XXXIV

3K 87 14
                                    

Give Up

I dialed Dark's number, I'm pacing back and forth, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Shit. Dark, answer!" I called him again but he's not answering the call. I dialed Nathan's number.

"Thank God, you answered! Si Jairus at Zero, puntahan niyo sa labas!" I said almost hysterically. "Shit, bakit?" Tanong nito "Guys, may gulo yata sa labas" rinig ko ang mura nilang lahat.

"Zero, tama na yan bra!" I held up my breath and tried to listen to their noise as I pace back and forth "Awatin nyo please!" I pleaded

"Penelope, anong nangyayari?" Kuya asked the moment he entered my room, he looked at me confusingly.

"Kuya, si Jairus saka si Zero!" Sigaw ko, napaupo ako at iniabot sakaniya ang cellphone.

"What's happening Nate?" Rinig kong sabi niya.

Hindi ko na alam ang nangyari, napaupo nalang ako at humikbi. Hindi ko matignan ang kapatid ko, lagi nalang akong rason kung bakit nagkakagulo ang grupo nila. Noon kay Trey, ngayon kay Jairus. Ilang minuto ring tumahimik si Trey na nakikinig sa kabilang linya.

"Send Jairus home.. Okay. Thank you Nate" umupo ito sa tabi ko at bumuntong hininga.

"Don't worry, hindi napuruhan si Jairus. Magaling umilag iyon. Ano bang nangyari?" Tanong ni Trey, tumabi ito sa akin at inakbayan ako.

"Kuya. Kuya bakit ganon? Bakit lagi nalang ako yung pinagmumulan ng gulo sa samahan ninyo?"

"Sinabi lang ni Jairus, wala siyang balak manggulo katulad ng ginawa ko"

"Alam mo?" Nilingon ko siya at tinanong. Totoo? Gusto ako ni Jairus? Am I just too dense para di ko mapansin iyon? Napayuko ako at naihilamos ang kamay ko sa mukha ko. Shit.

"Matagal na. That's why he's always protective with you, he's there at the lowest times of your life. Kahit hindi siya yung hanap mo, siya yung nandiyan. You're not dense, you just don't want to assume"

"Until one day I asked him, he said yes. Okay lang sakaniya, Penelope. Okay lang na hindi mo masuklian iyon. His love for you is self-sacrificing. He care less about his self, he cares so much about you"

Napayakap ako kay Trey habang umiiyak, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Kelangan ko siyang kausapin, iyon muna sa ngayon.

"You called, again. Why?" Bungad sa akin ni Jairus, may cut siya sa lower lip at may dugo pa iyon. "Hindi ako napuruhan, Penelope." Aniya saka nilagyan ng ice bag ang kanyang labi, tumawag ako sakaniya nang itext sakin ni Nathan na naihatid na nila si Jairus.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pinapanuod ko lang siya na dinadampian ng ice bag ang kanyang labi.

"Yung sinabi ko kanina, totoo iyon. Hindi joke" he said suddenly and he looked away, napalunok ako. Wala na naman akong masabi.

"Hindi ko ipagpipilitan sarili ko Penelope, I know my place. No fuss. Don't worry. Sinabi ko lang, cause I feel like you should know. Lahat ng kilos ko, lahat ng pinapakita ko sayo may bahid iyon. Gusto kita kaya ko binibigay sayo lahat, pero wala akong hinihinging kapalit."

"Gusto ko ligtas ka, masaya. Kahit hindi ako yung gusto mong magpasaya sayo. Ginagawa ko lahat kasi gusto ko iexpress sayo yung sarili ko, kahit hindi ako yung gusto mong gumawa ng mga iyon"

"Alam ko naman kung saan ka nakatingin, Penelope. Alam ko kung kanino, alam kong wala akong lugar. Gaya nga ng sabi ko, hindi ko ipipilit. Hayaan mo lang ako, kung masusuklian mo salamat kung hindi salamat parin. You don't have to love me back just because I love you. No pressure. Nothing to worry. I'm fine."

If I Got ZEROWhere stories live. Discover now