XV

3.5K 89 4
                                    

Uncomfortable?

Antok na antok ako ngayon habang nakaupo sa upuan at nakatanaw sa bintana, maaga akong pumasok ngayon. Oo ako lang, nilakad ko mula sa bahay papunta dito sa school. May nadaanan akong nagtitinda ng cotton candy kaya bumili ako noon, isa ito sa comfort food ko kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Nauhaw ako kaya naisipan kong bumili ng tubig sa canteen. Uunti pa lang ang tao sa school, tahimik kaya naisipan ko na ring maglakad lakad pagkatapos kong makabili ng tubig.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang isang lalaking naka leather jacket at isang babaeng naka sexy dress na mukhang naghahalikan sa locker room. Kitang kita mula sa kinatatayuan ko iyon. Maglalakad na sana ako ng isandal ng babae ang lalake sa lockers.

Nanlamig ako at nangatog ang buong katawan ko ng makita ang mga pares ng mata na gustong gusto kong titigan.

Ang mga matang iyon ngayon ay titig na titig sa babaeng kahalikan niya.

Nabitawan ko ang tubig na hawak hawak ko ng napatingin ang mga matang iyon sa kinatatayuan ko. Napasinghap ako at kita ko ang gulat sa mga mata niya. Dali dali akong tumalikod naglakad.

Rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko at pagtawag ng babae sa kaniya. I tried my best to stop my tears from falling, ayoko at hindi dapat ako umiyak. Hinayaan ko ito eh.

Rinig ko ang mga yabag niya sa likod ko pero patuloy parin ako sa paglalakad, kada hakbang ko ay mas bumibigat ang dibdib ko. Ilang beses akong huminga ng malalim at pumikit para kalmahin ang sarili ko.

"Penelope" tawag niya sa akin ng maabutan niya ako, huminto ako sa paglalakad pero hindi ako humarap.

"Oh, Zac? Mamaya pa sana tayo mag-uusap eh. Pero wala naman akong gustong sabihin. Gusto ko lang sabihin na hindi ako sinaktan ni Trey." Dire-diretso kong sabi, hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas na iyon para magsalita pa.

Lumakad siya sa harap ko at inangat ang baba ko, napaurong ako agad na para ba akong nasusunog sa pagdikit lang ng daliri niya sa balat ko.

"Penelope..

"About that-"

"Wala yun" pagputol ko sa dapat niyang sasabihin, ngumiti ako para pigilan ang mga luhang batid kong malapit ng pumatak.

Humikab rin ako "Inaantok talaga ako kaya ako naglalakad lakad, sige una na ako" .

Dali dali akong naglakad papalayo sa kaniya, tumulo na rin ang luha kong kanina ko pa pipigilan at pilit na itinatago. Pinunasan ko agad iyon. Kinuha ko ang mga gamit ko sa classroom at nagmadaling umalis.

"Ma. Kamusta ka na?" Bungad ko kay mama, inalis ko ang mga tuyong dahon at bulaklak sa puntod niya. Nagtirik ako ng kandila at inilapag ang mga sariwang bulaklak na binili ko kanina.

Humangin ng banayad at alam kong si mama iyon.

"Ma, inlove ako. Naalala mo ba yung lalaking kasama ko noon dito, siya yun ma. Kaso.. Kaso ma.." Napayuko nalang ako at humikbi, ramdam ko ang mainit pero banayad na hangin na alam kong ito ang paraan ni mama para i-comfort ako.

If I Got ZEROWhere stories live. Discover now