Nineteen

14.1K 286 10
                                    

Chapter 19
Miss

**

Narinig ko ang mga mahinang pagkatok at pagtawag sa'kin sa labas ng kwarto ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ang sinag ng araw mula sa bintana ang unang bumungad sa akin. Kinusot ko ang mga mata ko.

"Eunice? Tumayo ka na diyan. Kakain na raw sabi ni Mommy," dinig kong tawag ni Ate Bea mula sa labas ng kwarto ko.

"Sige, Ate. Susunod na 'ko," sagot ko. Narinig ko naman ang yapak ng mga paa niya hudyat na paalis na siya.

Umupo ako sa kama at nag-inat. Pagkatapos ay tumayo ako at nagpunta sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Pagpasok ko sa loob ng banyo ay tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Napabuntong-hininga ako.

Namumula ang mga mata ko. Anong oras na rin akong nakatulog kagabi kakaisip sa nakita ko kahapon. Bukod pa doon ay hindi ko rin maiwasang umiyak maya't maya dahil ang sakit makitang may kasama siyang iba. And it's not just anyone. It's a girl. Until now, I'm still wondering who that girl is and her relationship with Niel.

Kung tutuusin, hindi ko naman dapat na iniisip iyon dahil may kasama naman silang dalawang lalaki kahapon. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip lalo na at nakita kong ang saya-saya niya habang kasama ang babaeng 'yon. Dagdag pa na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako tinatawagan o tini-text man lang. Pakiramdam ko tuloy, nakalimutan na niya 'ko.

I sighed heavily and shook my head. I shouldn't be thinking about that. Kung nakalimutan na niya ako, eh 'di kakalimutan ko na lang din siya. Hindi siya kawalan! Ang dami-dami namang lalaki diyan na pwede kong magustuhan, eh!

Another thing, I shouldn't be acting like this. We're not in a relationship. Ako lang naman 'yong babaeng nililigawan niya. Hindi ko siya masisisi kung sa huli ay magsasawa siya sa paghihintay para sagutin ko siya.

But still, it hurts because I really like him.

Mabuti na lang at Sabado ngayon kaya hindi ko kailangang pumasok sa school. Isa pa, sa Lunes pa naman ang start ng practice namin para sa graduation.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa dining room. Naroon na sina Daddy at Mommy, pati na rin si Ate Bea na kasalukuyang kumakain. Tumabi na rin ako para makakain.

Bandang hapon nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Niel. Aba, himala. Mabuti naalala pa niya ako. Hmp!

From: Nate
Hi! Are you free? Papunta ako sa inyo ngayon. I have news for you.

Aba! Ngayon naman naisipan niyang pumunta rito? Eh, 'di pumunta siya. Wala akong paki. Saka news? Anong klaseng news? Sila na ng bagong nililigawan niya? Tss!

Sa inis ko ay hindi ko siya ni-reply-an. Bahala siya diyan. Aalis ako bago pa niya ako maabutan dito.

Tumayo ako at nagpaalam kay Mommy na pupunta lang ako kina Saff. Dahil kapitbahay ko lang naman sila ay hindi na ako nagpalit ng damit. Naka-shorts lang ako at naka-white shirt na medyo maluwag sa akin. Tinext ko na rin si Bree na pumunta siya kina Saff ngayon.

Nang makalabas ako ng gate ay agad akong dumiretso kina Saff. Pero nasa tapat pa lang ako ng bahay namin ay may biglang tumawag sa akin.

"Eunice!"

Imbes na lumingon ay mas binilisan ko ang lakad ko. Kilala ko kung kanino ang boses na iyon. Kaya hindi ako lilingon.

"Eunice, sandali!"

Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko. Naabutan na pala niya ako. I cleared my throat and forced a smile.

"Oh, Nate! Ikaw pala. Akala ko kung sino 'yong tumatawag sa'kin, eh. Bakit ka pala nandito?" tanong ko.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon