Kabanata 7

38.5K 752 26
                                    

Tulad nga nang napag-usapan namin ni Yssa ay pupuntahan niya ako dito sa bahay around 8 PM.

Thirty minutes palang bago mag 8 PM ay nandito na si Yssa, kaya nag-ayos na rin ako ng sarili ko.

Hindi ko alam pero nakairap na tinitignan ako ni Yssa ngayon. Mukhang may ipinagtataka. "Anong meron at pangiti-ngiti ka?" Tanong sa akin ni Yssa, sabay lipat ng channel sa pinapaunod.

Muli akong napangiti at umiling na lang. "Wala,"

Paano ba naman kasi, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kiligin. Tinawagan kasi ako ni Troy kanina at matagal kaming nag-usap! Siguro mga ten minutes rin 'yon.

Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang may kumalabit sa balikat ko.

"Nababaliw ka na ba? Pangiti-ngiti ka diyan!" Aniya.

"Basta, hintayin mo lang ako saglit, maliligo lang ako." Sabi ko at tumango naman siya bilang tugon.

Habang naliligo, hindi ko maiwasang hindi mapahiyaw sa kilig! Paano ba naman kasi, sa ilang minutong pag-usap namin ni Troy ay parang isang buwan na ang itinagal para sa akin.

Ang gwapo pa ng boses niya sa telepono at "Hoy ulan! Nababaliw ka na ba?" Malakas na katok sa pintuan ni Yssa.

Napasimangot naman ako at ipinagpatuloy na ang pagligo.

Siguro nga this time, malakas na ang epekto sa akin ng Troy na iyon. Hindi naman ganoong katagal kaming magkakilala nang Troy na iyon pero ewan ko at napakalakas ng dating niya sa akin. Iba sa nararamdaman ko kay Vince noon.

Pagkatapos kong maligo ay sumalubong sa akin si Yssa na nakasimangot na. "Akala ko na-deads ka na sa cr n'yo! Kaloka, muntik na akong maagnas dito sa tagal mo." Nakasimangot na sabi niya. Napatawa naman ako 'ron.

Loko-loko talaga itong kaibigan ko, alam naman niyang matagal akong maligo eh, di sana late na rin siya pumunta sa bahay para hindi siya nainip.

"Iwan mo nalang ang sasakyan mo sa labas, 'yung mazda ko nalang ang dalhin natin." Sabi ko habang pinapatuyo ang buhok.

"Wala akong dalang sasakyan today, sira yung civic 'ko di'ba?" Napailing na lamang muli ako sa kalokohan ng isang ito.

Paglabas namin ng kwarto ay tahimik ang paligid. Syempre walang tao, dalawa lang ang maid sa bahay namin at sa oras na ito baka nasa maids room na ang mga iyon, tapos na rin kasi kaming maghapunan.

"Saan ka pupunta?" Napapitlag ako nang marinig ko ang baritonong boses ng kapatid ko. Si kuya Michael. Akala ko ba'y bukas pa ang uwi niya rito!

"Uhh, kuya.." Inilagay ko sa likod ang dalawang kamay ko at sinulyapan ng tingin si Yssa na ngayon ay tila ba nahihiya sa kapatid ko.

Ang alam ko kasi, may crush itong si Yssa sa Kuya ko.may pagkakataon pa nga noon na pinag-awayan pa namin ang kuya ko, paano ba naman kasi ay nakita kong wallpaper niya ang kuya ko sa iPhone niya. Lukaret talaga.

Hindi ko naman kasi maipagkakaila na may ipagmamalaki talaga ang Kuya Michael ko, gwapo ito at may katangkatan talaga, 'yun nga lang, suplado. Hmp!

"Saan ang lakad n'yo? Gabi na."

"Kuya, pupuntahan lang po namin 'yung groupmates namin sa management, alas-otso 'yung usapan namin pero magna-nine na pala,"

"And?"

Napalunok ako bago sumagot. "Uuwi rin naman agad kami kuya, at wala namang pasok bukas,"

SAME MISTAKES {Completed}Where stories live. Discover now