XLI

3.2K 88 19
                                    



I love you ?

Lumabas ako at kumuha ng gamit ko para maligo at makapagpalit na rin, sinantabi ko muna ang nangyari, hindi ko naman talaga dapat pang isipin. Nakasandal sa pader sa labas ng banyo si Jairus ng buksan ko ang pintuan, halos atakehin ako sa puso ng makita ko siya don.Pumungay ang mata nya ng magtama ang aming mga paningin saka siya ngumiti at pumasok na rin ng banyo.

Naamoy ko ang panglalaking bango nya ng buksan nya ang pintuan at lumabas, hawak ang isang towel pinapatuyo nya ang kanyang buhok gamit iyon. Sinungaling ako kapag sinabi kong hindi sya gwapo sa ganoong lagay, magulo man ang buhok ay gwapo pa rin ito.

"Anong activities natin bukas?" Tanong ko, halos tampalin ko na ang sarili ko ng marealize kong titig na titig ako sakanya.

"Wala pang napag usapan, pagod sila kaya hindi mo sila makakausap ng maayos" umupo ito sa tabi ko at pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng kanyang buhok.

"May blower don" turo ko sa vanity table.

"No need, maingay" maya maya tumayo ito para isabit ang tuwalya sa may banyo, umupo ulit ito sa tabi ko saka ako niyakap.

"Why did you let me kiss you? Am I being too impulsive?"

"Hindi. Siguro na-carried away lang tayo. Siguro dahil sa lamig ng pool" sabaw kong sagot, nakatitig sya sa labi ko kaya napatingin rin ako sa labi niya.

Hinawi nya ang mga takas kong buhok at inipit iyon sa aking tenga, unti unti nyang nilapit ang kanyang mukha sa akin, he tilted his head and kissed me on my lips. Nawala ako sa tamang wisyo, naramdaman ko na lamang na lumapat ang likod ko sa malambot na kama na kasing lambot na labi niya. Wala ng tumatakbo sa isip ko kung hindi ang labi ni Jairus at mga halik nya.

"Damn it, I'm madly inlove with you" he whispered between our kisses

Mas lumalim pa ang mga halik namin, gutom, parang may gustong marating. His arms are supporting his weight and my arms are on his nape. Para akong lasing, hindi sa alak kung hindi sa halik. Napakagat ako sa labi ko ng itigil nya ang pag halik, him smiling from ear to ear.

"Let's sleep. Good night my baby" pinatay nya ang ilaw pag katapos akong kumutan. Hinalikan nya ang noo ko at niyakap akong mahigpit.

"Have a good sleep, Penelope. I love you"

"Good morning guys!" Masayang bati ni Jairus kila Dark, maagang nagising si Jairus kaya nakaligo na kaming dalawa. Halos sipain ko sya palabas ng kwarto dahil ginising nya ako ng maaga.

Dahilan nya kung bakit sya nagising ng maaga? Gusto nya ng kiss.

Napasapak nalang ako sa aking noo ng halikan nya ako sabihing pwede na akong matulog muli, kanina nya pa raw ako pinagmamasdan at ninanakawan ng halik habang natutulog, this guy is so annoying yet so cute.

"Lawak ng ngiti ah, nakaisa?" Kantyaw ni Nathan na agad na siniko ni Jairus.

"Lul, nirerespeto ko si Penelope. Hindi ba pwedeng malawak ang ngiti ko dahil sya ang una kong nakita pag kagising ko ng umaga at hindi yung pangit na mukha nyo?" Humagalpak ito ng tawa, habang kaming lahat poker face.

Natahimik kaming lahat ng dumating si Zero at Star, parehas silang nakabusangot at para bang kagagaling lang sa away. Nakatingin na si Zero sa akin ng tumingin ako sakanya, umigting ang panga nya ng magsalubong ang aming mga mata. Pero matapos ang ilang segundo ay pumungay ang mata nya.

Kung hindi pa naglagay ng pagkain sa harap ko si Jairus ay hindi ako bibitiw sa titig sakanya, he kind of bewitched me, its like I'm under his spell when we stare at each other. Ang lakas ng epekto nya sa akin, at hindi ko alam kung gusto ko ba iyon o hindi.

If I Got ZEROWhere stories live. Discover now