Kabanata 17

29.3K 680 10
                                    

Araw ng Lunes.

"Reign, bakit parang ang lungkot mo ngayon?"

Napatingin ako sa nagsalitang si Yssa na katabi ko pala. Hindi ko man lang namamalayan na katabi ko na pala siya dito sa pwesto ko.

Umiling ako at saka muling tumingin sa white board sa aming harapan.

"LQ kayo noh?"

Umiling muli ako.

Narinig ko pa ang pagsinghap ni Yssa sa tabi ko, na mukhang suko na sa pangungulit sa akin.

Wala naman kasi akong dapat na aminin kay yssa dahil, wala namang namamagitan talaga sa amin ni Troy. Kapag lang naman nandyan si Althea ay doon lang kami nagkakapalagayan ng loob ni Troy, pero hindi na ngayon. Mahigit isang linggo na kasi nang huli kong maka-usap si Troy.

Araw-araw ko naman siyang nakikita, katunayan nga ay katabi ko pa siya ng upuan, pero sa mahigit na isang linggong iyon ay hindi kami nagpapansinang dalawa, hindi ko rin kasi alam kung paano ko siya kakausapin at kung paano ako hihingi ng sorry sa kanya.

Hindi ko naman alam kung ano ang dapat niyang ikagalit sa akin ng sobra para humingi ako ng sorry sa kanya pero kung yun lang ang paraan para magkaayos kaming dalawa ay gagawin ko. Ayoko na kasi ng ganito, hindi ako sanay na hindi ako kinukulit ni Troy, hindi ako sanay na hindi siya nakakausap.

"Reign.. si Troy nasa labas." Agad kong itinaas ang paningin ko patungo sa labas.

Hinanap ko si Troy sa paningin ko pero hindi ko naman siya nakita kaya naisip ko na pinagti-tripan lang ako nito ni Yssa at tama nga ang hinala ko.

"Hahahahaha sabi ko na nga ba eh... Yiieeeee ikaw Reign ah! Aminin mo na kasi."

Hanggang sa dumating ang professor namin sa Rizal. Halos magkasabay nga lang na pumasok Si Prof. Pati na rin ang kanina ko pa pinakahihintay.

Si Troy.

Saglit kong binalingan ng tingin ang katabi kong upuan na para kay Troy, pero nang muli kong balingan ng tingin si Troy ay sa iba na siya nakaupo.

Matagal bago ako matapos sa pagtitig sa kanya. Malayo siya sa pwesto ko, mukhang ayaw niya nga akong makatabi.

Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa pisngi ko. Peste! Ganung katindi ba talaga ang galit sa akin ni Troy at pati pagtabi niya sa akin ay hindi na niya kayang gawin, kahit nga tignan man lang niya ako ay hindi niya magawa-gawa.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at agad itong pasimpleng ipinunas sa mata pati na ang pisngi ko.

Habang nagtuturo ang professor ay hindi ako makapag-concentrate sa lesson. Nakikita ko kasi kung paano maglandian si Troy pati na rin ang katabi nitong babae na si Ayah.

Ang haliparot na Ayah na iyon ay lalandi rin pala sa Troy ko...

"Hoy... reign! Okay ka lang ba?" Pabulong sa sabi sa akin ni Yssa.

Tumango ako sa kanya bago hirap na lumunok. Nakakainis! Nakisabay pa talaga ang sakit kong toncilitis ngayon!

"Ang init-init mo gaga ka! Dapat kasi ay hindi ka na pumasok eh,"

Umiling ako. "Okay lang ako, Yssa.." Sabi ko.

Narinig ko na naman ang pagbubuntong hininga ng kaibigan ko at saka muli na siyang tumingin sa harapan. Ako naman ay tila mas lalong sumasama ang pakiramdam, hindi na naman kasi ako nakainom ng gamot kaninnag umaga kaya hindi dire-diretso ang paggaling ko.

Habang naglelesson si Prof ay hindi ko talaga maiwasang hindi mapatingin mula sa pwesto nina Troy pati na rin ng Ayah na iyon. Nagbubulungan silang dalawa at magkatabing-magkatabi pa talaga sila.

Hanggang sa matapos ang klase ay ganun pa rin silang dalawa.

Tumayo ako at saka kinuha ang bag ko. Naramdaman ko pa ang unti-unting pagdidilim ng mata ko, parang gustong-gusto ko na munang matulog.

Kinuha ko rin ang lunch box ko na nasa arm chair ko, may dala kasi akong dalawang pagkain. Isa para sa akin at isa sana para kay Troy, balak ko sana itong ibigay sa kanya para pang peace offering lang ba sa kanya, katunayan nga ay kanina ko pa siya hinahanap sa canteen pero hindi ko naman mahagilap. Hindi ko na siya tinangkang hanapin siya kaninang breaktime dahil sumbora na rin ang sama ng pakiramdam ko.

"Reign! Ano, okay ka lang ba?" Narinig ko ang malakas na boses ni Yssa sa tabi ko, hawak-hawak niya ang kamay ko at ang isang kamay niya naman ay nasa may bandang noo ko.

"O-Okay lang ako,"

Muli kong tinapunan ng tingin si Troy na ngayon ay nakikipagkulitan na sa Ayah na iyon. Kaya sumabay na ako kay Yssa na ngayon ay nasa may pintuan na pero bago ko pa maihakbang ang sarili ko ay unti-unti na talagang lumalabo ang paningin ko hanggang sa maging blangko na nang tuluyan ang mga ito.

"Reign!"


SAME MISTAKES {Completed}Where stories live. Discover now