Fifty-Six

22.5K 354 2
                                    

Chapter 56
Trip

**

After one month…

Isang buwan na ang nakalipas matapos sabihin ng doktor na malapit nang gumaling si Eunice. Hindi nga siya nagkamali. Sa loob ng isang buwan, unti-unting naging maayos ang kalagayan ni Eunice.

Mayroong mga pagkakataon na magugulat na lang kami dahil bigla siyang tatayo at tahimik na maglalakad-lakad. Minsan naman, bigla na lang siyang yayakap sa akin kapag inaantok siya. Pagkatapos no'n ay makakatulog na siya. May isang beses pa na siya na mismo ang kumuha ng sarili niyang inumin. Kaya lang, dahil babasagin ang baso, nabasag niya iyon. Ibinili ko na lang siya ng plastic na baso para kung gugustuhin niyang kumuha ng sariling inumin ay hindi niya iyon mababasag.

Lahat ng iyon ay kadalasang nangyayari kapag nasa bahay ako, umaga man o gabi. Hindi lang iyon. Paminsan-minsan ay sumasagot na rin siya kapag tinatanong namin siya o kaya naman ay kapag may gusto siyang sabihin.

Araw-araw namang bumibisita ang doktor para ma-monitor nito ang kondisyon ni Eunice at para na rin mas lalo itong matulungang gumaling. May mga oras na iniiwan namin silang dalawa para makapag-usap. I think the doctor is doing some kind of therapy to help her recover. And I can say that it was really effective. Ang sabi naman ng doktor, mukhang gusto rin daw talagang gumaling ni Eunice kaya tinutulungan nito ang sarili niyang gumaling. Natuwa naman kami dahil doon.

Naaalala ko pa nga ang araw kung kailan tuluyan na siyang gumaling. Paalis ako noon para pumasok sa trabaho. As usual, hinintay ko muna siyang gumising bago ako umalis para magpaalam. At nang magpaalam ako, nagulat ako nang nginitian niya ako at sinabing mag-ingat ako.

Akala ko ay isang normal na araw lang iyon dahil ganoon din naman siya nang mga nakaraang araw. Pero nang umuwi ako sa araw na iyon, nagulat ako nang makitang nakikipagtawanan na siya kina Saff at Bree habang nanonood ng movie. Sinalubong pa nga niya ako ng yakap nang araw na iyon.

Kinabukasan ay dinala namin sa ospital si Eunice para ipa-check-up. Hinayaan naming kausapin ng doktor si Eunice at i-check nito kung nasa normal na nga ba siyang pag-iisip. They even conduct a lot of tests to know if she's already healed. Fortunately, she is.

Iyon nga lang, mayroon lang maliit na problema. Somehow, something has changed. Everytime we're alone, I can feel that she's awkward. Hindi ako naiilang kapag kasama ko siya pero ramdam ko naman ang pagkailang niya sa akin. Pero kapag may kasama kaming iba, hindi naman siya ganoon.

Pakiramdam ko ay hindi na kami tulad nang dati. Parang nawala ang pagiging close namin sa isa't isa. Minsan nga ay inisip ko kung ano ba ang problema. Isa lang ang pumasok sa isip ko sa mga oras na iyon. Maybe she feels awkward because we've been apart for a long time.

Matagal din kaming hindi nakapag-usap kaya siguro ay nahihirapan siyang makipag-usap sa akin kapag kaming dalawa lang. Ang nangyayari tuloy, hindi ko na rin alam kung paano ko siya sisimulang kausapin. Hindi ko rin tuloy maituloy ang kagustuhan kong makausap siya tungkol sa aming dalawa at tungkol sa mga plano namin sa buhay.

Somehow, I understand. Alam kong hindi nga naman ganoon kadali ang lahat. Hindi naman pwedeng maging maayos agad ang lahat sa amin dahil lang nakabalik na ako. Kahit na alam kong nakahingi na ako sa kanya ng tawad sa biglaan kong pag-alis noon, hindi pa rin pwedeng basta na lang magiging maayos ang lahat.

Siguro ay bibigyan ko na muna siya ng time para makapag-isip. And maybe I'll apologize to her again for suddenly leaving her before.

**

Eunice's Point of View

Tahimik kong kinakain ang cake na inihain ng katulong nina Saff dito sa bahay nila. Gabi na pero parang ayoko pang umuwi sa bahay namin. Ayos lang naman dahil katabi lang ng bahay nina Saff ang bahay namin.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon