Kabanata 33

30.7K 628 24
                                    

Unedited

Hindi nga ako nananaginip. Naka-ilang beses 'ko pang kinurot ang sarili ko para lang makasiguradong totoo ang lahat ng mga nangyari kagabi.

Kakagising ko lang at ngayon ko lang na-realized ang mga nangyari kagabi. Hindi nga ako pwedeng magkamali. "What's with that face?"

Napabaling ang aking atensyon kay Kuya na kumakain kasama ni Ate Adelle, Ang asawa niya. Kabababa ko lang kasi galing sa kwarto ko, "What's wrong?" He added.

"Wala Kuya, nabitin lang siguro ako mula sa pagkakatulog." Ngiti ko at saka binati si Ate Adelle, "Hi Ate! Good morning!"

"Good morning, Reign! Sumabay ka na sa aming kumain."

Umupo ako sa isang silya at nakisabay na 'ring kumain sa kanila, "Tulog pa si Baby Daniel?" Tanong ko sa kanila.

May anak na kasi sila Kuya at si Ate Adelle, "Tulog pa. " Sagot sa akin ni Kuya.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na 'rin naman ako sa kanila. Kailangan ko na 'rin kasing pumasok sa trabaho dahil marami pa akong kailangang tapusin pang mga gawain.

Mabilis lang naman ang biyahe ko patungo sa opisina, Pagkarating ko nga doon ay agad akong tumutok sa ginagawa ko. Panaka-naka ko rin namang ichi-ne-check ang cellphone ko kung mayroong text si Pierce sa akin pero wala naman, siguro'y sobrang busy rin talaga niya sa trabaho niya.

Puro pilipino rin pala ang mga ka-trabaho ko rito sa konpanya nila Daddy. Mas gusto kasi nila na Pinoy at Pinay nagtatarabaho sa kanila, kaya pati nga ang secretary ko ay Pinay din.

Bandang alas diyes ng umaga nang katukin ako ng aking secretary, "Ma'am, pasensya na po, pero kanina pa po may nagwawala sa baba. Magpapakamatay po siya kapag hindi mo 'raw kinausap."

Mabilis akong napakunot noo nang marinig ko ang sinabi niya, "What?! Anong magpapakamatay?"

Sunod-sunod na napatango na lamang ang aking secretary, "Opo, Ma'am! Inaawat na nga po ng mga guard, pero ayaw naman magpapigil."

Tumayo nanako at inilapag sa mesa ang hawak kong mga papeles, "Sino ba 'yan? Dati ba nating empleyado 'yan?" Tanong ko habang dire-diretso sa paglalakad.

"Naku, Ma'am." Bahagya pa akong napa-irap nang hampasin pa noya ang braso ko pero hindi ko na lamang pinansin 'yon, baka nadala lang ng emption ang secretary ko, "Ang pogi po, Ma'am! Jusko Ma'am! Emeged!"

Tuluyan na akong napa-irapa at agad namang napansin ni Kate 'yon. "Secretary kita 'diba?"

"Ay, hehe sorry po, Ma'am."

Pagkarating ko sa baba ay sumalubong sa akin ang mga guard at si Troy?!?!!

"Papasukin n'yo sabi ako eh!"

Napahawak ako sa aking sentido nang makita ko si Troy na nagwawala nga. "Sir, hindi po kasi pwede dito ang lasing."

"Tangina! Pare, Ito?!" Sabi niya sabay turo sa mukha niya, "Itong mukhang 'to, lasing?! Baka ikaw?!"

Napasandal na lamang ako sa dingding habang ang iniekis ang aking kamay sanaking dibdib. Naka-irap lamang ako habang nakatingin sa kanya, "Ano ba?! Papasukin n'yo na ako!"

Hindi ko pa 'rin iniaalis ang paningin ko sa kanya hanggang sa mapadako ang tingin niya sa akin. Agad na nanlaki ang mata niya at kita ko ang panginginig ng lahi niya habang nakatingin sa akin.

"Uhh- Eh- hehehe..."

Mas lalo akong napa-irap nang makita kong kumamot-kamot na lamang si Troy.

Nang mapansin naman ako ng mga guard ay agad rin naman silang nagsalita, "Ma'am! Kanina pa po kasi nagwawala-"

"Anong nagwawala?!" Ani Troy.

"Ayaw po kasing mapaawat ni Sor. Hindi po kasi siya pwedeng pumasok dahil-"

"Anong hindi pwedeng pumasok?! Bakit? Bawal ba ang pogi sa inyo ha?!"

Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya at saka ko siya binatukan, "Aray! Masakit 'yun ah!"

"Bakit ka ba nandito? May trabaho kami dito at kung gusto mong gumawa ng kalokohan ay 'wag dito!"

Nang tignan ko si Troy ay bahagya siyang napanguso. Napa-iling na lamang ako nang maalala ko ang nakaraan, mukhang hindi talaga siya nagbago.

"G-Gusto lang naman kitang maka-usap!" Aniya at saka napakamot pa sa batok niya, para tuloy tanga tignan, "Ayaw lang ako papasukin ng mga guard na 'to! Badtrip ampucha."

Aamba pang manununtok si Troy ng guard pero agad kong hinila ang tainga niya. "Aray! Reign! Masakit 'yun ah!"

"Tumigil kang tonta ka! Umuwi ka na nga!"

"P-Pero..."

Inilabas niya ang isang piraso na bulaklak na nakalagay pala sa likod bulsa niya, Ibinigay niya sa akin iyon at iniabot ko naman, nakita konpa ang pagngisi niya at nang matanggap ko na ang bulaklak ay agad kong hinampas sa mukha niya. "Uwi na sabi eh!"

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon