Chapter 10

904 19 0
                                    

Sa harap ng computer, sa loob ng apartment, ay si Jones na naghahack ng cellphone na nakuha namin sa isang myembro ng anonymous. Ako naman at si Ilsa ay naghihintay sa likuran ni Jones sa ano mang resulta o impormasyon na aming makukuha.

"Lintik, ang hirap naman icrack ng cellphone nito." Sabi ni Jones.

"Ano po bang aasahan mo? Hindi naman sila babansagan na pinakamagaling na hacker sa buong mundo kung sa mga ganyang bagay lang eh madali silang matatalo..."

"Sa bagay, may point ka..." Sagot ni Jones, habang patuloy siyang nagha-hack ng cellphone na nakuha ko kanina.

Inip na inip ako sa paghihintay, kaya tumungo muna ako sa lalagyanan ng mga baril at kinuha ko ang 9mm na paborito kong gamitin. Kinalas ko ito at nilinis. Matagal-tagal ko na din kasing hindi ito nalilinis, kaya ito na ang pagkakataon kong asikasuhin ang aking baril.

Habang naglilinis, napansin kong medyo naiinip na din si Ilsa sa paghihintay. Tumayo ako at binuhat ko ang aking upuan at inilagay ko ito sa kaniyang tabi.

"Naiinip ka na din noh?" Tanong ko kay Ilsa.

"Medyo... Pero matagal kasi talaga mag crack ng mga ganyan eh."

"Pano kaya kung..." Tumayo ako at, huminto panandali, "Kumain na lang tayong dalawa sa labas?" Inaya ko siya, sa totoo lang, gusto ko talaga siyang maka-date. Nahihiya lang ako na ayain siya ng diretso.

"Mabuti pa nga! Naiilang ako sa inyo eh..." Sabi naman ni Jones, habang patuloy na nagtratrabaho.

Kitang-kita ko ang hirap ni Jones sa trabaho niya, gusto ko man siyang tulungan, pero gusto ko din naman mapahinga sa mga trabaho at syempre, kung sakaling papayag si Ilsa, ay makadate ko man lang siya.

"Ano Ms. Ilsa Fauster?" Sabi ko kay Ilsa, sabay titig sa kaniyang mga mata.

"Ok, sige... Nagugutom na din ako eh."

Tuwang-tuwa ako sa aking narinig. Hindi ko akalaing papayag si Ilsa. Tumungo ako sa kwarto panadali at kumuha ng pera dun sa briefcase na ninakaw namin dun sa gang. Pagkatapos ay nilapitan kong muli si Ilsa.

"Tara na!"

"Ok, sige tara!"

Tumayo na si Ilsa mula sa kaniyang pagkakaupo at tumungo na siya sa may pinto. Pero bago pa kami makaalis ay tinanong ko muna si Jones kung ano ang gusto niyang pasalubong. "Jones, pare, ano gusto mong pagkain na iuwi namin?"

"Kahit ano pare, basta wag lang lason."

"Ok! Copy!"

Tumungo na ako sa labas at isinara ko na ang pinto. Pagkatapos ay tumungo na ako sa kinatatayuan ni Ilsa. Hinihintay niya ako kanina pa, kaya nagmadali na ako sa paglalakad. Hindi dapat pinaghihintay ang mga babae lalo na sa first date.

Habang nasa daan, siniko ko ng mahina ang kaniyang siko, "Ilsa, pwede ko ba malaman bakit ka pumasok sa pagiging international spy?" Tanong ko sa kaniya habang kami ay patuloy na naglalakad.

"Wala lang... Bata pa kasi ako, mahilig nako sa mga conspiracy theory na story, tsaka malaking paghanga ko sa CIA." Sagot naman ni Ilsa sa akin.

"Malaking paghanga? Eh ano naman naramdaman mo nung nasa loob ka na?" Tanong ko habang ako ay bahagyang natatawa. Sa totoo lang, bakit mo hahangaan ang CIA? Madumi ang organization na ito. Uhaw sa dugo at kapangyarihan. Napakarami ng tao na pinatay.

"Naramdaman ko na..." Huminto siya panandali sa pagsasalita. "Mali pala ako... Gustuhin ko man lumabas, wala nakong magagawa... Tsaka isa pa, parang nasa dugo ko na yung pagtatanggol sa interest ng sarili nating bansa, kahit pa ang kapalit nito ay makagawa tayo ng masama or mismong buhay natin..."

I, AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon