Kabanata 27

28.6K 703 33
                                    

Nakakatamad mag-update kapag ang tumal ng vote at saka comments :( hay hahaha

SPG (words)
*******

"Reign, Kagabi pa may naghihintay sa 'yo sa labas," Napatingin ako kay Kuya Michael na ngayon ay nasa tabi ko at umupo na rin para kasabay ko na siyang kumain,

"Akala ko ba bakla ang kaibigan mong 'yon! Eh lalaki naman pala 'yon!"

"Hindi bakla 'yon.." Bahagya akong napangiti at saka sumubo ng pagkain,

"Sabi sa akin ni Manang, kagabi ka pa daw hinihintay ng lalaki na nasa labas.." Ani Kuya at napakibit-balikat, "Oo nga pala, Sila Mama nasa Japan, may business meeting sila ni Papa kasama ng ilang mga investors."

Napatango na lang ako at muling ipinagpatuloy ang pagkain ko, Noong isang araw pa nagpaalam sa akin sila Mama na pupunta nga sila ni Papa sa Japan para sa isang Business meeting 'ron.

"Kuya, may tanong ako.."

Napahinga ako ng malalim nang makita kong bahagyang kumunot ang noo ni Kuya,

"Ano 'yun? Parang ang seryoso mo.."

"Anong ginagawa mo kapag; halimbawa may ginawang kasalanan ang girlfriend mo sa 'yo?"

"Magagalit ako syempre.." Diretsong sagot ni Kuya sa akin, "Anong kasalanan ba? Kasi may mga kasalanan na kaya pa ring magpatawad, at lahat ng kasalanan ay kaya rin namang patawarin. Diyos nga nagpapatawad, tao pa kaya?"

"Kuya, paano kapag hindi ko na yata kayang magpatawad?"

"Reign. Mahirap magpatawad sa isang taong nagkasala sa 'yo, lalo na kapag malaki ang kasalanang nagawa niya sa 'yo, pero it takes time naman. Hindi madaling magpatawad pero darating ang panahon na mapapatawad mo na rin siya," Aniya, napakunot na ang noo niya at muli niya akong tinanong.

"Teka nga, bakit ka ba nagtatanong? May nakagawa na ba ng kasalanan sa 'yo? Ha?"

"Wala kuya.."

"Basta Reign. Sabihin mo lang kapag may problema ka, nandito lang si Kuya.."

Napangiti ako at saka itinuloy na ang pagkain,

Matapos kong kumain ay tumungo na ako sa kwarto ko, Si Kuya naman ay dumiretso na rin sa kwarto niya.

Mamayamaya ay pupuntahan ako ni Yssa dito, nagpapasama kasi siya sa akin na mag-apply sa north gate. Nag-ready na nga ako ng resumè ko dahil gusto ko ring magbakasakali. Hindi pa kasi ako nakakapagdesisyon tungkol sa inaalok sa akin nila Papa.

After almost one hour, ay natanggap ko na ang text ni Yssa, nasa labas na raw siya ng bahay namin., kaya inayos ko na agad ang gamit ko at lumabas na rin sa kwarto ko.

Agad rin akong nagpaalam kay Kuya nang makita niya ako. "Kuya! Kasama ko si Yssa! Try kaming mag-apply sa north gate.." Sabi ko.

Tumango si Kuya, "Mag-iingat ka.."

Bago pa ako makalabas ng bahay ay nakita ko na agad si Yssa na kinakausap ang isang napakapamilyar na lalaki. Hindi ko naman masigurado dahil nakatalikod pero malakas ang paniniwala kong si Troy 'yon!

Hindi ko alam kung ano ba ang mukhang napaka-seryosong pinag-uusapan nilang dalawa pero nang makalapit-lapit ako ay agad umaliwalas ang mukha ni Yssa.

"Reign naman! You're so tagal talaga promise!" Umaarteng sabi sa akin ni Yssa,

"Inayos ko lang yung gamit ko," I deeply said to her. Hindi ko alam pero ramdam ko na nakatingin sa akin si Troy ngayon,

"May dala kang car?" Tanong ko kay Yssa.

"Wala girl eh,"

I nodded. Babalik na sana ako sa entrada ng bahay para sasakyan ko nalang ang gamitin ko pero narinig kong nagsalita si Troy.

"Uhh... P-Pwede ko kayong ihatid..."

Hindi ko siya pinansin, I was about to walk pero nagsalita si Yssa,

"Girl! Ihahatid na raw tayo ni Troy oh!"

"No need."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Troy pero wala na akong pakialam pa 'ron.

"Why are you here?" I asked him.

Bakit nga ba siya nandito?

"O-Oo nga pala... M-May bibigay ako sa 'yo.." Nagmadaling tumungo si Troy sa likod ng sasakyan niya,pero hindi ko na inintindi pa dahil tinawag ko na si Yssa.

"Yssa, C'mon tara na!" Tawag ko at pumasok sa loob namin.

Sumunod naman si Yssa at sabay kaming sumakay sa sasakyan ko. Binuksan naman ng maid namin ang gate at agad kong nakita si Troy na may bitbit-bitbit na bulaklak at may hawak pang mga paper bags at pati na rin cake.

"Reign, LQ kayo?"

Kita ko ang kung anong kalungkutan sa mukha ni Troy.

What the hell?! Kalungkutan!?!

Eh bakit naman siya malulungkot, nakuha na naman niya si Althea at may bonus na baby pa sila.

"Break na kami, Yssa. Niloko niya lang ako.."

Napabuntong hininga ako at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho.

"Sabi sa akin kanina ni Troy, kagabi pa raw siya nag-aabang sa labas ng bahay niyo. 'Dun na nga siya sa sasakyan niya natulog kagabi."

Napairap naman ako sa sinabi ni Yssa,

"Gusto mong damayan?"

"Hell no! Excuse me girl may boylet kaya ako ngayon,"

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, "Loko-loko ka talaga."

"Pero... Sabi sa akin ni Troy hindi pa naman daw kayo break, galit ka lang daw sa kanya."

"Break na kami! Ano bang mahirap intindihin 'don? Niligawan ako ni Troy para magselos si Althea sa amin, at maniniwala ka ba sa akin kung habang kami ni Troy ay tinitira niya na si Althea ha?!"

Saglit na tinigil ko ang sasakyan at hinawakan ang sentido ko.

"Please girl, kaya mo 'yan!"

"P-Pero masakit eh.."

"Alam mo Reign..." Tinapik ako ni Yssa sa balikat ko at saka siya nagpatuloy sa pagsasalita, "Kung mahal ka ni Troy, hindi niya magagawa sa 'yo ang mga iyan. Kung mahal ka ni Troy, hindi ka niya lolokohin, at kung mahal ka ni Troy, ikaw lang ang babae na sa tingin niya ay dapat na niyang makasama habang buhay."

"Pero, akala ko ako na..."

Napatingin ako kay Yssa na ngayon ay yakap-yakap na ako, "Marami pang lalaki diyan! Ipakita mo sa kanya na hindi lang siya ang lalaki sa mundo! Ipakita mo sa Troy na 'yan kung gaano niya sinayang ang babaeng katulad mo!" Aniya, pinahid ko ang luha ko sa pisngi ko na hindi ko naman namalayang tumutulo na pala, "Dapat diyan tinatanggalan ng bayag eh."

SAME MISTAKES {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon