Chapter 11

826 21 0
                                    

Pagdating namin sa apartment, dali-daling ipinakita samin ni Jones ang kaniyang natuklasan. Umupo siya sa harap ng computer at ipinakita samin ang mga mensahe na nakuha niya sa cellphone ng isang member ng anonymous.

"Guys, ginamit ko yung medusa na program ng CIA, ang ginagawa nito ay i-extract lahat ng messages na nasa isang cellphone na hindi mabukas dahil naka lock at nakalimutan ang password, or cellphone na katulad nito, na nakuha natin sa mission." Sabi ni Jones, habang sinesearch kung nasaan niya sinave yung mga extracted messages. "Mayroon akong nakuha na 2,000 messages, kasama na dito yung mga binura niyang messages na napag-alaman kong galing sa kasamahan niya sa anonymous." Hinaharap niya sa amin ang monitor at nagpatuloy. "Napag-alaman ko na hindi siya kasama sa kumuha ng files at nagpasabog ng safehouse, pero..." Idinikit niya ang kaniyang dailiri sa monitor at Itinuro niya sa amin ang isang message na nakuha niya "Tingnan niyo ito... Sabi dito sa message, makipag kita siya sa city proper, sa isang lumang restaurant at may ipapakita sa kaniya na files na galing sa CIA."

"Nakuha mo ba kung ano ang pangalan ng nagpadala ng message?" Tanong ko kay Jones

"Sa kasamaang palad hindi... Number lang kasi yung nakalagay dun at walang pagkakakilanlan" Tugon ni Jones sa aking katanungan. Huminto siya panandali, "Pero, nakalagay sa text kung ano ang code name niya sa anonymous, siya ay si Macubex."

Natuklasan namin na ang taong may-ari ng cellphone na ito, ay personal na kilala ang mga myembro na responsable sa pagnanakaw ng classified files ng CIA. Nakasaad sa isang mensahe na mayroon silang hawak na CIA file at ipapakita nila ito dito sa isang lumang restaurant sa Beijing. Pero sino si Macubex? Papaano ko kaya malalaman ang tunay niyang katauhan, at ano kaya ang mga kaya pa niyang gawin?

"I run mo nga sa database natin yang Macubex na yan, baka naman nasa list na ng most wanted natin yan?" Sabi ko kay Jones, habang balik balik akong naglalakad sa loob ng apartment.

Inopen ni Jones ang database ng CIA at ginamit niya ang kaniyang password para ma access ito. Pagbukas ng database ay tinype niya ang mga salitang Macubex.

Natapos ng magload ang database ngunit wala kaming nakita, mga ilang sandali pa habang brinabrowse ni Jones ang database ay may natuklasan siyang unusual. Ang pangalan na macubex ay lumabas sa biodata ng isang CIA agent.

"Guys!" Tinawag ni Jones ang aming antensyon. "Yung macubex, lumalabas na kapatid siya ng isang CIA agent, nahuli na siya ng ilang beses dahil sa pag-hack ng ilang back account, pero nakalaya din dahil maliliit lamang ito na amount."

"Siguro, naghahanap na siya ng big time na pera ngayon..." Sabi ni Ilsa.

"Hindi siguro..." Sabi ni Jones, habang masusi niyang binabasa ang files. "Kasi... Kapatid siya ni zero, yung dating nag hack sa pentagon na naging empleyado ng gobyerno at binigyan ng malaking salapi."

"Zero?" Kumunot ang aking noo, dahil nagtataka ako sa aking nalaman. Lumapit ako sa monitor para masiguradong tama nga ang nabasa ni Jones. Kilala kong personal si zero, at kahit kelan, kahit bago pa siya namatay, wala siyang nabanggit sakin na mayroon siyang kapatid. "Hindi ba't namatay si zero sa isang operasyon sa Afganistan? Isa pa, wala naman tayong alam na kamag-anak niya."

"Hindi ko alam Wilson, dahil iyan ang nakasaad sa database ng CIA." Sagot sakin ni Jones, "Baka naman hindi lang niya sinasabi, dahil alam niyang malalagay sa alanganin ang buhay ng kapatid niya?"

"Nakakapagtaka lang, dahil kilala ko din zero..." Sabi ni Ilsa, habang nag-iisip ng malalim at tila may ina-alala. "Alam ko talaga, walang kapatid yang si zero tulad nga ng sabi ni Wilson, maliban na lang kung mayroon na mas highlevel agents pa kumpara sa atin na may hawak na mas classified pang files. Pero sa pagkakaalam ko, tayo na ang pinakamataas ng agents."

"Subukan mo ngang kontakin si direktor Chenkov" Sabi ko kay Jones, habang ako naman ay nakatayo sa kaniyang likuran at hindi pa din makapaniwala sa mga natutuklasan.

Kung meron man kasing makakapagsabi samin ng katotohanan, ay si direktor Chenkov na yun, dahil ang mga direktor ng CIA ay may access sa lahat ng classified documents ng CIA. 

"Walang sagot!" Sabi ni Jones, habang hawak-hawak niya ang kaniyang cellphone at nakatapat ito sa kaniyang tenga. "Ring lang ng ring, hindi siya sumasagot, baka busy ang direktora natin."

Habang busy si Jones at Ilsa sa pag search sa computer sa tunay na katauhan ni macubex. Ina-alala ko namang mabuti kung meron bang nasabi si zero sakin kahit isang beses man lang, na patungkol sa kaniyang kapatid. Dahil sa totoo lang, kilala ko ang kaniyang ama at ina, at alam kong patay na din ang mga ito. Siya ay nag-iisa na lang sa buhay, wala din siyang asawa o kasintahan man lang.

Matagal-tagal din kaming nagkasama ni zero sa Afganistan, at alam ko ang rason kung bakit siya namatay. Pinasok niya ang isang base ng mga terorista sa lugar upang iligtas ang pitong navy seal na bihag ng mga ito. Hinack niya ang security ng compound ng mga terorista at sinira niya ang kanilang network.

Nakalabas ng maayos ang mga navyseal na kaniyang iniligtas, ngunit habang hinihintay nila si zero sa labas, ay biglang nagkaroon ng malakas na pagsabog sa loob ng compound. Sinubukan ng ilang navyseal na balikan siya, ngunit, nagsunod-sunod ang malakas na pagsabog at nagiba ang buong compound ng mga terorista na parang pinitpit na luya sa lapag.

Bago pa tuluyang umalis ang mga navyseal, nung humupa na ang apoy sa nasabing compound. Pinasok nila itong muli at nagbabakasakaling buhay pa si zero, ang taong nagligtas sa kanila. Sa kasamaang palad, nakita nila sa isang tabi ang sunog na sunog na katawan ng isang tao na may hawak na laptop. Tiningnan nila ang dog tag na nakasuot dito, ang dun nila napag-alaman na si zero ang taong iyon.

Sa totoo lang, nung una, hindi ko matanggap ang kaniyang pagkawala, pero kailangan ko din intindihin na ganito ang trabaho na pinasok namin. Anu mang oras, pwede kaming bawian ng buhay. Isa pa, sino ba naman ang makakaligtas sa sunod-sunod na pagsabog. Nadurog pa ng husto ang buong lugar.

Ang sapantaha ng marami, si zero ang nagtanim ng mga bomba sa compound ng mga terorista at nagpasabog ng mga ito. Tutal, wala naman nang mawawala pa sa kaniya, kahit bawian pa siya ng buhay. Wala naman na siyang magulang. Wala siyang asawa o kapatid man lang. Wala na siyang ibang pamilya kung hindi kami na lang na kaibigan niya sa CIA.

Isa na lang ang natitira naming paraan para malaman kung sino talaga si macubex. Ang pumunta sa lugar na kanilang meeting place. Dukutin si macubex at alamin ang tunay na istorya.

I, AnonymousOnde as histórias ganham vida. Descobre agora