Kabanata 23

28.4K 682 17
                                    


"Pero, naniniwala naman ako na isinama ni Kuya si Kara!" Ani Troy pagkatapos makainom ng Juice. "Ewan ko ba sa kapatid ko, pero pihado akong itinanan niya nga si Kara! Ayoko na munang magsalita kila Papa dahil baka pati ako pag-initan ni Papa.."

Napatango-tango ako sa kwento niya, "Mukha ngang may something sa kapatid mo at saka sa katulong niyo," Sabi ko, 'yun din kasi ang napansin ko noon sa kapatid ni Troy pati na rin sa katulong nila.

"Oo nga pala, Reign..." Napakunot ang noo ni Troy, bago muling magsalita. "Ano nga pala 'yung dapat na sasabihin mo sa akin?" Sabi niya, sabay kagat sa fried chicken na hawak niya.

Pigil akong napangiti at saka umiling.

"Mamaya na! Kumain na muna tayo,"

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti lalo na nang makita kong may gravy pa sa labi ni Troy. Kahit kailan naman kasi talaga ang isang ito!

Kumuha ako ng tissue at habang ninanamnam niya ang lasa ay agad kong pinunasan ang labi niya.

"Sus! Gumamit pa ng tissue, eh pwede namang labi mo na ang gamitin.."

Napairap ako, "Loko-Loko ka talaga!"

Pagkatapos naming kumain ay nag-ikot-ikot pa muna kami sa mall.

As usual. Bumalik na naman sa dating Troy ang kasama ko, 'yunh akala mo napaka-tahimik 'yun pala napakadaldal.

Katulad na lang ngayon,

"Yup, kanina nga kinilig ako kasi pinunasan mo labi ko, gusto ko talagang maulit 'yon lalo na kapag maraming tao, para PDA tayong dalawa. Alam mo ba yung PDA?" Masiglang tanong niya.

"Public display of abnormality." Humahalakhak na sabi ko.

Mas lalo akong napatawa nang makita ko ang pagsimangot ni Troy sa tabi ko.

"H'wag na nga!"

Mas lalo akong napahagalpak ng tawa, "Eto naman hindi mabiro!" Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad, "At saka hello?? Anong PDA ba ang sinasabi mo? Ayoko ng ganun noh, kung gusto mo ikaw mag-isa! Magpapansin ka sa public." Natatawa pang sabi ko..

Umiling-iling na lang si Troy at sumabay sa akin sa paglalakad.

Ngayon, sanay na ako at alam ko na ang dahilan para makagawa ng paraan para mapatahimik siya, tulad na lang ng ginawa ko, oh di 'ba. Wala na siyang imik ngayon! "Anong oras ba tayo uuwi?" Mukhang naiinip na tanong niya,

"Mayamaya naman.." Sabi ko,

Napatigil kaming dalawa ni Troy nang may tumawag sa akin.

"Reign!" Halos sabay kaming lumingon ni Troy sa lalaking tumawag sa akin.

Si Vince pala.

"Reign, I was just checking on you kung ikaw nga ang nakikita ko, pero i was right! Ikaw nga!"

Hindi ko maiwasang hindi mapairap nang hawakan niya ang balikat ko, "Dude, back off.." Mabilis na napatingin ako kay Troy na ngayon ay tila tigre na ang mukha.

Woah!

"Pare, kakusapin ko lang ang girlfriend ko."

Wow! Namilog ang mata ko, girlfriend? Ulul

"Girlfriend? Pakyu ka pre, Ex ka na ni Reign hindi ba?"

"Tangina! Eh, ikaw! Ano ka ba ni Reign ha?! gago ka ah!" Napalunok ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Vince na tila nanghahamon na ng away.

Kaya dahil isa akong beauty fairy queen ay agad akong pumagitna sa kanila, choss!

"Ano ba?! Tama na nga 'yan!" Hinila ko ang kamay ni Troy na ngayon, pero jukhang ayaw niyang tumigil. Ayaw magpatalo.

"Teka! Tangina, gusto yatang masampolan ng ogag na 'to eh!"

"Inaangasan mo ako, eh hindi ka pa nga sinasagot ni Reign!" Sabi ni Vince,

Mahigpit na hinawakan ko ang kamay ni Troy. "Troy, please tara na."

"Tangina!" Napasigaw ako nang iniwasiwas niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya, nanlaki ang mata ko nang agad suntukin ni Troy si Vince.

"Troy!" Ilang beses akong napalunok at halos hindi malaman ang gagawin.

Binalot na rin ng kaba ang dibdib ko lalo na nang makabawi ng suntok si Vince.

Nilakasan ko ang loob ko at pumagitna sa kanilang dalawa, "Please stop it!"

"Fuck! Tangina, Reign tumabi ka muna!" Ani Troy,

Mabilis na hinila ko ang tainga ni Troy at saka dinala rin siya sa gilid. Doon na rin dumating ang mga guards.

"Ikaw! Pag sinabi kong tama na, tama na!" Kinurot ko ng kinurot ang tainga niya.

"Ahh! Aray masakit naman teka-teka lang!"

Binitawan ko na ang tainga niya at agad na binalingan ng tingin simFince na ngayon ay kausap na ng mga guard. "Oh! Tama na!"

"Badtrip 'yun ah!" Inayos niya ang polo niya at pagkatapos ay saka ako inakbayan, "Porket naging syota ka niya, ang yabang na niya!"

"Sus!" Napangiti ako at muling kinurot ang namumulang tainga niya, "Eh sasagutin na nga sana kita kanina, Anong kinagagalit mo diyan?"

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon