Forty-One

17.3K 282 3
                                    

Chapter 41
Miss

**

Nagising ako kinabukasan nang makaramdam ng kung ano sa may bandang lalamunan ko. Para bang may gustong lumabas doon na galing sa tiyan ko. Napatayo ako agad at napatakbo papunta sa banyo. Napaluhod ako sa toilet bowl at sumuka nang sumuka.

Habang sumusuka ay nagulat ako nang may biglang humimas sa likod ko. Napalingon ako at nakahinga nang maluwag nang makitang si Niel lang iyon. Halata sa mukha niya ang pag-aalala.

Nang matapos akong sumuka ay inalalayan niya akong tumayo. Naghilamos ako at nagmumog. Iniabot niya sa akin ang tuwalya at pinunasan ko naman ang mukha ko. Nang matapos ay lumabas na kami sa banyo. Umupo ako sa kama at nilingon siya.

"Bakit nandito ka? Baka makita ka nila Mommy," sabi ko.

Umiling siya. "Don't worry. Sila ang nag-utos na papuntahin ako rito para gisingin ka. Ayoko sana dahil gusto kong magpahinga ka pa pero tanghali na at kailangan mo ring kumain ng breakfast."

Napatingin ako sa orasan at nakitang 9:30 AM na pala. Siguradong tapos na silang kumain. Napatingin naman ako kay Niel nang may maalala.

"Bakit pala nandito ka pa? 'Di ba dapat nasa trabaho ka na?" tanong ko.

"Day-off ko ngayon."

Napatango ako. Oo nga pala.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Do you still want to rest?" he asked. Umiling ako.

"Medyo inaantok pa ako pero okay lang. Kailangan ko rin kasing kumain."

Tumango siya. "Oo nga pala. Nakapagpa-check-up ka na ba? Kailangan nating malaman kung ano ang mga bawal sa'yo at ano ang dapat mong kainin."

"No need. Nagpasama na ako kina Saff at Bree. Nakabili na rin ako ng vitamins para sa akin. If you want to know what the doctor said, I have a list in my bag. Naroon lahat ng bawal at dapat kong kainin pati na rin ang mga nireseta niyang gamot. Ibibigay ko sa'yo mamaya."

Tumango siya. "Okay. Baba na tayo?"

Tumango ako at inalalayan naman niya ako sa pagtayo. Natigilan naman ako sa ginawa niya.

"Uh… Nate, okay lang kung huwag mo na akong alalayan. Baka mahalata nina Mommy at Daddy. Baka akalain nila may sakit ako o may masakit sa akin."

"Don't worry. Sa likod mo lang ako. Hindi ako magpapahalata," sagot niya.

Hinayaan ko na lang siya at nauna na akong lumabas ng kwarto. Nasa likod ko nga siya at nakasunod. Pagbaba namin ay napansin kong medyo tahimik. Siguro ay si Mommy na lang ang nandito. Pumasok na siguro sina Daddy, Lolo at Ate Bea sa trabaho.

Sinamahan ako ni Niel na kumain. Pagkatapos kumain ay naligo naman ako at nagbihis. Gusto pa nga sana niya akong samahan sa kwarto pero pinigilan ko siya sa takot na baka kung ano ang isipin ni Mommy. Kahit naman best friend ko siya, hindi pa rin siya pwedeng pumasok sa kwarto ko nang kami lang dalawa.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay nagpunta kami ni Niel sa likod-bahay para magpahangin. Nagpahanda siya roon ng meryenda. Nagningning ang mata ko nang makita ang melon na nakahain sa mesa. Agad ko iyong sinunggaban at kinain.

"Wala ka bang iba pang gustong kainin?" dinig kong tanong niya.

Umiling ako at kumain pa. Sa totoo lang, sa melon pa lang talaga ako nagce-crave ngayon. Siguro kung may iba pa akong paglilihiang pagkain, sa ibang araw ko pa hahanap-hanapin.

Habang kumakain ako ay may biglang sumagi sa isip ko.

"Nga pala, kailan natin kakausapin si Ate?" tanong ko.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon