XLIX

3.9K 108 8
                                    

Truffles

He's doing great, iyon ang sabi ng doktor. Marami na pala syang naaalala na hindi nya sinasabi sakin, kumpleto na ang ala-ala nya sa Trip namin sa Balesin, pati kung paano kami nagkakilala. Isa pang naaalala nya ay ang pag gising nya sa tabing dagat bago may humampas sa ulo nya ng malakas. Hindi nya nga lang alam kung sino iyon.

Ayon sa doktor posibleng isa iyon sa dahilan kung bakit sya nakalimot. Marahil dahil daw sa lakas ng pagkakapalo sa kanyang ulo ay naging sanhi ito para pansamantalang mabura ang kanyang ala-ala.

Ayon ppa sa doktor, dahil walang nagtangkang magpaalala sa kanya ng kanyang nakaraan ay nahirapan ang utak nyang maalala lahat ng pangyayari sa buhay nya. Kung meron lang sanang tumulong sakanyang maalala ang lahat ay maaring hindi tumagal ng ganoon ang pagkawala ng kanyang memorya.

Ang tanong na agad pumasok sa isip ko ay Sino iyong humampas sakanya? Bakit sya hinampas? Paanong sinalba sya ni Star? Ang daming pumapasok sa isip ko na tanong. Paanong hindi naibalita na nahanap ang katawan nila? Paano nahanap ng pamilya nya si Star?

"Baka naman kasi siya yung pumukpok sa ulo ni Zero, alam mo naman deads rin yan sa boyfriend mo" si Arki ang una kong sinabihan dahil, ayokong maistorbo si Jairus na nagbakasyon kasama si Alexis. Si Dark rin ay tinawagan ko kaya lang paparating palang ito.

"But she saved him, bakit nya naman gagawin iyon?" Iyon ang pinanghahawakan kong rason kung bakit ayaw kong sisihin si Star.

Umirap si Dark ng marinig ang aking sagot "Ang tanong sino ang kasama nila sa isla kung saan sila nahanap? Kung may kasama silang iba pwedeng may ibang suspect, eh paano pag wala? Everything will lead to her." Sumimsim ito sa baso nyang naglalaman ng tequila.

Nagpaalam si Zero ngayon na may aasikasuhin lang, hindi ko alam kung ano yun dahil ayoko naman magtanong. Isa pa I need answers to my questions na pumapasok sa utak ko.

"We should call Jairus" nilabas ni Arki ang kanyang cellphone at tinawagan si Jairus ilang ring lamang ay sumagot ito.

"Umiinom kayo? Kasama nyo pa talaga si Penelope?" Bungad nya ng makitang nasa bar kami. Hindi na ako nakapag-hi dahil nauna na ang kanyang sermon.

"Bra may problema kasi, nakabalik ka na ba? Nasa Bern's bar kami" tumayo si Jairus at nagbihis, so andito na nga sya.

"Okay, ten minutes lang andyan na ako" habang hinihintay si Jairus ay nnagisip isip ako ng mga posibleng sagot sa tanong ko ngayon, shit kulang nalang ay mag hire ako ng imbestigador para dito.

"Whisky" order ni Jairus sa bartender bago umupo sa tabi ko hinalikan nya ako sa noo at nakipag fist bump kila Arki at Dark "So anong problema?"

Huminga muna ako ng malalim trying to calm my nerves "Nagpacheck up si Zero kahapon sa doktor sabi nya naaalala nya na yung nangyare sa Balesin saka yung kung paano kami nagkakilala. Isa pa naaalala nya na gumising sya sa isang isla naramdaman nya nalang na may humampas sa ulo nya. Sabi ng doktor it might be one of the factors kung bakit sya nawalan ng ala-ala. The question is sino?"

"Si Star" kaswal nyang sagot bago uminom sa kanyang alak.

"Sino bang kasama ni Zero sa isla na yon? Kung may kasama silang iba pwedeng may ibang gumawa sa kanya non pero anong motibo? Ngayon na ang alam natin na si Star lang ang kasama nya wala pa tayong ibang suspek" dagdag niya.

"Bakit nya yun magagawa kay Zero and diba sabi nila nagka amnesia rin sya?" Still trying to convince na hindi si Star iyon.

"Bakit hindi nya gagawin yun? Diba nga kinaibigan ka lang nya dahil gusto nya si Zero? Of course she's just faking all the amnesia thing, bakit di nalang natin sya imbestigahan?"

And it dawned on me, she brainwashed Zero and I remember Trina!

"One time nakasalubong namin si Trina, remember her?" Tumango silang lahat of course Trina is our Ms. University way back!

If I Got ZEROWhere stories live. Discover now