Thirty-Five

19K 333 14
                                    

Chapter 35
Mistress

**

Matapos kong mahimasmasan ay bumalik na rin ako agad sa function hall. Bago iyon ay dumaan muna ako sa comfort room para ayusin ang sarili ko. Nang matapos ay saka ako bumalik sa reception.

Nang matapos ang reception ay umuwi na rin kami sa bahay. Nasa isang van lang kami ni Niel kasama sina Mommy, Daddy, Lolo at Eunice. Pansin ko ang pagiging  tahimik ni Eunice sa biyahe. Nakatingin lang siya sa bintana.

Pansamantala kaming titira ni Niel sa bahay habang wala pa siyang naipupundar. Ayos lang naman sa akin dahil masyadong awkward para sa akin kapag tumira kami sa iisang bahay. Kaya lang, inaalala ko si Eunice. Kakayanin niya kayang makita si Niel araw-araw sa bahay? Of course, she will. Iyon nga lang, alam kong mahihirapan siya lalo na at mukhang galit si Niel sa kanya. Sana lang ay magkaayos pa rin sila.

Nang makarating kami sa bahay ay nauna na si Eunice sa pagbaba. Hindi na ako umalma dahil marahil ay masyado na siyang pagod sa araw na ito. Maski ako ay gusto na ring magpahinga sa sobrang pagod. Gusto ko na ring magpalit ng damit dahil nabibigatan na talaga ako sa suot kong wedding gown.

Matapos naming magpaalam kina Mommy, Daddy at Lolo na matutulog na ay agad na rin akong umakyat papunta sa kwarto. Sumunod naman sa akin si Niel sa kwartong nakalaan para sa amin. Sa malaking guestroom ang magiging kwarto namin. Inilipat na rin doon ang mga gamit ko na nasa dati kong kwarto. Naroon na rin ang ibang gamit ni Niel. Sina Mommy na ang nag-ayos ng lahat ng iyon bago pa man ang kasal.

Pagpasok sa kwarto ay binalingan ko si Niel. Nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa akin na parang may gusto siyang sabihin. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

"Sa sofa na lang ako matutulog," aniya.

Napatingin ako sa sofa na nasa kwarto. Oo nga pala. May sofa nga pala rito. And here I am, thinking that I should probably sleep on the floor. Pero nakakahiya naman sa kanya kung siya ang matutulog sa sofa.

Umiling ako at ngumiti. "Hindi na. Ako na lang doon. Ikaw na lang sa kama."

"No. Ikaw na sa kama. Ayos na ako sa sofa. Besides, you're a girl. Hindi nararapat sa'yo na matulog kung saan-saan."

Napatango-tango ako. Well, okay. Hindi ko na lang siya pipilitin tutal ay gusto ko rin namang sa kama na lang mahiga. Masakit rin kasi sa likod kapag sa sofa ako natulog.

"Okay, then. If you want, ikaw na lang ang maunang mag-shower. Magpapahinga lang ako saglit," sabi ko kahit na ang totoo ay gusto ko nang matulog. Pero dahil sa kama ako matutulog ay hahayaan kong mauna na siyang mag-shower.

Tumango naman siya. "Okay."

Ganoon nga ang ginawa niya. Habang hinihintay siyang matapos ay inabala ko muna ang sarili ko sa pag-open ng SNS accounts ko. Nakita ko naman ang post ni Angelo sa Twitter.

Be happy.

Iyon lamang ang nakalagay pero alam kong ako ang tinutukoy niya. How can I be happy if he's not with me? How can I be happy if I know that I've hurt him so much?

Dahil sa depression na naramdaman ay nag-log-out na lang ako. Ayoko na lang munang isipin ang tungkol sa nangyari kanina. Sakto namang katatapos lang ni Niel na mag-shower kaya tumayo ako para mag-shower na rin.

Nang matapos akong mag-shower ay wala na roon si Niel sa kwarto. Ang tanging nakita ko ay ang unan at kumot niyang nakahanda sa sofa. Saan kaya siya nagpunta? Baka bumaba lang?

Nagkibit-balikat ako at pinatay na ang ilaw. Lampshade na lang ang iniwan kong bukas. Aakyat din naman siya mamaya. Matutulog na ako.

**

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon