Chapter 25

622 17 0
                                    

Nakarating kami sa HQ ng maayos at masaya. Sa konting oras na nilagi namin sa bar, kahit papaano naman, nawala yung stress na inabot namin sa kakatapos lang na lakad.

Nasa loob kami ng briefing room ngayon kung saan ipapaliwanag ni zero yung susunod naming gagawin. Nakaupo kaming tatlo sa harapang bahagi ng silid, habang ang iba naman ay nasa likuran.

"Guys! eto ang ating mission..." Sabi ni zero habang mabilis na naglalakad papunta sa harapan ng briefing room mula sa pintuan na kaniyang pinasukan. "Director Miller!"

Kumalabog ang aking dibdib, dahil kilala ko ang direktor na ito. Hindi siya ang tipo ng direktor na mabilis lokohin at lalong hindi siya ang klase ng direktor na papayag na may makapasok sa kaniyang opisina ng ganon lang kadali lalo na't walang pahintulot na nag mula sa kaniya. Ang direktor na ito ay magaling at talagang kinatatakutan sa taglay niyang katalinuhan at kabrutalan. Papatay siya alang-alang sa kaniyang pangalan at departamento.

"Paano natin tratrabahuhin ang taong iyan, alam natin lahat ang kaniyang kalibre." Agad kong tanong kay zero sa nag-aalalang tono ng pananalita.

"Social engineering..." Sagot ni zero sa napaka kalmadong tono. Tila ata walang bahid ng pag-aalala kay zero, para bang siguradong sigurado siya na gagana ang technique na ito.

Ang social engineering ay hindi ko ma-ikoconsider na hack, pero dahil ginagamitan pa din siya ng technolohiya, na-classify na din siya bilang isang uri ng hack. Ang ginagawa dito, gagawa kami ng paraan para maka-usap yung mga taong malapit sa aming target. Pagkatapos ay palihim kaming hihingi ng impormasyon sa mga ito tungkol sa taong aming ihahack. Magagawa namin yan sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga psychological or sumbliminal questions tungkol sa kaniyang, mga paborito, edad, araw ng kapanganakan, lugar kung saan pinanganak, paboritong sports, kulay, pagkain, numero, sasakyan, pangalan ng bawat miyembro ng pamilya, special na araw para sa pamilya at sa kaniya at kung ano-ano pang tanong na personal upang makakuha ng enough information para malaman namin ang kaniyang password. Mayroon kasing part sa mga email na kapag nag-forgot password ang may-ari ng account, itatanong yung mga ganong bagay. Kapag nasagot namin ang mga tanong ng verification ng email, iyon ang magpapatunay na ang may-ari ang nagbeberipika ng nasabing account, at pagkatapos ay bibigyan kami ng option para sa bagong password at magkakaron na kami ng access sa kaniyang email.

"Alam na ba natin ang email address niya?" Tanong ko ulit kay zero.

"Oo meron na kaming email address niya, kaya nga kailangan na lang natin magawa ang social engineering para matrabaho ko na ang kaniyang account." Sagot sakin ni zero. Habang sinusulat sa whiteboard ang pangalan ng magkakagrupo. "Eto yung grupo at parte na ating gagampanan... Babala, kailangan maingat tayo sa bawat hakbang dahil katulad nga ng ating pagkakakilala sa direktor na ito. Isa siyang mapanganib na tao."

Lumapit ako sa whiteboard para makitang mabuti kung sino ang magkakasama sa grupo at kung ano ang aming magiging papel.

Ako at si Ilsa ay magpapanggap bilang Marriage counselors ng  isang Christian church, dahil nakakuha kami ng impormasyon na ang relasyon ng direktor sa asawa ay nanganganib. Gagamitin namin ito para kami ay nakalapit sa mismong asawa niya na makakapagbigay sa amin ng mga importanteng impormasyon.

Si Jones naman ay magpapanggap bilang isang teacher sa eskwelahan ng anak ng direktor. Kung merong isa pang tao na makakapagbigay ng accurate na impormasyon tungkol sa target, wala ng iba pa, kung hindi ang sarili niyang anak.

Si zero sa unang pagkakataon ay magtratrabaho sa field bilang isang telephone technician, upang makapag wiretap sa communication ng pamilya ng direktor. Kakailanganin kasi namin maintercept ang phone verification code na ipapadala ng email host sa owner.

Ang dalawa ng agent na nagtratrabaho kay miles bilang intel asset ay tutungo sa mga lugar na tinatambayan ng direktor upang kumalap ng impormasyon mula sa mga kabarkada nito. Ang kabarkada kasi, ang nakaka-alam ng mga sikretong kalokohan ng target, lalo na pagdating sa pambababae at kaniyang mga paboritong bisyo.

Sadyang napakahirap ng lakad na ito at napaka delikado. Hindi namin alam kung matatapos namin ito ng maayos. Napakatinik at tuso ng direktor na ito at sa konting pagkakamali lamang, maaaring may mamatay sa amin, o di kaya ay masira ang lahat ng aming plano at masayang lahat ng aming pinaghirapan.

Bumalik ako sa upuan at hinawakan ko ang kamay ni Ilsa at Jones. Bahagya kong pinisil ang kanilang mga kamay at sinabi kong "Kahit ano ang mangyari, dapat buhay pa din tayong tatlo na makabalik dito sa head quarters."

I, AnonymousWhere stories live. Discover now