Kabanata 6

40.6K 819 10
                                    

Napagkasunduan namin ni Troy na magiging girlfriend niya nga ako kapag si Althea ay malapit sa amin, or anywhere and anytime he wants. Pambayad na rin sa kasalanang nagawa ko sa kanya. Hindi na rin naman ako tumutol pa dahil in the first place, um-oo na rin naman ako at ayoko nang bawiin pa ang oo na iyon, umasa na ang tao.

Ngayon, kasalukuyan akong naglalakad patungo sa classroom ko. Ang start ng class ko ay 9:00 AM pa pero 30 minutes pa bago mag-nine. Napaka-aga ko pa, paano ba naman kasi, ang aga akong ginising ng yaya ko, ala-singko pa lamang eh, kinakalampag na ang kwarto ko.

Wala rin akong magawa sa bahay dahil wala sa bahay ngayon si Mommy at Daddy, nasa cebu kasi sila kaya pag nasa bahay ako ay sobrang naboboring ako, yung kapatid ko naman na panganay na si Kuya Michael eh, lagi akong inaasar, at naiinis naman ako ng todo.

"Reign,"

napatigil ako sa paglalakad sa gitna ng hallway nang marinig ko ang napaka-pamilyar na boses na iyon ni Vince. Ang ex ko. My very first love na sinaktan lang ang heart ko.

Bahagya akong lumingon at nakita ko si Vince 'ron na nakatungo malapit sa akin. "G-Good morning." Bati niya.

Tumango ako at lumakad na muli pero mabilis ko ring naramdaman ang kamay niya sa braso ko.

"Can we talk?" Nag-aalangang tanong niya.

"We are now talking."

Tumingin muli ako sa kanya at ngayon ay nakatungo pa rin siya na tila ba nahihiya sa harapan ko. "Sorry for everything i've done to you." He said.

"Yun lang?"

Umiling siya at muling nagsalita. "P-Pustahan lang ang lahat na paibigin kita reign. I'm so sorry, hindi na kaya ng konsensya ko na magsinungaling pa sa'yo."

Nabigla ako sa sinabi niya at hindi ako makapaniwala. "N-Niloko mo lang talaga ako.."

Hindi ko alam pero kusa na lamang talagang bumalatay ay sobrang kalungkutan sa mukha ko. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Siguro nga, hindi niya talaga deserve na maiyakan.

Niloko niya ako at wala akong kaalam-alam 'ron, at ngayong alam konna ang ginawa niya sa akin ay wala na rin akong magagawa. Gusto ko talagang humagulgol pero hindi ko magawa, sagad na ako at tama na ang huling pag-iyak ko sa kanya noong nakaraan.

"S-Sorry Reign, pero minahal rin naman talaga." Sa sinabi niyang iyon ay kusa ko na siyang nasampal. Kusa nang tumilapon ang kamay ko sa pisngi niya.

"Nasaktan mo ako tapos ngayon magso-sorry ka? Gusto mong mapatawad kita? Ang kapal mo!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napaiyak na ako, kahit na anong pigil ang gawin ko ay hindi ko magawa.

May mangilan-ngilan na estudyante ang nakiki-usyoso sa amin pero wala na akong pakialam pa 'ron, basta sa akin lang, nalaman ko na ang dahilan nang lahat ng ito. Pinagpustahan lang pala ako ng gagong Vince na ito.

Marahas kong pinunasan ang luha sa mukha ko at tumalikod na, mabuti naman at hindi na rin niya ako hinabol pa. Tangina niya, pustahan lang pala ang lahat ng iyon, tapos ngayon magso-sorry siya? Para saan pa. Sobrang nasaktan ako. First love ko siya at sa dinarami-rami ng manliligaw ko ay siya lang ang inentertain ko.

Pakiramdam ko tuloy, para ba akong bigong-bigo sa buhay. Hindi ko alam, sobrang sakit lang talaga sa pakiramdam at kahit ngayon ay mahirap paniwalaan ang sinabi niya. Letseng pustahan iyan!

Pagpasok ko sa classroom ay may mangilan-ngilan na akong kaklase na nandoon kabilang na si Yssa na nasa harapan ng bintana at mahinang kumakanta. Mukhang walang alam sa nangyari sa labas.

"Valkyrie tayo mamaya?" Paanyaya ko sa kanya.

Tila ba hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko, kadalasan kasi kapag inaanyaya niya ako na mag valkyrie kami ay hindi ko pinapaunlakan ang paanyaya niyang iyon. Hindi naman kasi ako mahilig mag-club at ewan ko ba sa utak ko kung bakit biglang pumasok sa utak ko na mag-valk kami mamaya.

SAME MISTAKES {Completed}Where stories live. Discover now