maganda ang napili ng mga sindikato, dahil hindi maiisip ng mga tao na may iligal na gagawin sa ganitong klase ng lugar.

Tiningnan ko ang aking orasan, at nakita ko, na ang maikling kamay ay nasa 7, at ang mahabang kamay ay nasa 6 na. "7:30 pm na pala, anong oras kaya darating ang mga iyon?" Tanong ko sa aking sarili, habang paulit-ulit na tumitingin sa aking orasan.

Binuksan ng guard ang glass main door, at ako ay nabighani sa aking nakita. Isang babaeng ubod ng ganda, nakasuot siya ng pulang bistida, naka natural color ng lipstick, nakalugay na buhok, at naka stilleto na sapatos. Kinindatan niya ako at lumapit siya sa akin.

"Ang gwapo mo naman ngayon agent Wilson." Sabi ni Ilsa sakin.

"Ikaw din ang ganda ganda mo." Tugon ko naman sa kaniya, habang paulit-ulit ko siyang tinitingnan mula ulo hanggang paa.

Sino ang mag-aakala na ang isang napakatindi at napakatikas na organization ay magkakaron ng agent na kasing ganda na tulad ni Ilsa. Na kung iisipin ay hindi siya bagay sa ganitong klase ng trabaho at hindi din natin maiisip na kaya niya ang bigat ng kilos ng mga agent.

"Eagle 1, this is eagle 2, parating na ang target." Sabi ng boses na galing sa earpiece na nakakabit sa kaliwa naming tenga. Bumaling ako sa kaliwa at itinaas ng bahagya ang maliit na mic na nakatago naman sa aking amerikana. "Eagle 2, this is eagle 1, Copy..." Sagot ko kay Jones sa kabilang linya. Ngayon gabi na ito, si Jones kasi ang magsisilbing controller at get away driver namin kung sakaling malagay kami sa alanganin. Naka pwesto siya sa isang puting van na nakaparada sa kabilang kanto. Sa loob ng van ay mga computer at satelite equipments. Sa labas naman ay disenyo ng sanitary ng syudad. Naka disguise ang aming sasakyan bilang isang cleaner ng city.

Kapansin-pansin ang pagmamadali ng security ng hotel patungo sa sa main door. Binuksan nila ng sobrang laki ang pinto at pagkatapos ay may pumasok na isang grupo ng mga kalalakihan. Anim ang mga ito, ngunit mapapansin mo yung isang tao na nasa gitna, maliit lang siya, hindi katulad ng iba niyang mga kasama. Halatang halata din ang mga baril na nakaumbok sa likuran ng limang kasama nung tao sa gitna. "Yan siguro ang boss nila." Bulong ko kay Ilsa, habang tinititigan ko ang bawat kilos ng pumasok na grupo. "Lima sa kanila ang may baril, yung boss walang dala."

"Pansin ko nga." tugon sakin ni Ilsa sa pabulong na pagsasalita. Kumapit siya sa aking braso at nagpakita ng pagiging sweet na gesture. Paraan ito para hindi kami masyadong mahalata ng mga tao na aming minamanmanan. Bawat kilos nila ay aming pinag-aaralan at bawat parte ng kanilang katawan ay mabusisi naming tinitingnan. Importante kasi ito para makita namin, kung saan pa sila nagtatago ng sandata.

Maya-maya pa ay may dumating na isang tao na pinagbukas din ng mga guard. Lumapit sila sa grupo, at kinamayan niya ang boss ng mga ito.

"Dala mo na ba ang napag-usapan natin?"

"Oo, dala ko na... Eh yung kailangan ko, dala mo ba?"

Sinenyasan ng boss yung isa niyang tao na nakatayo sa kaniyang kanan. May dala itong briefcase na kulay silver, tila isang matibay na lalagyanan para sa napaka importanteng laman. Lumapit siya harap ng lalaki sa kaliwang banda nito. Inangat niya ang briefcase, binuksan ito at pinakita ang laman. Milyong dollares ang nasa loob ng briefcase na dala ng isa sa mga tauhan.

"Good!" Sabi nong kausap ng kanilang boss, at pagkatapos ay may pinakita siyang folder sa kaniyang kausap.

Hinawakan ng boss ang kamay ng kaniyang kausap na tila pinipigilang iabot sa kaniya ang folder. Binulungan niya ito at kapansin-pansin ang malikot niyang mga mata. Hindi namin narinig kung ano ang kaniyang sinabi dahil medyo malapit kami sa kanila, ngunit pagkatapos niyang bulungan ang ka transaction niya ay lumakad sila papunta sa elevator.

Dahan-dahan naming sinundan ang grupo, pero para hindi kami mahalata ay mas umarte pa kami ng sobrang sweet ni Ilsa. Hinalikan ko siya sa pisngi habang naglalakad. Si Ilsa naman ay isinandal ang kaniyang pisngi sa aking balikat at nagkunwaring lasing.

Pinauna namin makapasok ang grupo sa elevator at hindi na kami sumabay. Sa halip ay tiningnan namin kung saang floor hihinto ang elevator na kanilang sinakyan. Makikita ito sa itaas ng pinto ng elevator, kung saan makikita na iilaw ang number ng floor na bawat hintuan ng elevator. Inaalam namin kung tama ang aming source na sa 8th floor sila kumuha ng kwarto.

Makalipas ang ilang sandali ay nakita namin na huminto ang elevator sa 8th floor. "Tama nga ang source ni Jones..." Sabi ko kay Ilsa, habang pinipindot ko ang button ng kabilang elevator na nagiindicate nang pag-akyat.

Pagbukas ng elevator ay pumasok na kami agad ni Ilsa at pinindot ni Ilsa ang numerong 8 sa panel ng elevator. Habang nasa loob ng elevator ay kinuha ko ang baril na nakatago sa aking likuran, at ikinabit ko ang suppressor na kinuha ko sa aking bulsa. Chineck ko ang magasin kung puno ito ng bala. Pagkatapos ay ipinasok ko ng muli ang magasin at kinasa ko ito. At itinago ko ang baril sa loob ng aking amerikana.

Si Ilsa naman ay inayos ang 357 na kaniyang dala na nakatago sa ilalim ng kaniyang bistida. May holster kasi siyang suot na nakakapit sa kaniyang hita.

Paghinto ng elevator sa 8th floor ay sakto namang nakaready na kami ni Ilsa. Tumungo kami sa room 804 na nirentahan ni Jones para sa amin. Pagpasok namin ni Ilsa sa kwarto, tumambad sa amin ang mga gamit na hinanda ni Jones para sa mission na ito.

Agad kong kinuha ang barenang nakapatong sa tv rack, pinindot ko ang power button para masiguradong gumagana ito. Nang umandar na ang barena, tinutok ko ito sa pader ng hotel at pilit ako gumagawa ng maliit na butas na paglalagyan ng manipis na hose na nakakabit sa isang tanke ng sleeping gas na sinesetup ni Ilsa. "Yes!" Sabi ko sa aking sarili, dahil matagumpay kong nabutasan ang pader na hindi namamalayan ng grupong nagmimeeting sa kabilang kwarto.

Sinalpak ni Ilsa ang elastic na plastic tubing sa butas, at pagkatapos ay binuksan niya ang tanke ng sleeping gas na nakakonekta dito.

Ilang minuto din ang hihintayin namin bago umepekto ng tuluyan ang sleeping gas, kaya naman pumunta ako sa kama, kinuha ang remote control ng tv at nanood muna ako panandali. Habang si Ilsa naman ay pumasok muna sa c.r. para magbawas.

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon