Ten

25.3K 440 8
                                    

Chapter 10
Future Girlfriend

**

Sumapit na ang bagong taon at oras na para bumalik sa klase matapos ang Christmas break. As usual, maaga na naman akong nagising para sa pagpasok. At ang unang bumungad sa'kin ay ang text ni Niel na binabati ako ng 'Good morning'.

Napangiti ako. Ang sarap pala sa feeling na binabati ka ng taong mahalaga sa'yo sa paggising mo sa umaga. Ni-reply-an ko siya at binati rin.

To: Nate
Good morning, Nate!

Pagkatapos kong mag-reply ay nag-inat ako at tumayo. Dumiretso na ako sa banyo para makaligo at makapaghanda na sa pagpasok ko sa school. Napabalik pa nga ako sa kwarto dahil nakalimutan kong dalhin ang cellphone ko. Mahirap na, baka mag-reply siya at hindi ko mareply-an agad. Hehe.

Habang naliligo naman ako ay maya't maya kong tinitingnan ang cellphone ko. Pero bakit gano'n? Bakit hindi siya nagre-reply? Baka naman nag-aayos din siya? Ngayon din ang balik nila sa klase sa pagkakaalam ko. O baka naman late receiver lang ako?

Nang matapos akong maligo ay kinuha ko agad ang cellphone ko. Pagbukas ko ay nanlaki ang mata ko nang makitang may reply siya, ten minutes ago. Pero bakit hindi man lang tumunog ang cellphone ko?

Saka ko na-realize na naka-silent pala ang cellphone ko. Natawa na lang ako sa sarili ko. Ang tanga ko talaga! Binasa ko ang message niya.

From: Nate
Please eat now, beautiful. Have a nice day!

To: Nate
I will. Have a nice day rin.

Pagkatapos ng message na iyon ay lumabas na ako ng banyo at nagbihis. Nang matapos ay bumaba na ako at dumiretso sa dining room kung saan naroon na sina Ate pati na rin sina Mommy at Daddy. They all greeted me.

"Good morning, bunso!" bati ni Ate Bea na sinundan din ng bati nina Mommy at Daddy. Ngumiti ako at binati sila habang umuupo sa upuan. Pagakatapos ay nagsimula na akong kumain.

Makalipas naman ang ilang minuto ay tumayo na ako para umalis. Pero bago pa man ako makaalis ay tinawag ako ni Daddy.

"Eunice, sumabay na kayo sa'kin ng Ate mo. I'll give you a ride to school," he said.

Tumango ako. "Okay po."

Tinext ko na lang si Saff at Bree na hindi ako makakasabay sa kanila sa pagpasok dahil ihahatid ako ni Daddy. Kaya nang matapos kumain sina Ate ay hinatid na nga kami ni Daddy sa school bago siya tumuloy sa kompanya.

Una akong inihatid ni Daddy bago si Ate. Pagdating ko sa school ay nakita kong nasa gate sina Saff at Bree. Nang makita nila ako ay umaliwalas ang mga mukha nila. Mukhang ako ang hinihintay nila. Agad ko naman silang nilapitan.

"Hi! Kanina pa kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

Umiling si Bree. "Halos magkasunod lang naman tayo."

"Tara na, girls. Malapit nang mag-flag ceremony," sabi ni Saff kaya sumunod na kami sa kanya.

Habang naglalakad kami papunta sa classroom ay ikinuwento ni Saff at Bree ang naging bakasyon nila. Si Saff ay nagbakasyon kasama ang Lola niya sa Palawan. Silang dalawa lang kasama ang dalawa pa nilang katulong dahil hindi na naman nakauwi ang parents niya noong Pasko. Inis na inis na naman nga siya dahil ilang taon na ring hindi umuuwi ang parents niya.

Si Bree naman ay kasama ang family niya na nagbakasyon sa probinsya nila. Lumuwas lang siyang mag-isa noong December 28 dahil sa isang K-pop event na pinuntahan niya rito sa Manila pagkatapos ay lumuwas din siya pabalik.

Parang pinagod niya lang ang sarili niya. Hindi talaga niya palalagpasin ang mga K-pop events na meron, eh. Fangirl na fangirl kasi talaga siya. Kaya nga kahit mahiyain siya, ang dami pa rin niyang friends. Ang iba nga raw ay nasa K-pop world. Hindi ko naman talaga alam kung anong mayroon doon.

Everything Has Changed (The Neighbors Series #1 - Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon