Kabanata 26

28.1K 655 37
                                    


Nawala ang kanina lang ay masayang ngiti ni Troy kay Althea, napakurap pa ako ng ilang beses para lang masigurado, kung totoo lahat ng nakikita ko.

"R—Reign..."

Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko at mabilis kong pinunasan ang nagbabadyang luha ko.

"Hi Reign, pasok ka muna." Ani Althea, mabilis akong umiling at pinilit na lakasan ang loob ko.

"R—Reign....."

Napako ang tingin ko sa kanila lalo na nang yakapin ni Althea si Troy mula sa gilid niya, "Baby, nasabi mo na ba sa kanya?"

Umiling si Troy at bakas sa mukha niya ang kung anong emosyon mula 'ron, "Reign...."

Napayuko ako at kasabay 'non ang muling pagpatak ng luha ko.

"Reign.. I'm two weeks pregnant, We're glad na magiging magulang na kami ni Troy..." Halos mapako ako sa aking kinatatayuan nang sabihin ni Althea ang katagang iyon, ni tila walang lumalabas na kahit anong boses sa bibig ko. "Baby, hindi mo pa pala nasasabi sa kanya? I thought sinabi mo na last week sa kanya..."

Napailing-iling ako na halos hindi makapaniwala sa naririnig. Pinilit ko na magpakatatag sa harapan nila, kahit ang sakit-sakit na.

"....And thank you pala sa 'yo, kung hindi dahil sa 'yo. Sa pagkukunwari na kayo ni Troy ay hindi ako makakabalik sa taong mahal na mahal ko. Thank you so much Reign!"

Halos mapanganga ako sa gulat at hindi makapaniwala sa naririnig ko. Nagulat na lamang ako nang yakapin ako ni Reign ng mahigpit.

Napatingin ako sa napatungangang si Troy na halos mawala na sa sarili. Mabilis ko muling pinunasan ang luha kong tumulo na naman,

"U—Uuwi na pala ako, C—Congrats sa inyo..."

"Okay ka lang ba?"

Tumango ako sa tanong ni Althea. Tumalikod na ako at kasabay 'non ay ang sunod-sunod na pagbuhos ng luha ko.

Wala akong ibang dapat na sisihin kung hindi ang sarili ko. Kung hindi ako nagpaloko ay walang mangyayaring ganito. Kung hindi ako nagpahulog sa bitag ay hindi ako masasaktan ng ganito.

Mariin 'kong pinunasan ang luha kong naglandas na naman sa pisngi ko. Sobrang sakit pala talaga.

Mas masakit pa noong iniwan ako ni Vince noong ipagpalit niya rin ako kay Althea. Biruin mo nga naman, lahat ng taong nagiging sa akin ay napupunta kay Althea, wala na ba talaga akong karapatang maging masaya?

Akala ko, tuloy-tuloy na ang magandang relasyon namin ni Troy, akala ko seryoso siya sa akin, na ako lang ang mahal niya at mamahalin niya pa araw-araw, pero hindi ko naman inaakalang ganito rin pala ang kalalabasan ng lahat.

Sobrang sakit. Akala ko ay magiging masaya at kumpleto ang araw na ito ay hindi pala. 'Yung makita ko lang ang taong mahal na mahal ko na may inuuwi na palang ibang babae sa condo niya, na kaya pala ilang linggo na niya akong halos hindi mapansin at mapuntahan man lang ay dahil nabuntis na pala niya si Althea at mag-ka-ka-anak na rin sila.

Sa buong buhay ko, wala talaga akong inaasahang ganitong pangyayari. Hindi ko inaasahan ang lahat ng sakit na ito. Pero tama nga ang sinasabi ng karamihan, 'kapag nagmahal ka, syempre dapat ready kang masaktan'.

Pagak akong napangiti nang maalala ko ang unang beses na lokohin ako ng boyfriend ko na si Vince. Monthsary sana namin noon pero ang ireregalo niya lang pala sa akin ay ang aming 'break-up'— na ipinagpalit niya na pala ako sa iba.

Parang ngayon lang pala talaga, 'yung lalaking mahal na mahal ko ay bumubuo na pala ng sariling pamilya, na hindi pala talaga akong ang dapat na future niya, na lolokohin lang pala din niya ako tulad ng naging boyfriend ko.

Biruin mo nga naman, parehas pa akong nagkamali sa dalawang lalaki; Same Mistakes.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Tumango ako sa guard at saka tuloy-tuloy na naglakad.

Parang sumobra pa yata ang sama ng pakiramdam ko dala ng halo-halong emosyon, "R—Reign..."

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Troy. Napapikit ako at hindi ko na naman maiwasang hindi umiyak.

"B—Bitawan mo ako..."

Naramdaman ko ang pag-iling-iling ni Troy mula sa likod ko, "P—Patawarin mo ako.."

Kahit nanghihina ay pinilit kong kumalas mula sa pagkakayakap niya. Humarap ako sa kanya at agad hinanap ng palad ko ang pisngi niya at sinampal 'yon. "Para 'yan sa panloloko mo sa akin!"

Hindi ko talaga maiwasang hindi maiyak. Tuloy-tuloy lang sa pag-alpas ang luha ko at saka muling sinampal ng malakas si Troy, "Fuck you!" Muli akong bumwelo ng isang malakas na sampal at tinanggap lamang ni Troy ang mga iyon, "Ang lakas ng loob mong humingi ng patawad sa akin!"

Basang-basa na ng luha ang mukha ko at wala akong pakialam na 'ron, naramdaman ko ang kamay ni Troy na nagpupumilit punasan ang mga luha ko pero muli akong pumalag.

"M—Manloloko ka!"

Nakita ko kung gaano namumula ang pinsgi ni Troy pero hindi ko na pinansin pa iyon, umiiyak na rin siya sa harapan ko. "P—Pinaglaruan mo ako! P—Pinagmukha mo akong tanga!"

"R—Reign please—"

Sumakay na ako sa kotse ko at agad na ni-lock ang pintuan, tuloy-tuloy sa pagkatok si Troy pero hindi ko na pinansin pa iyon. Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan at nag-umpisa nang magmaneho.

"H—Hindi na ako iiyak.... H—Hindi na ako iiyak...." Sabi ko sa sarili ko habang nagmamaneho pero mukhang hindi ko talaga kayang lokohin ang sarili ko.

Sa gitna ng biyahe ay itinigil ko sa tabi ang kotse at saka doon inilabas ang lahat ng sakit. Akala ko, hindi na ako iiyak pero hindi ko pala talaga kaya.

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon