Eleven

22.3K 424 5
                                    

Chapter 11
Michael

**

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Napakunot-noo ako at hindi ko malaman kung ano ba dapat ang maging reaksyon sa sinabi niya. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking 'to? Naka-katol ba siya? Future girlfriend? Sino ba 'to? Hindi ko nga siya kilala, eh.

Ibinaba niya ang kamay niya nang ma-realize na hindi ko iyon tatanggapin. I didn't mean to be rude. Hindi ko lang kasi alam ang gagawin ko. Aba! Ginulantang ba naman niya ako sa sinabi niya, eh.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Nawala naman ang malawak na ngiti niya at napakamot sa batok niya.

"Sorry, ha? Nagulat yata kita," sabi niya.

Hindi lang nagulat. Gulat na gulat!

"Um, pasensya na, ha? Pero hindi kasi kita kilala, eh," sabi ko.

"Alam ko. Kaya nga ako nagpapakilala sa'yo," aniya.

Aba! 'Yong tono ng boses niya parang sinasabi niyang kasalanan ko pang hindi ko siya kilala, ah! Pigilan niyo 'ko kundi bibigwasan ko talaga 'to!

Still, I don't want to be rude. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kakausapin ko na lang siya nang maayos at baka may gusto lang siyang sabihin.

"Oh-kay? So… nagpapakilala ka dahil?" I asked.

He smiled. "Kasi gusto kita. At gusto sana kitang ligawan sa ayaw at sa gusto mo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. This is so shocking. Sigurado ba siya? Paano naman niya ako nagustuhan? Hello! Ngayon nga lang kami nagkakilala tapos sasabihin niyang gusto niya ako at liligawan niya ako?

"Sigurado ka ba diyan? Ngayon nga lang tayo nagkakilala tapos nagustuhan mo na ako agad?"

Tumawa siya pagkasabi ko no'n. Napakunot-noo ako.

"Ikaw, ngayon mo lang ako nakilala. Pero ako, matagal na kitang kilala. Matagal na kitang pinapanood at pinagmamasdan," sabi niya na ikinagulat ko.

Wait. 'Di kaya stalker 'to? Bigla naman akong kinilabutan.

"Sorry, ha? Pero… stalker ka ba?" tanong ko. Bigla na naman siyang tumawa. This time, mas malakas na.

Grabe. Di naman ako na-inform na may pagkabaliw pala 'to. Masyado siyang masayahin, huh? Maganda 'yan. Note the sarcasm, please.

"Ako? Stalker? Alam mo, hindi ganito ang itsura ng stalker. Ang mga taong may mga ganito ka-gwapong mukha ay hindi stalker. I prefer you calling me admirer," sabi niya habang pataas-taas pa ang kilay.

Wow! Bilib naman ako sa taas ng confidence ng isang 'to! Sa sobrang taas, hindi ko ma-reach! Infairness naman, ang yabang niya. Well, hindi ko naman maitatangging gwapo nga ang isang 'to. Pero mas gwapo pa rin si Niel, siyempre. Mukha pa ngang mas bata 'to sa'kin. Teka nga, ilang taon na ba 'to?

"Ilang taon ka na ba?" tanong ko.

Napakamot siya sa batok at nahihiyang sumagot. "Actually, kaka-15 ko pa lang. Pero age doesn't matter naman, 'di ba?"

He's just 15. I am 16. So, ibig sabihin third year pa lang siya?

Napatango-tango ako sa sinabi niya. What do I do now?

"So, uh… okay lang ba kung manliligaw ako?" tanong niya.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Papayag ba 'ko? But I already like someone else. Kung papayagan ko siyang manligaw, para ko na rin siyang pinaasa. Hindi ko rin naman siya sasagutin sa huli dahil may iba akong gusto. Masasaktan ko lang siya.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon