Thirteen

18.4K 344 11
                                    

Chapter 13
Date

**

Mabilis na lumipas ang mga araw. Patuloy pa rin si Niel sa ginagawa niyang panliligaw sa akin. Nalaman din niyang tumigil na si Michael sa panliligaw sa'kin. Hindi na niya itinanong kung ano ang dahilan pero alam kong nagtataka siya kung bakit.

Well, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol sa napag-usapan namin ni Michael.

Kasalukuyan akong nasa classroom ngayon at nakikinig ng lecture. Nang matapos ang klase ay lumabas na agad ako ng room. Tumingin ako sa katabing classroom at nakitang hindi pa tapos ang klase ng mga kaibigan. I guess I have to wait for Brianna and Sapphire before eating lunch.

Habang hinihintay ko silang lumabas ay napatingin ako sa bulletin board. Napansin ko ang pagkukumpulan ng mga estudyante roon. Ano kayang meron? May bagong announcement ba? Is it important?

Out of curiosity, lumapit ako sa bulletin board. Pilit kong tiningnan ang nakapaskil doon. Mabuti na lang at umalis na ang nasa bandang harapan ko kaya malaya ko na iyong nakita. Binasa ko iyon.

What: Sunville High School Junior & Senior Prom
When: February 24
Where: Sunville High School Gym
Theme: Masquerade

All junior and senior students are required to attend the prom. No outsiders allowed. For more questions, please proceed to the faculty room or approach any student council members.

"JS Prom?"

Napalingon ako sa likod ko nang marinig ang nagsalita. Nasa likod ko na pala sina Bree at Saff. Nakatingin din sila sa bulletin board.

"Wow! Excited na 'ko. Gusto ko nang pumili ng dress!" masayang sabi ni Saff.

Napakunot-noo si Bree. "May three weeks pa bago 'yan, 'no. Sobrang excited lang?"

Inirapan ni Saff si Bree.

"Siyempre, magpapatahi ako. Kailangan ngayon pa lang pinagpaplanuhan na 'yan. Actually, may design na nga akong naiisip," sabi ni Saff at ngumiti nang malawak habang nakatingin sa taas.

Napailing na lang si Bree at bumaling sa'kin.

"Ikaw, Eunice? Anong balak mo? Bibili na lang ako ng dress ko. Ayoko nang mag-aksaya ng oras para mag-isip ng design," aniya.

Napaisip ako. Ano nga kayang maganda? Magpapatahi na lang or bumili na lang? Parang mas magastos kasi kapag magpapatahi pa.

"I don't know. I still have a lot of dresses at home. Kapag wala akong napili doon, baka bumili na lang din ako. Magastos rin kasi kung magpapatahi pa 'ko," sagot ko.

Napaismid si Saff. "Hmp! Para namang hindi kayo mayaman."

Natawa na lang ako. Palibhasa kasi, si Saff ang pinakamayaman sa'ming tatlo kaya ayos na ayos lang para sa kanya na gumastos siya nang gumastos.

Kinabukasan, niyaya ako ni Niel na mag-picnic ulit sa dulo ng subdivision. Bandang hapon kami nagpunta doon kung saan hindi na masyadong mainit.

Nang makababa ako sa bike niya ay inilatag ko na agad ang picnic blanket para makaupo na agad kami. Inilabas ko na rin ang mga pagkaing dala namin na nasa picnic basket. Tinulungan naman niya ako sa ginagawa ko.

Habang kumakain kami ng sandwich na gawa ni Mommy ay tinanong niya ako.

"How was your week?"

Nagkibit-balikat ako. "Katulad pa rin nang dati. Medyo dumadami nga lang ang inaasikaso namin ngayon dahil malapit na ang pre-final exams."

"Baka naman napapagod ka na?" nag-aalala niyang sabi.

I chuckled. "Ano ka ba? Normal lang naman ang ginagawa ko bilang estudyante lalo na at malapit na 'kong grumaduate. Para namang hindi mo pinagdaanan 'yon."

Tumawa rin siya.

"Yeah," aniya. Uminom ako ng tubig pagkatapos ay ako naman ang nagtanong.

"Ikaw? Kumusta naman ang week mo sa school?"

He shrugged. "Ayun. Madalas lang kitang naiisip habang nasa klase."

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ako ngayon. Mabuti na lang at may laman ang bibig ko ngayon dahil kung hindi ay baka kanina pa niya nakita ang malawak kong ngiti.

Tumikhim ako.

"Baka naman distraction na 'ko sa'yo?"

Umiling siya. "Of course, not. You are my inspiration. Sa tuwing naiisip kita, mas lalo lang akong ginaganahan. Kung pwede nga lang sanang mapabilis ko ang oras, gagawin ko para pagkatapos ng klase, makita na agad kita."

Enebe! Ang hirap kayang magpigil ng ngiti!

"Sus! Ewan ko sa'yo," sabi ko na lang. Natawa na lang siya. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Mga ilang sandali rin kaming tahimik na kumakain. Nagtaka ako kung bakit hindi na siya ngsasalita kaya tiningnan ko siya. Bahagya akong nasamid nang makitang nakatingin siya sa'kin. Agad naman niya akong inabutan ng tubig.

"Oh, anong nangyari sa'yo?" tanong niya habang pinapainom ako ng tubig.

Ikaw kasi, sabi ko sa isip ko.

"Bakit ka kasi nakatingin sa'kin?" tanong ko na lang.

Tumawa naman siya kaya inirapan ko siya. Tatawa-tawa siya diyan! Nakakailang kayang pinapanood niya ako habang kumakain.

"I can't help it. You're too cute."

Natigilan naman ako sa sinabi niya at pakiramdam ko ay sobrang pula ko na ngayon. Ako? Cute? Hindi ba mas okay kung maganda ako? Hehe.

"Tss! Bolero."

Tumawa na lang siya nang tumawa. Grabe, masyado siyang masaya, ha?

Mga ilang sandali lang ay tumahimik na siya. Ayan, mabuti naman. Tawa-tawa ka diyan, ikaw lang masaya? Paano naman ako?

"Nga pala, may gagawin ka ba sa Valentine's Day?" tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Valentine's Day? Oo nga pala. Malapit na nga pala iyon. Mauuna nga pala iyon bago ang prom.

Umiling ako. "Hmm, siguro gagawin lang namin 'yong dati naming ginagawa nina Bree. Wala rin naman silang boyfriend so basically, kaming tatlo ulit ang magsasama-sama. Why?"

Napaiwas siya ng tingin. "I want to date you."

Nanlaki ang mata ko. "Huh?"

Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko.

"I want to date you on Valentine's Day. Kahit patago lang. I can take you to a place where no one knows us. Kung saan pwede tayong mag-enjoy nang tayong dalawa lang. I want to be with you on that day. Pwede ba 'yon?" tanong niya.

Napaisip ako. Gusto ko rin no'n. Ang makasama siya sa araw ng mga puso ay gusto ko rin.

Tuwing Valentine's Day ay lagi kong kasama sina Bree at Saff. Kaming tatlo ang laging nagde-date. Wala naman kasi kaming boyfriend o manliligaw na magyayaya sa amin ng date.

Pero ngayon, nandito si Niel. He's asking me out on a date. I want to go with him. Pero kailangan kong magpaalam kay Daddy. Ano namang sasabihin ko? Pati sina Saff at Bree ay kailangan ko ring kausapin. Ano ang sasabihin ko sa kanila?

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang pagbuntong-hininga ni Niel. Napatingin ako sa kanya.

"Don't worry. Pwede mo pa namang pag-isipan. May dalawang linggo pa naman bago 'yon. You can talk to Sapphire and Brianna if you want," he said. I sighed and smiled. Mabuti na lang naiintindihan niya.

Tumango ako. "Okay. Thank you. Sasabihan na lang kita agad."

Tumango siya at ngumiti. Pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ko. Napapikit ako sa ginawa niya.

I just hope my friends will understand. At sana makaisip ako ng sasabihin kay Daddy para payagan niya ako.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora