Kabanata 19

30.2K 729 28
                                    

[Note: The Jollibee Wattys 2016 Awards is now open for votings! To Vote for your favorite Kwentong Jollibee entry, text KJOLLIBEE <space> [entry code] and send to 3456

Don't forget to vote my entry! Loved You First is Nominated! The Story code is J180

Actual text: KJOLLIBEE J180 and send to 3456

2.50/vote, one vote per day only!

See more: http://kwentongjollibee.mywebsite.net.ph/

Voting is until August 31, 2016!

No vote, no update. Hahahahahahaahah jk

-----

"Sama ka sa akin mamaya ah?" Ani Troy pagka-upo ko pa lang sa silya.

Breaktime nga pala ngayon, at tinext ako ni Troy na magkita raw kami sa canteen, para sabay daw kaming makakain.

"Huh? Bakit naman? May gagawin akong report mamaya."

"Ide-date kita." Saad niya at kinuha ang wallet sa bulsa niya. "Eh di, tutulungan na lang kitang gumawa ng report mo. Okay nga 'yun eh, para matulungan kita." Sabi pa niya.

Tumayo na siya at tumungo sa may bandang harapan ko. "Burger ka na lang ulit ah? Para same tayo." Sabi pa ni Troy.

Tumango naman ako at saka ngumiti, nahaha,ata na ba ni Troy na kinikilig ako?

"Anong drinks?" Tanong pa niya,

"Sprite."

Inilabas ko ang cellphone ko at nang wala naman akong magawa ay tumungo ako sa camera roll. Napapikit naman ako nang makita ko ang sandamakmak na selfie ni Troy sa iPhone ko.

Pero, ang gwapo niya ha! Para ngang ayoko na ngang burahin ang mga picture niya. Hihihihi landi ko ba? Minsan lang naman eh char!

"Here's your order ma'am.."

Mariin akong napapikit ng mata ko at pasimple pang napakagat sa labi. "Troy. Ang gwapo mo." Hihihihihi

Umupo sa tabi ko si Troy na nagtataka. "Teka..." Aniya at hinawakan ang balikat ko para iharap ako sa kanya. "Naglilihi ka ba? Eh di 'ba, wala pa tayong ginagawang dalawa."

Nawala naman ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ba siya marunong makapick up ng saying? Puro nalang kamanyakan ang nasa isip ng isang ito.

"Ano ba?! Sinabi ko lang na gwapo ka, buntis agad? My ghad! I hate drugs!"

"Hahahahahaha ang ganda ganda mo talaga lalo na kapag ganyan ka.." Tumatawang sabi niya sa akin.

Nagulat ako nang akbayan niya ako at saka ibinigay ang burger na inorder para sa akin. Sinimulan ko na in itong kainin.

"Basta date tayo mamaya ah?"

Tumango ako. "Basta, tutulungan mo ako sa report ko."

"Always, madam."

Tuluyan naman akong napangiti. Hindi ko kasi maiwasang hindi kiligin.

Kinuha ko ang sprite na nasa mesa at saka ininom gamit ang straw. "Oo nga pala, h'wag mong buburahin mga picture ko sa cellphone mo ah?"

"Oo naman.." Sabi ko, actually ayoko na ngang burahin.

Inilapag ko naman sa mesa ang softdrinks na hawak ko pero kinuha naman iyon ni Troy at saka doon din siya uminom.

----

"Sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo?" Tanong ko kay Troy.

Tumango naman siya at saka ibinalik ang cellphone kong hiniram niya. Nag-install kasi siya ng clash of clans sa cellphone ko at siya lang naman ang naglalaro non. Ewan ko ba sa kanya, may sarili naman siyang cellphone pero trip na trip niyang gamitin ang sa akin.

"Oo. Sigurado na talaga ako." Sabi ni Troy. Ngayon naman ay kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa desk. Ito naman ang pinaglalaruan niya ngayon, hinayaan ko na lang siya. "Naka-move on na ako kay Althea at sigurado na ako 'don Reign."

Sabi kasi sa akin ni Troy, ay h'wag na lang naming ituloy ang pekeng relasyon naming dalawa sa tuwing nasa harap namin si Althea. Sabi niya sa akin ay wala na raw siyang nararamdaman pang iba kay Althea, para sa kanya ay tapos na raw ang lahat at ayaw niya na ring balikan ang natapos na.

"Okay, baka mamaya magbago ang isip mo. Mabuti na ang maliwanag."

"Basta, H'wag mong kakalimutan na may date tayo mamaya ah?" Pangungulit sa akin ni Troy.

"Paulit-ulit ka."

"Mabuti na ang maliwanag." Natatawang sabi niya.

Dumating na rin ang prof namin kaya napatahimik na kaming dalawa. Pero habang nagsusulat sa white-board ang aming prof ay panay kalabit sa likod ko si Troy. Nang-aasar nanaman, tsk. Walang magawa sa buhay ang lokong ito.

"Troy ano ba?! Nagsusulat ako!" Naiinis na bulong ko sa kanya, paano'y ayaw niyang tigilan ang pangangalabit sa akin.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya sa tabi ko. Hindi ko na iyon pinansin. "Lacoste pa ba pabango mo?"

Alam pala ni Troy ang brand ng pabango ko, sa katunayan nga ay lacoste rin ang brand ng ginagamit niyang pabango, siya pa nga ang nag-adjust na magpalit ng pabango, dati kasi ay Calvin Klein ang ginagamit niyang pabango, pero sabi niya dahil daw sa akin ay magpapalit siya. dapat daw kasi ay pareho kami ng brand na ginagamit, para daw mutual katulad ng feelings naming dalawa.

Kaloka di 'ba?

"Bakit?" Tanong ko.

Ngumisi siya at saka inilapit ang mukha sa leeg ko. Muntik pa nga akong mapatalon sa gulat dahil sa ginawa niyang pagsinghot.

"Troy?! Nababaliw ka na ba?" Naiinis na sabi ko, at the same time nahihiya dahil baka mamaya ay amoy pawis pala ako. Ang kulit-kulit talaga ng isang ito!

"Hindi. Tinitigasan lang."

What the hell?!

SAME MISTAKES {Completed}Where stories live. Discover now