LI

3.7K 99 4
                                    

Revelations

"Penelope" tawag sa akin ni Trina ng umagang iyon, dito sila lahat natulog dahil hindi na rin nila kinaya pang magdrive pauwi kagabi. Maging ang kanilang pag akyat sa kwarto ay hindi na nila nagawa ng walang tulong.

She squinted an eye while rubbing her nose before finally yawning.

Nakarinig kami ng yabag mula sa hagdan at nakitang ang mga lalaki iyon kasama si Alexis.

I tiptoed to kiss Zero's cheeks while he automatically wrapped his arma around my waist, I squealed when suddenly I felt being lipted up by him.

"Zero!" Tawag ko sakanya na may halong pagbabanta, medyo nakarami ito ng inom kagabi kaya naman nahirapan akong patulugin medyo nagtatampo tuloy ako sakanya.

"Baby, let's make our babies na" he whispered loud and clear enough for me to hear, luminga linga ako para tignan kung may nakarinig pero busy naman silang lahat. Mahina kong tinampal ang kanyang braso habang sya naman ay mahinang tumawa bago ako siniil ng halik.

"Shet, mga kapitbahay may gumagawa po ng baby!" Sigaw ni Arki na nasa likod namin at nasaksihan ang aming halikan, pinamulahan ako ng pisngi habang si Zero naman ay tinapunan sya ng throw pillow.

"Kanina si Jairus at Alexis, ngayon kayo naman. Kelangan ko na ngang maghanap ng jowa" Arki says while hugging the throw pillow. "Lalaki o babae?" I teased, he pouted while rolling his eyes at me.

"Depende" humalakhak sya bago padarag na umupo sa couch. Sabay sabay namang pumasok si Dark habang may hawak na tasa ng kape.

"Nescafe creamy white kind of a day... Grabe yung hangover ko" Dark stated before sipping to his cup of coffee.

"Oh, breakfast na!" Tawag sa amin ni Mommy mula sa kusina, sumenyas sa amin si Daddy na kakain na. Lahat kami ay nagsitayuan habang masyang nagkukulitan papasok sa dining room.

"Hay, ang sarap mabuhay dito kila Penelope. Pwede po ba paampon?" Sambit ni Arki habang hinihimas ang kanyang tyan, dahil siguro sa hangover ay marami silang nakain na halos kulangin ang hinanda ng aming mga house help.

"You can visit here all the time, hindi pa ba kayo nasanay?" Mommy answered "para narin namin kayong mga anak" napangiti ako, sa tagal ng panahon nga nilang magkakasama ay para na talaga kaming isang pamilya. Open kami sa mga bahay bahay nila at talagang mainit ang pagtanggap sa amin ng kanya-kanyang mga magulang.

Nang mapagisa ako ay nilapitan ako ni Kuya at niyakap "Nauna ka pang ikakasal sa akin ah. I'm so happy for you, proud na proud rin kasi sobrang tapang mo" he said while hugging me, napaka rare ng moments namin ni Kuya na ganito.

"Sorry kung isa ako sa ga pumagitna noon sainyo... Hindi ko naman alam na magkapatid tayo"

"Wala na yun kuya, ang tagal tagal na non. Ang mahalaga parehas ng masaya ang mga puso natin" he cupped my face and rubbed the tip of his nose to mine.

"Masayang masaya ako para sayo, Penelope. Yung puso mo pakaingatan mo, dahil iisa lang iyan. Good luck sa married life mo kapatid, mahal na mahal ka namin ni Ash." I smiled, even my heart did. Ginulo ko ang kanyang buhok at yumakap.

"Kuya, I wish you happiness. Mahahanap mo rin siya" bulong ko sakanya habang yakap parin siya.

"Hindi ko hinahanap, kusa syang dadating" ngumiti ako bago nya ako iniwan. Maya maya ay yumakap rin sa akin si Ashton.

"Ate, promise me we will still play xbox ha?" Aniya, tumango tango ako.

"Yes and you will play with your future pamangkin too" lumingon ako at nakita si Zero na may malawak na ngiti. Pinalo ko ang kanyang kamay bago sya pabagsak na umupo sa tabi ko, giggling.

If I Got ZEROWhere stories live. Discover now