Kabanata 22

28.8K 627 20
                                    

Medyo SPG

Don't forget to watch #BarcelonaALoveUntold on September 14, 2016 in cinemas!

Anyway, pa-like ng facebook page ni Author hahaha, Iheartthisguy Stories

-------

Breaktime ngayon at kanina ko pa hindi maka-usap ng maayos si Troy.

Kanina pa siya tulala. Nalaman ko kasi na ilang araw ng hindi umuuwi si Travis sa kanila at hindi rin siya nagrereport sa trabaho niya. Sa pagkakaalam ko nga ay nawawala rin ang kasambahay nila na si Kara.

Ilang araw na ang nakalilipas pero wala pa rin silang nababalitaan, o natutukoy kung nasaan ang kapatid at kasambahay nila.

"Kumain ka muna..." Sabi ko at inilahad sa kanya ang baunan ko na naglalaman ng pagkain na dala ko.

Pinagluto ko kasi siya kanina, "Wala pa rin kaming balita sa kapatid ko.." Aniya, mukha siyang wala sa sarili at tila problemado. "Nag-aalala na ako sa kanya.."

Kahit ako, napapaisip ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi ap rin umuuwi ang kapatid niya. Malabo namang mabiktima ng summary execution ang kapatid niya dahil hindi naman involve si Travis sa droga. "Anyway, salamat pala sa pagkaing dala mo."

Hindi ko maiwasang hindi mapatawa sa sinabi niya, ang cute lang kasi! "Masarap ang luto ko," natutuwang sabi ko.

Nagulat ako nang halikan ako sa pisngi ni Troy at saka ako inakbayan. "Mas masarap ang kakainin ko kapag sinagot mo na ako.."

Halos mapairap naman ako sa sinabi niya, "Kumain ka na nga muna diyan!" Sabi ko.

Napangiti naman si Troy at saka nag-umpisa nang kumain, pero alam ko na may bahid ng pag-aalala ang kanyang mukha. Kahit ako naman ay mag-aalala, kung ako ang nasa kalagayan ni Troy. Hindi kasi birong mawalan ng kapatid lalo na kung hindi mo alam kung saan napadpad ito.

"Mamaya, samahan mo muna ako sa market-market ah? May bibilhin lang kasi ako.." Sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya dahil punong-puno na ang bibig niya, "Hindi ka nag-almusal ano?" Tanong ko.

Agad naman siyang umiling at pagakatapos ay sumubo pa ulit ng isa. "Hindi ka pwedeng hindi kumain Troy, magagalit ako.."

"Eto naman si Ulan ko, kumakain kaya ako! Tiyempong nagugutom lang talaga ako ngayon at saka masarap ka lang talagang magluto kaya bigla akong nagutom."

Hmp, palusot pa more.

"Basta, samahan mo ako mamaya ah?" Natutuwang sabi ko.

"Oo nga, kulit naman.." Tuluyan na akong napatawa nang makitang naaasar na si Troy.

*******

"Ano ba kasing gagawin natin dito?" Kakamot-kamot sa ulong sabi sa akin ni Troy.

Hindi ko na siya inimik pa, sa halip ay hinila ko nalang siya papunta sa isang private restaurant.

Kakatapos lang kasi ng klase namng dalawa at agad kaming dumiretso dito sa market-market. Mukha ngang kanina pa tinatamad si Troy at mukhang napipilitan lang na sumama sa akin.

"Tsk, Reign naman, kakain na naman tayo?"

"Basta." Sabi ko at saka umupo na,

Inilahad ko sa kanya ang upuan. "Oh! Ayan na, umupo ka na po mahal na ari.."

Napakunot ang noo ko nang makita kong napakurap-kurap si Troy sa sinabi ko. Nagulat ako nang tumingin siya sa ibaba niya. "Ano kamo? Mahal ang ari ko?" Tanong niya.

Mas lalong napakunot ang noo ko. Ay bobita! Anong ari?! Hindi ba dapat hari?

"Ikaw ha.." Napakagat ako sa labi ko nang sundut-sundutin niya ako sa tagiliran ko habang tila nang-aasar ang tinngin niya. "Pinagnanasaan mo ako noh? H'wag ka mag-alala. Mahal ka ng ari ko.."

"What the hell?!" Bumalik na ako sa pwesto ko. "Tumigil ka nga!"

SAME MISTAKES {Completed}Where stories live. Discover now