Thirty-Three

16.8K 293 68
                                    

Chapter 33
Emotions

**

"Anong... sinabi mo?" tanong niya. I sighed.

"Ang sabi ko, maghiwalay na ta—"

"No! Hindi, Eunice. Kung iyon lang ang sasabihin mo, aalis na ako," aniya saka tumayo para umalis. Pero bago pa man siya makaalis ay pinigilan ko siya.

"Niel, makinig ka! Kailangan na nating maghiwalay," sabi ko habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang lumabas mula sa mga mata ko.

"For what? Para saan, Eunice? Para matuloy ang kasal namin ng Ate mo? Iyan lang ba ang naisip mong paraan? Ang makipaghiwalay sa akin?" tanong niya. Kahit na gaano kakalmado ang boses niya habang sinasabi iyon ay halata naman sa mukha niya ang galit at hinanakit.

Napapikit ako. "I'm sorry."

Mga ilang sandali pa ang nakalipas bago siya nagsalita. Tumango siya na para bang may napagtanto siyang gawin. Napakunot-noo ako.

"That's it. I'm gonna tell them about us."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Nagsimula na ulit siyang maglakad pero agad ding natigilan nang marinig niya ang sinabi ko.

"Aalis ako. Kapag ginawa mo iyan, aalis ako at hindi na ako magpapakita sa'yo. I swear, Nate, kahit kailan hindi mo na ako makikita."

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Halata ang panghihina niya matapos niyang marinig ang sinabi ko. Napaiwas ako ng tingin.

"Why do you have to do this, Eunice? Alam mong mahal na mahal kita. Bakit kailangan mong gawin sa akin 'to? Alam mo, hindi na kita maintindihan, eh. You told me you love me. Tapos ngayon gusto mong magkahiwalay tayo? Eunice, mahal mo ba talaga ako?"

Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Para bang pinagdududahan niya ang pagmamahal ko sa kanya. And I can't blame him for doubting me.

"Mahal kita, Nate. I love you—"

"If you love me, you'll fight for me. You'll fight with me. Pero ngayon nakikipaghiwalay ka? Eunice, pumayag akong itago natin ang relasyon natin ng apat na taon. Kahit gustong-gusto ko nang ipaalam sa lahat na tayo na, hindi ko ginawa kasi ikaw ang iniisip ko. Mahal kita. Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, pumayag ako sa gusto mo kasi ayokong mawala ka sa akin. Tapos ngayon, gusto mong maghiwalay na tayo? Eunice, wala lang ba para sa'yo ang apat na taon na iyon?"

Tiningnan ko siya pero agad din akong napapikit dahil hindi ko kayang makita ang mga mata niyang nakatingin sa akin ngayon na punong-puno ng hinanakit. Hindi ako makasagot dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pero pinilit ko pa rin ang sarili kong sumagot dahil ayokong isipin niyang kahit kailan ay hindi ko siya minahal.

"Nate, you are the best thing that ever happened to me. Iyong apat na taon na kasama kita ay ipinagpapasalamat ko sa Panginoon. Nagpapasalamat ako dahil naramdaman ko ang pagmamahal mo. Nagpapasalamat ako dahil naging masaya ako sa loob ng apat na taon na iyon. I treasure it so much."

"Kung ganoon, bakit parang ang dali lang para sa'yo na itapon ang lahat ng iyon? Bakit, Eunice? Am I not enough? Kulang pa ba?"

Umiling ako nang paulit-ulit. "You are more than enough, Nate."

"Kung ganoon, anong dahilan at bakit mo kailangang makipaghiwalay sa akin?" iritado niyang tanong.

"Dahil ikakasal ka na!"

Nanliit ang mata niya sa akin. "Iyon lang? Iyon lang ang dahilan? Eunice, if you'll fight with me, hindi naman matutuloy ang kasal, eh. If you'll just trust me, we can do this together!"

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon