Kabanata 29

28.8K 696 33
                                    


Muli akong napahinga nang malalim habang patuloy sa pagbagsak ang luha ko.

Nandito na kami ngayon ni Yssa sa may parking lot ng company, nakasakay na kami sa sasakyan pero panay pa rin ang ang paglabas ng luha ko.

Hindi ko ma mapa-andar ang kotse dahil kanina pa humaharang si Troy sa dadaanan dapat ng sasakyan. Kanina pa rin siya katok ng katok sa bintana ng sasakyan pero hindi ko siya pinapansin.

"Reign, Pakinggan mo na kasi si Yagba.."

Imbes na lalo akong mapa-iyak ay napatawa naman ako dahil sankalokohang naiisip ng kabigan ko.

"Yssa naman!"

"Kanina pa kaya siya katok ng katok at kanina pa rin tayo nandito sa sasakyan at kung hindi ka titigil sa pag-iyak maloloka na talaga ako!!"

Mabilis naman ako nagpunas ng luha ko at saka binatukan ang kaibigan ko.

"Ayoko ngang kausapin ang isang iyan! Ayoko siyang pakinggan dahil sinungaling siya!"

Kibit-balikat lang si Yssa.

"Paano nga naman kayo magkaka-intindihang dalawa? Eh ikaw, hindi mo siya pinapakinggan, paano kung hindi naman pala talaga totoo ang akusasyon mo kay Troy?"

"Yssa! Nakita ko! Nakita mismo ng dalawang mata ko na magkasama sila sa condo unit ni Troy! At sinabi mismo sa akin ni Althea na buntis siya at ang Ama ng dinadala niya ay si Troy! Sa tingin mo, paano ko pa maiintindihan si Troy?"

Muli akong napatingin sa bintana habang kumakatok-katok si Troy.

Hindi na ako sinagot ni Yssa, sa halip ay nag-cellphone na lang siya. Muli naman akong napatingin sa bintana ng sasakyan at saka napahinga ng malalim bago binuksan ang pintuan at saka bumaba ng sasakyan.

"Reign! P-Please listen to me..."

I just nodded at saka sumandal sa sasakyan. Ni wala akong kahit na anong imik sa kanya.

Hinintay ko lang siyang magsalita habang ang mga mata ay nakatutok sa mukha niya,

"Sorry for hurting you... I'm so sorry..." Napalunok ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinaghahalikan iyon, pero mabilis ko naman iyong binawi.

"Ano? Magpaliwanag ka na!"

"R-Reign... I love you--"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil agad dumapo ang palad ko sa pisngi niya, "Fuck you!"

"I know how fucked I am, but I am begging you to hear me first baby.."

"Bakit mo ako niligawan?"

Bahagyang napakunot ang noo ko nang makita ko ang pagtulo ng luha ni Troy, "Noon pa man, mahal na mahal ko si Althea. Na kahit na anong mangyari ay mamahalin ko siya, kaya 'nong nag-break kami dahil sa 'yo ay halos hindi ko na kinaya kaya gumawa ako ng paraan para mapa-sa akin ulit si Althea, nag-kunwaring tayo pero feeling ko hindi naman um-e-effect kay Althea kaya niligawan kita..."

Saglit na napatigil sa pagsasalita si Troy nang punasan niya ang mukha niya gamit ang laylayan ng t-shirt niya, "Niligawan kita dahil sa tingin ko ayun na lang ang oaraan para mabawi ko si Althea sa akin, H-Hindi nga ako nagkamali dahil sinagot mo na ako at mahal na mahal mo na ako, Dahil 'yun ang sinabi mo sa akin,"

Muli kong pinunasan ang luha ko at saka nagsalita ulit

"Ginamit mo lang talaga ako?"

"N-Noong una, inaamin ko na ginamit lang kita pero maniwala ka sakin, habang tumatagal ay minamahal na kita.."

"Niligawan mo ako because of that? Alam mo ba kung gaano kasakit ha?!" Pilit kong sinusuntok ang dibdib niya ng paulit-ulit pero sa halip na pumalag sa akin ay pinipilit na lamang niya akong yakapin.

"I-I know, I know..."

"Ang sakit eh! A-Ako lang pala ang nagmamahal sa ating dalawa.."

"M-Minahal din naman kita.. I've realized na hindi pala talaga kita kayang maniwala kaya--"

Hindi ko na napatapos pa ang pagsasalita siya at muli ko na namamn siyang nasampal, "Tangina?!" Muli kong pinunasan ang luha ko, bago muling magsalita, "Kung minahal mo ako?! Bakit nangyari ito?!"

"Y-Yung nangyari sa amin ni Althea, pagkakamali lang 'yon believe me.."

"Tangina.." Napatakip na ako sa mukha ko at halos mabura na ng luha ko ang mukha ko, "T-Totoo nga?"

Napa-tungo si Troy at hindi na nakasagot pa sa akin kaya mas lalo akong napa-iayak at napaharap na lamang sa sasakyan ko.

"P-Paano na ngayon 'yan? Magkakapamilya ka na pala..."

Mas lalo akong napa-iyak nang maramdaman ko siya sa likod ko, "R-Reign, please h-hindi ko kayang mawala sa akin,"

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at saka hinarap siya, "W-Wala nang dahilan para mag-stay pa ako sa 'yo.."

"R-Reign..."

"T-Troy, please tama na, Ayoko na eh."

"R-Reign, 'Wag ganyan..." Hinawakan ni Troy ang kamay ko at dinala ito sa dibdib niya.

Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang luha ko hanggang sa unti-unti kong bawiin ang kamay ko sa kanya. "I will set you free. Palayain na natin ang isa't-isa."

SAME MISTAKES {Completed}Where stories live. Discover now