II

7K 155 9
                                    

ZERO

Kinabukasan, nag aya si Ashton na mag mall para bumili ng paborito nyang oreo churros at bumili raw ng rosas. Napakunot noo ko, bakit rosas? Para kanino? Nagulat ako ng inabot nya ang isa saakin at hawak nya ang tatlo pa.

"That's for you ate Rae. Welcome to the family" aniya at niyakap ako. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti, napakasweet ng alaga ko. Nakatitig naman samin si Trey, nahihiyang ngumiti ako sakanya.

"Trey" rinig kong sabi ng isang tinig. Napaka husky ng boses nito, sleepy voice ba o ganun lang talaga ang boses nito? Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at muntik ng mahulog ang panga ko.

Kung gwapo si Trey ay napaka Gwapo itong kausap nya. Sumulyap ito sakin at tumitig habang kinakausap si Trey. Nakakapanghina at nakakanginig ang titig nito, parang hinihigop ang pagkatao ko.

Nilingon din ako ni Trey at kumunot ang noo, napakurap ako at pagdilat ko lang ay nasa harap ko na ang kausap nya. That quick!

"Zac, si Rae kasama namin sa bahay. Uhm.. Nagaalaga kay Ashton." Pagpapakilala sakin ni Trey, at yun ang nagpabitaw sa titig ko sakanya, that's it yaya lang ako dito.

"Zac" tango nito sakin. Iba talaga ang presensya nya, maawtoridad. Para bang Isang titig palang nya ay hulog ka na sa bitag nya, o tipong inaalam ang totong pagkatao mo sa isang titig lang.

Kinakausap ako ni Ashton, marami syang tanong tungkol sakin nakangiti ko syang sinasagot. Napalingon ako at nakita kong nakangiti si Zac habang matalim na nakatitig sakin. Nanghina muli ang tuhod ko, at naghurumentado ang puso ko.

Hindi ko alam kung bakit?!

Tinapik nito ang balikat ni Trey at humakbang papalapit sakin, tumango ito at bahagyang umupo para lumebel kay Ashton. "Kuya Zac, let's play frisbee tomorrow " request ng bata tumango ito at ginulo ang buhok sabay hakbang at umambang paalis.

Naramdaman ko ang kamay nya sa pulso ko at naghurumentado ulit ang puso ko at pati yata ang bituka ko ay ganun din.

"Rae, let's go" sabi ni Trey. Nilingon ko ang papaalis na si Zac. Weird!

Ipinahanda ni Ashton sakin ang gagamitin para sa laro nila ni Zac, di ko parin maintindihan kung ano ba yung naramdaman ko kanina. Milyon milyong boltahe yata ng kuryente yun, weird.

Sinamahan ko sa banyo si Ashton at inihanda ang pagpapalitan. Binasahan ko sya ng libro at kinumutan ng nakatulog. Nakipagkwentuhan muna ako kila Manang bago pumanhik sa kwarto.

Bumangon ako ng maaga ngayon para iayos lahat ng gagamitin nila sa paglalaro, ipinasama rin naman ni Manang ang iilang mga nerf guns. Aniya, hindi lang si Zac ang dadating kundi ang buong barkadahan nila.

"Ate!!" Tawag sakin ni Ashton habang bumababa sa hagdan at kinukusot ang mata. Lumapit ako sakanya at tinanong kung ano ang gusto nyang kainin. Inihanda ko ang pagkain nya at gatas. Energetic ang bata.

"Ang tagal na bago ko nakalaro ulit ng frisbee si Kuya Zac, Kuya Trey won't play with me too" malungkot na sabi ng bata "But today, we're all gonna play! Yehey!!" Ngumiti ako sakanya, masiyahin talaga sya.

Katatapos ko lang samahan magpaligo at magayos kay Ashton ng makarinig kami ng mga busina "It's them!!" Sabi nito at nagtatalon "Ashton, they are here" sabi ni Trey ng buksan nya ang kwarto ng kapatid.

Lumabas kami, lima silang lalaki na nasa sala kasama si Trey. Ang common denominator nilang lahat ay kapogian. Lahat sila ay may itsura. "Where's kuya Zac?" Tanong ng bata, hinagilap ng mata ko ang hinahanap nya.

Nakaramdam ako ng presensya sa akong likod, I can feel him breathing. They are all staring at my back, dali daling tumakbo ai Ashton sa taong nasa likod ko "Hi Kuya!!"

Its him.

I excused my self para ipaghanda sila ng meryenda, ano nga bang gusto nila? Nadatnan ko si Manang na naghahanda na "Manang ako na" sabi ko pero umiling ito "Tapos naman na ito, Rae. Tulungan mo nalang ako iserve ito sakanila" tumango ako at kinuha ang mga nakahandang pagkain.

Inilapag namin manang ang mga dala naming pagkain, ramdam kong may nakatitig sakin iginiya ko ang paningin ko at nakita siya. Why is he staring?

"Oh may itinira ka ng chics dito Trey?" Biro ng lalaking nakabull cap at t-shirt na puti. Umiling si Trey "Nope. Nagaalaga kay Ashton, Dark. Rae, this is DenMark call him Dark. That guy in blue is Ethan, in Red is Arki, next to Arki is Nathan and the last one is Jairus. You know Zac already"

Tumango ako at bahagyang nag bow, nakakahiya hindi naman nya ako kelangan ipakilala. Pumagilid ako, isa isa silang nag hi sakin pero yung isa nakatititg lang habang pinaglalaruan ang kanyang lower lip.

I wonder what's he's thinking?

Hindi ko nanaman mabitawan ang titig ko sakanya ganun din naman sya nang biglang humarang si Trey na mukhang naguguluhan.

"Ate Rae, let's play nerf later after we play Frisbee" aya sakin ni Ashton, hindi sa ignorante ako I know how to play a nerf gun pero nakakahiya. Saka ang dami na nila.

"Marami pa kaming aayusin, Ashton. Walang kasama si Manang." Excuse ko, malungkot itong tumango " Video games nalang tayo later before you sleep." Pambawi ko,ngumiti naman ang bata.

Pumasok ako sa sa kitchen at nagayos ng mga gamit. Wala namang masyadong pinagawa si Manang sakin, aniya sanay na syang siya lamang ang gumagawa ng mga gawain sa kusina.

"Rae, magtimpla ka muna ng juice jan at idala mo dun. Dalhan mo rin ng malamig na tubig si Zac, hindi sya nagjujuice"

Una kong dinala sa labas ang juice, pinanood ko muna silang naglalaro ng frisbee. Napatigil sa paglalaro si Zac at muling tumitig, ano bang problema nya? Nagmartsa ako pabalik sa kusina para kunin ang tubig na para sakanya at dinala ito sa labas. Nadatnan ko syang nakasandal sa pader, nakapamulsa habang nakapikit.

Inilapag ko ang tubig nya at akmang aalis "Stay" maikli nitong sabi napakunot ang noo ko.

Sakin nya ba yun inutos?

Tinignan ko sya at nakita ko nanaman kung paano nya ako titigan, mas lalo akong naguluhan. "Ako po ba?" Magalang kong tanong. Ilang beses kong narinig ang pasimple nyang pagmura "drop the 'po' " aniya. Humakbang sya papalapit at uminom sa baso.

Pinanood ko sya habang umiinom, naginit ang pisngi ko ng magtama ang mga mata namin. I was so enthralled that I didn't notice Trey beside me, His stares are mesmerizing.

"Ate Rae, we'll play guitar hero. Kami ni Kuya Zac, let's play?" Tanong sakin ni Ashton, tumango ako. Paborito kong laro yon sa ps4!

Sinet-up ko muna lahat sa entertainment room, nakaupo si Zac sa couch habang nakapikit at nakahawak sa ulo. Masakit ba ulo nya?

Nakita ko ang medicine kit sa sulok at naghanap ng gamot, kumuha ako ng malamig na tubig sa mini ref dito sa kwarto at nilapag yon sa harap nya. Umayos sya ng upo at nagtatakang tumingin sakin.

"Kung masakit ulo ni Sir, inumin mo yan" sabi ko,ngumisi sya na nakapagpairita sakin.

"Ikaw ang nagpapasakit sa ulo ko, dapat ikaw rin ang gamot nito" hindi ko sigurado kung sinabi nya ba talaga to, dahil paglingon ko sakanya ay nakahalukipkip sya at nakapikit.

"Let's play! Let's play!" Sabi ni Ashton pagkapasok nya palang sa kwarto umupo ako sa tabi nya at sa gilid niya naman ay si Zac.

Silang dalawa muna ang naglaro, nanalo si Zac ng tatlong beses at gumive up na agad ang bata. "Kuya Zac, ang daya naman eh. " may halong pagtatampong sabi ng bata, I chuckled "Kami muna ng ate mo" sabi naman ng isa, kinilabutan ako hindi ko alam kung bakit.

"S-sige" sabi ko sabay abot ng controller. Sya ang player one ako ang player two. Pinili nya ang kantang 'Sweet Child of Mine', isa sa mga paboritong kanta ko sa larong ito. Intense ang kantang 'to!

"Game?" Tanong nya "Kuya Zac, kuha lang ako ng food sa baba. I want smores" ani Ashton at bumaba.

Awkward..

Nag-game na sya at nagsimula na kaming maglaro. Naalala ko noon yung mga ps4 sa kanto na huhulugan mo ng limang piso para sa kinse minutong laro. Namiss ko 'to. Feeling ko tuloy ay hindi na ako marunong.

I heard him curse at the end of the game, I won!! Ngumiti ako habang umiiling, marunong parin naman pala ako.

"Fuckin' shit" rinig kong sabi nya, napakunot ang noo ko. Bakit sya nagmumura? Tinignan ko sya and there he goes again with the staring. Wala naman ako sa posisyon para magtanong, tingin ko hindi tamang magtanong kung bakit o anong meron.

Humalukipkip sya at sumandal sa sofa habang nakapikit. He loves to do that but why am I observing him?

He's one hell of a good-looking guy. He's a man with a chiseled jaw, lips and nose. All of those features are perfectly sculpted. For a guy, his lashes are longer than what I have.

Nakakainsecure. Napakaperpekto ng mukha nya.

"Drop the stares boo, I might kiss the hell out of you" he stated without looking at me, still his arms crossed and with his eyes closed.

Can he feel me staring?

Ibinaba ko ang tingin ko sa sahig, nakakahiya! Ano bang nasa isip ko at nakatitig ako sakanya? At bakit aliw na aliw akong titigan sya?

Tumikhim muna ako bago magsalita "Sir, maglalaro pa po ba tayo? Ano pong gusto nyong pagkain?" Tanong ko. Binuksan nya ang mga mata nya at mataman akong tinignan.

"Zac Erwan Rutherford O'brien. Call me Zac, call me Erwan, call me anything I don't care.Just drop the formality" sabi niya. Ang haba ng pangalan. Paikliin natin.

Zac Erwan Rutherford O'brien, in short ZERO. Pero teka, hindi kami close para bigyan ko sya ng nickname? Bahala na.

"Penelope Rae Villaraza, Nice meeting you ZERO" I stated while staring at his eyes. A small smile formed ito his lips. Akmang aalis na ako upang kumuha ng makakain "Penelope, Stay." Iba sa pakiramdam ang pagtawag nya sa pangalan ko, kung ano man iyon ay hindi ko alam. Umupo ako sa tabi nya at hinintay ang aking alaga.

If I Got ZEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon