X

3.8K 115 6
                                    

Basang Unan

"Hindi ako natutuwa sa ginagawa ni Zac. Lumala sya ngayon, Bra" ani Dark. Nakita namin si Zero kanina na may kasamang babae at nakahawak pa ito sa bewang nito, at ngayon kakadaan niya lang na may kasamang ibang babae.

Para akong sinasaksak kanina nung dumaan siya sa harap ko. Ilang beses akong huminga nang malalim para mawala yung bigat sa dibdib ko.

"I told you Rae, he fucks one girl then another. Matagal na siyang gan-

"Nakita mo kung paano siya nagbago for the past few months. Nagseseryoso na siya, pero may mga makasariling tao na pinigilan siya magseryoso" pagputol ni Arki sa sasabihin ni Trey. Trey smirked na para bang nang aasar.

Nagsukatan sila ng tingin kaya pumagitna ako sa kanila, hindi ko sila maintindihan! Bakit parang may pinapatamaan sila sa sinasabi nila? Bakit parang pinagpipilitan ni Trey na hindi ako dapat magpadala sa mga pinapakita ni Zero?

"See how selfishness can turn a domesticated lion into a beast again" makahulugang sabi ni Jairus. Sabay titig kay Trey, nagkibit balikat lang naman ang huli at humalukipkip.



Tumikhim si Ethan at lumapit.

"Bra, mamaya ah. Dapat lahat tayo andun. Isama niyo si Rae" sabi nito, birthday niya kasi ngayon. Binati ko na sya kanina at nagpasalamat naman. Hindi ko alam kung sasama ba ako sa party na sinasabi niya, parang 'wag na lang, parang mas gusto ko na lang kalaruin si Ashton para kahit papaano ay alibang o kaya naman mag mukmok sa kwarto kesa makita si Zero sa party na 'yon.

Naglakad lakad lang muna ako sa hallway, gusto ko lang muna magpahangin. Nakayuko ako habang naglalakad. Muntik na akong mawalan ng balanse ng tumama ang ulo ko sa dibdib ng nabangga ko, pamilyar at amoy nya at pamilyar tibok ng puso ko.

Tumingala ako para kumpirmahing siya iyon, nagtama ang tingin namin at agad naman siyang tumingin sa malayo. Para siyang napaso sa titig ko, at pagdikit ng mga balat namin, umayos ako ng tayo at humingi ng pasensya.

Tumango lang sya at naglakad palayo, parang binagsakan ako ng langit at lupa habang tinitignan syang papalayo. Tinawag ko siya huminto siya pero hindi lumingon, tinanong niya ako kung bakit pero wala akong masabing dahilan kung bakit ko siya tinawag. Ang lamig ng boses niya ay nanuot sa aking sistema hanggang sa buto, at ng humakbang siya palayo pakiramdam ko namatay lahat ng paru-paro sa loob loob ko. Nakaramdam ako ng pagkatabang at panghihina.

Ilang beses akong lumunok para mapawi ang bara sa lalamunan ko, ilang beses din akong huminga ng malalim at tumingin sa itaas para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak.

Nagdesisyon ako na hindi nalang sumama sa party ni Ethan, dinahilan ko na sobrang sama ng pakiramdam ko, totoo naman iyon. Wala akong gana at pakiramdam ko ay babagsak ako sa kahit anong oras, pumayag naman siya dahil pansin nya ang pamumutla ko.

"I'll send you food," aniya.

"Bukas na lang, may party ka oh, dapat ma enjoy ka. Happy Birthday ulit, bawi ako hehe" sabi ko, tumango naman sya at nagpasalamat.

Ginawa ko na lahat ng responsibilidad ko bilang yaya ni Ashton, gumawa na rin ako ng mga assignments. Naghulog ako ng pera sa ipon ko. Umupo muna ako sa kama at pumikit.

If I Got ZEROWhere stories live. Discover now