Fifty

19.7K 320 4
                                    

Chapter 50
Smiling

**

Habang hindi pa ako nagtatrabaho, inilaan ko na lang muna ang oras ko sa pag-aalaga kay Eunice. Dalawang araw na ang nakalipas mula noong may ipinakitang emosyon si Eunice. Pagkatapos no'n, wala namang ibang nagbago sa kanya.

Pinatingin na rin namin siya ulit sa doktor. Ayon sa kanya, isa iyon sa mga signs na maaaring malapit na siyang gumaling. Pinayuhan kami nito na ipagpatuloy lang ang pakikipag-usap sa kanya at ipagpatuloy ang pag-inom nito ng gamot. Maaari raw na makatulong sa kanya kung magpapatuloy iyon.

Dalawang araw na lang at magsisimula na ako sa trabaho. Sa bawat araw na magkasama kami ni Eunice, hindi ko nakalilimutang sabihin sa kanya na kinakailangan kong magtrabaho. I want to assure her that I'm not going to leave. Aalis lang ako para magtrabaho pagkatapos ay babalik din. Natatakot kasi akong baka umiyak na naman siya sa araw ng pagsisimula ko sa trabaho. Hindi ko naman siya pwedeng isama roon at mas lalong hindi ako pwedeng hindi magtrabaho. We need it for our future so I'm hoping that she'll understand.

Ngayong araw na ito ay naisipan kong dalhin siya sa lugar na pinupuntahan namin dati para mag-picnic. Hindi ko alam kung ganoon pa rin ang lugar na iyon o napatayuan na ba ng mga bahay. Kung sakaling napatayuan na nga, maghahanap na lang siguro ako ng ibang lugar.

Kaming dalawa lang ni Eunice ang aalis. Hindi ko na pinasama ang nurse pero nagdala ako ng mga kakailanganin ni Eunice. Isa pa, kaya ko naman siyang alagaan kahit mag-isa lang ako.

Inilagay ko na ang picnic basket sa loob ng kotse ko. Hindi naman kami pwedeng mag-bike ngayon 'di tulad nang dati. Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay nagpaalam na ako sa mga magulang ni Eunice at umalis.

Nang makarating kami sa dulo ng subdivision ay tama nga ang hinala ko. Napatayuan na roon ng mga bahay kaya naman nagpasya akong sa ibang lugar na lang dalhin si Eunice.

Dinala ko si Eunice sa lugar na madalas kong puntahan noon. Actually, hindi ko pa siya nadadala roon kahit kailan. Madalas akong pumunta roon sa tuwing gusto kong mapag-isa o kapag gusto kong mag-aral nang tahimik.

Mga ilang sandali lang ay nakarating na kami. Pagka-park ko ng sasakyan ay nilingon ko si Eunice. Ngumiti ako.

"Nandito na tayo," sabi ko sa kanya saka ko hinalikan ang kamay niya. "Dito ka muna. Iaayos ko lang ang mga dala natin."

Pagkasabi ko no'n ay bumaba ako ng sasakyan at kinuha sa likod ang mga dala namin. Bago ko inilatag ang picnic mat ay tiningnan ko muna ang buong paligid. Maliban sa mga puno sa 'di kalayuan ay wala namang ibang ipinagbago ang lugar na ito. Ganoon pa rin ang lake. Mayroon pa ring bangkang naroon sa isang gilid.

Kung tutuusin ay pwedeng pasyalan ang lugar na ito pero mas okay kung manatili na lang na ganito. Mas payapa at mas maganda. Kapag ginawa kasi itong pasyalan, siguradong marami lang magtatapon ng mga basura sa lake. Mabuti na lang at hindi naman ito ganoon kalapit sa syudad kaya walang nagpupunta rito.

Nang maiayos ko na ang mga dala namin ay kinuha ko na si Eunice sa sasakyan. Binuhat ko siya at inilapag sa picnic mat. Iniharap ko siya sa lake para mapagmasdan niya ito. Nginitian ko siya.

"Welcome to my safe haven," sabi ko. "Pasensya na kung ngayon lang kita dinala rito. Hindi kita madala rito noon kasi itinuring ko nang special place ang dulo ng subdivision kung saan tayo madalas noon. Pero dahil wala na iyon, ito na lang ang gawin nating special place nating dalawa."

Nakatingin pa rin siya nang diretso sa kung saan kaya nag-kwento na lang ako nang nag-kwento ng kung ano-ano sa kanya. Paminsan-minsan ay sinusubukan ko rin siyang pakainin at natutuwa talaga ako kapag nakikita kong kinakain niya ang ibinibigay ko.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon