Kabanata 18

29K 738 18
                                    

[Note: The Jollibee Wattys 2016 Awards is now open for votings! To Vote for your favorite Kwentong Jollibee entry, text KJOLLIBEE <space> [entry code] and send to 3456

Don't forget to vote my entry! Loved You First is Nominated! The Story code is J180

Actual text: KJOLLIBEE J180 and send to 3456

2.50/vote, one vote per day only!

See more: http://kwentongjollibee.mywebsite.net.ph/

Voting is until August 31, 2016!

I'm sure, kapag nanalo ang Loved You First matutuwa ang kathniel dahil ginawa ko naman talaga iyon dahil sa kanila (kahit na hindi nila alam.) ang sakit noh? Kung hindi siguro dahil sa kathniel ay walang Loved You First na mababasa. Walang Zach! Walang Liz! Walang Troy at Walang Travis! Kaya sana, vote n'yo story ko at sana manalo. Haha sana sana sana #sana lol

Para sa may mga tanong, do not hesitate to ask me. Sana talaga may bumoto. This is for KathNiel and KathNiels all over the world! Nakakaproud lang kasi kahit hindi sikat ang story ko still napapasama pa rin sa nominations for awards!

 This is for KathNiel and KathNiels all over the world! Nakakaproud lang kasi kahit hindi sikat ang story ko still napapasama pa rin sa nominations for awards!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


-----

Hindi na gaanong masakit ang ulo ko nang magising ako. Ang akala ko nga ay nasa bahay na ako at natutulog sa malambot na kama ko pero nagkakamali pala ako, nandito pala ako sa clinic ng school.

"Okay ka na ba?"

Napapitlag ako at halos mapatigil ang sistema ko nang marinig ko ang napaka-pamilyar na boses na iyon.

Narinig ko ang pagbubuntong-hininga ni Troy na nakaupo sa sa silya na katabi ng kamang hinihigaan ko. "Buti na lang, nasaklolohan kita..."

Napahinga ako nang malalim nang maramdaman kong idinampi niya ang likod ng palad niya sa aking noo. "Medyo bumaba na rin ang lagnat mo."

Marahan akong napatango at tinignan ang paligid, hinanap ng mata ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Mag-aalas tres na pala ng hapon.

"Hindi ka nagsasalita.." Ani Troy nang may mahinang boses sa tabi ko, nang lingunin ko siya ay ay tahimik lang siyang nakayuko na tila may iniisip.

"T-Thank you.." Muli kong itinaas ang paningin ko sa kanya, at nakita ko pa kung paano nagtaas-baba ang balikat ni Troy.

"Pauwi ka na ba? Gusto mong ihatid kita?"

Napailing ako at saka pinilit na maupo, mabuti na lamang at nagawa kong umupo ng maayos.

"Hindi na. Parating na rin naman ang driver ko."

Tanging ngiti lamang ang isinagot sa akin ni Troy.

Dahan-dahan niya akong inalalayang maitayo. "Ihahatid na lang kita hanggang sa sasakyan n'yo.."

Hindi na ako sumagot. Sabay na lamang kaming naglakad patungo sa car park. "Sigurado ka bang okay na ang pakiramdam mo?" Paninigurado niya at saka niya ako nilingon.

Napangiti ako sa itinanong niya. "Oo okay na ako.."

Bago pa kami makarating sa carpark ay may nakalimutan pala akong ibigay sa kanya. "Oo nga pala.." Sabi ko nang maalala ko na may ibibigay pala akong pagkain sa kanya.

Saglit na napatigil si Troy sa paglalakad kasama ako, "May ibibigay nga pala ako sa 'yo.."

Kinuha ko sa bag ko ang isang lunch box at saka iniabot sa kanya. Muntik pa nga akong mapatawa sa reaksyon niya habang tinatanggap ang bigay ko sa kanya.

"Para sa 'yo sana 'yan.." Sabi ko. Pinilit ko na lang na hindi mahiya. "Kanina ko lang niluto 'yan.." Ngiti ko pa.

Tuluyan na talagang sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang reaksyon niya na parang gulat. Nang maka-recover siya ay saka niya ako nginitian, itinaas pa nga niya sa akin ang hawak niyang lunch box. "Woah!!"

Mas lalo akong napatawa.

"First time mo magbigay ng ganito ah?" Sabi niya na tila hindi makapaniwala.

"Ayaw mo yata."

"Hindi ah! Gusto ko nga 'to eh, nagluluto ka pala?"

Tumango ako.

"Kanina ko pa dapat ibibigay sa 'yo 'yang niluto ko para sa 'yo, pero hindi naman kita makita." Sabi ko. Napakunot pa ang noo ko nang makita ko ang pag-iiba ng kulay sa may bandang tainga niya.

"Troy? Namumula yata ang bandang tainga mo? Wala ka bang allergy?"

Nakayuko kasi si Troy at nakatingin sa hwak niyang lunch, hindi ko tuloy makita ang reaksyon ng mukha niya.

"Ahhh... W-Wala 'yan.." Mas lalong napakunot ang noo ko nang makita kong pangiti-ngiti na siya, na tila ba may pinipigilan.

"Kainin mo na kaya 'yan" Sabi ko sabay turo sa hawak niyang lunch box.

"Ahh- Oo."

"Oh? Sure ka bang okay ka Troy?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman.." Sabi niya, kunot-kunot pa rin ang noo ko habang tinitignan siyang hindi naman ako sinusuklian ng tingin. Hindi naman kasi siya sa akin nakatingin.

Kinuha ko rin ang isa ko pang lunch box at saka ipinakita agad kay Troy. "Tignan mo oh! Mayroon rin akong dinalang pagkain para sa akin," Sabi ko. "Sabay na kaya tayong kumain?" Pagrerekomenda ko.

Napatawa ako nang makita kong pakamot-kamot si Troy sa batok niya. "Tara? Sa canteen na lang tayo." Aniya.

Sa lagay na ito, tila ba nawala lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Isang ngiti pa lang niya ay parang nalulusaw na ako, para bang okay na ang lahat at wala nang dapat na problemahin pa.

Pagkarating namin sa canteen ay ngingiti-ngiti si Troy habang binubuksan ang lunch box.

"Nagluluto ka pala ng ménudo? Favourite ko 'to eh?"

"Oo naman."

Paborito niya pala ang ménudo? Saktong-sakto pala sa niluto ko.

Tahimik kaming dalawa habang kumakain, pero hindi rin nagtagal iyon dahil tumabi sa akin si Troy. Sa harap ko kasi siya nakaupo kanina.

"Reign.."

Itinaas ko ang paningin ko sa kanya habang ngumunguya, masarap naman kasi talaga ang niluto ko.

Napatawa ako nang ngumuso si Troy sa harapan ko. "Subuan mo ako?"

Tinignan ko ang paligid. May mangilan-ngilan palang estudyante na pinapanuod kaming dalawa ni Troy, o si Troy lang talaga?

"Please..."

Mas lalo akong napangiti. Saglit na kinurot ko pa ang tainga niya na namumula at saka siya sinubuan. Hmp, feeling bata! Pero ang cute!

"Masarap, no?" Ngiti ko.

Tumango siya sabay thumbs-up.

"Okay na okay ka pala talagang magluto." Sabi niya habng ngumunguya, kahit kailan talaga 'to. "Pwedeng-pwede ka na pala talagang mag-asawa.." Sabi pa niya.

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin, malapit na malapit kasi siya sa akin at ngayon ay nakapikit na siya habang ninanamnam ang kinakain niya.

"Isa pa ulit," Sabi niya sabay nganga sa harapan ko. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapatawa talaga.

Siguro ay naglalambing lang ang isang ito.

"Tapos ako ang asawa mo ano?" Ngisi niya.

SAME MISTAKES {Completed}Where stories live. Discover now