XXVII

2.8K 86 11
                                    

Prove me

"I've never seen you smile like that for the past few years. Mukhang masayang maya ka ha?" Jairus said "of course I am really happy. Pinakitaan namin ng picture si Manong Guard at sinabi niyang siya nga ang nakita nya. Imagine after five freaking years!" Niyugyog ko pa siya ng bahagya, tumawa lang siya.

Kumalat ang balita sa Pilipinas, nagbigay ng malaking premyo sila Tito sa kung sino man ang makakapagturo kung nasaan si Zero.

Nasa meeting ako ng makatanggap ako tawag, hindi ko muna iyon sinagot dahil I'm with inverstors and future investors. Nang matapos ang meeting ay agad ko ring tinawagan si ate Zoe.

"Hello ate? Pasensya ka na, kakatapos lang kasi ng..."

"He's Back!!!"

Nanikip ang dibdib ko at nahirapan akong huminga, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. I thanked her and I ended the call. May sinasabi siya sakin yet I failed to understand.


Isa lang ang naintindihan ko, he's back after five long years of waiting.

Madali akong nagmaneho papunta sa hotel na tinutuluyan ko dito sa L.A, Uuwi na ako. Nag book ako ng flight at kinabukasan ako aalis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ako makakalma!

I bit my lower lip while touching my pendant, namasa ang pisngi ko sa mga takas na luha galing sa mata ko. That night nakatulog akong umiiyak ulit pero this time dahil sa tuwa.

Bumalik na siya...

Hindi nila alam na uuwi ako kaya nag taxi ako papuntang condo para kunin yung Lexus ko. Kinakabahan ako habang nagmamaneho papunta sa bahay nila, at dumoble ng nasa harap na ako ng gate nila.

The guards opened the gate para makapasok ako, I parked behindi Ate Zoe's car. Hindi muna ako bumaba dahil kabadong kabado ako! Hindi ko alam kung ano bang ire-react ko pag nakita ko siya.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago bumaba ng sasakyan, my heart beat is deafening. Naestatwa ako ng makita ang isang lalaki na nakatingala sa pader na punong puno ng mga litrato ng pamilya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, nanikip ang dibdib ko at namasa ang gilid ng mata ko. Humakbang ako pero natigil ng lumingon siya sakin.

Ibang iba siya sa Zero na nakilala ko. He changed a lot. Lahat ng minahal kong facial features nya ay nagmature. He confusely looked at me. Nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako makahinga!

"Sino ka?"

Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Is he kidding me?

"Zero it's me Penelope" I answered him back hahakbang sana ako papalapit pero gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.

"Hindi kita kilala..."

"Ohh.." Iyon lang ang nasabi ko, humakbang siya papalapit sakin kaya napaatras ako "Why are you crying? Did I offend you? Kapatid ba kita? Pinsan?" I bit my lips trying to process his questions.

This is really cliché!

"Zac! Oh, andito ka na pala Penelope. How's your flight?" Tanong ni Ate Zoe na may hawak na tray na may pagkain. "Who is she ate?" Tanong sakanila ni Zero saka nito kinuha ang tray mula sa kanyang ate.

Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili. Naiinis ako na naaalala niya sila Ate pero ako hindi. Is he playing games with me? Because he needs to stop it cause it's not funny!

Tinignan ko si Ate na para bang naghahanap ng sagot "Well excuse me Zac. I have to talk to Penelope"

"Ah! Penelope... That's a nice name" he commented, para tuloy nag alburoto lahat ng paru paro sa sistema ko. Ugh!

If I Got ZEROWhere stories live. Discover now